“Master!!! Kath!!! We’re so happy for the two of you!” Speaking of. “Grabe, nakakaiyak! Wala kaming masabi! Kung magkaanak na kayo, sana maging kasing ganda ni Kath. Wag sana magmana kay Master! Joke! Hahahahaha. Congrats sa inyong dalawa!” Wala pa ring nasabing matino eh. Nakakatuwang makita na magkakasama pa rin kami hanggang ngayon... Ang three idiots - Sed, Lester, at Kats - sila Aria at Kayla, at kaming dalawa ni Dj. Naging malaki ang papel nila sa buong college life namin.

“Manang! Ang galing ko talaga! Magpasalamat ka sakin kasi ako ang naging dahilan kung paano kayo nagkabalikan ni Daniel! Ang galing kong matchmaker! Congratulations sa inyo. Bro! Salamat sakin ha? Hahaha. Sorry kung napagselos ka namin noon, wala lang yun. Galawan para mapabalik ka sakanya! Effective naman diba? Hahaha. Deh, nakita ng mga tao dun kung gano nyo talaga kamahal ang isa’t isa. Ipagpatuloy ang pagmamahalan ha?” Si Quen. Ang napakabait na si Quen. Ngayon, nagtratrabaho siya sa isang agency sa abroad pero nandito siya ngayon para magspeech. Hahaha. Engaged na yan si Quen! Sa wakas hindi na siya heart broken!

“Nak! DJ!”“Nak! Kath!”“Nandito lang palagi ang mga mommy at daddy niyo para suportahan kayo. Wag kayong mahiyang lumapit samin ng mga magulang nyo. Kung may kailangan kayo, pero wag naman kayong sosobra ha? Masaya kami kasi kayong dalawa ang nagkatuluyan! Tamang tama pala ang pagma-match make namin sainyo nung mga bata pa lang kayo? Sabi na eh! Kayong dalawa talaga! Mga anak... Ano nga ba ang magpapatibay ng isang relasyon? Yun ang patience at forgiveness. Matuto kayong magpatawad. Kung may galit kayo sa isa’t isa, wag magpataasan ng pride. Minsan mabuti na ring kumain ng pride kaysa magkagulo ang pamilya, ang relasyon. Kaya mga anak... Magtiisan kayo ha? Ilang taon na naman kayong magkasama’t nagtitiisan, kaya niyo pa yan! Ngayon pa? Eh kitang kita namin kung gano niyo kamahal ang isa’t isa. Congratulations kids!” Ang mommy ko, mommy ni Dj, si Dad, at ang Daddy ni Dj. Nakakatuwa, at iisang pamilya na talaga kami. Parang dati, ganun na rin ang turing namin pero ngayon... Mas maganda kasi... Kinasal na kami.

 

Oo, kinasal na kami ni Dj... Ang unggoy ng buhay ko. 

Mahal na mahal na mahal nya ako kaya pagkatapos ng graduation namin, nagpropose na siya. At dahil mahal na mahal na mahal ko rin siya, ano pa bang sagot ko? Edi siyempre, “oo”. 

 

“Kath... Mahal ko? Mahal na mahal kita.” Napangiti ako sa lalaking nasa tabi ko, nakatingin sa mga mata ko habang hawak ang kamay ko. “Ang cheesy! Hahaha! Salamat kasi... Minahal mo ang gagong ako. Salamat kasi kahit inaasar kita noon, minahal mo pa rin ako. Salamat kasi pinagtiisan mo ako sa daming beses kitang sinaktan. Salamat sa lahat lahat! Kung isa-isahin ko pa, baka hindi na tayo makapag-honeymoon! Hahaha. Gusto kong simulan itong bagong buhay natin bilang mag-asawa, sa isang malutong na MAHAL KITA. I want to tell you this everyday. Sa tuwing gigising ako, magtotoothbrush, kakain ng umagahan, magtotoothbrush ulit, sa tuwing aalis ako para magtrabaho, sa tuwing babalik ako sa bahay, bago matulog... Gusto kong ipaaalala sayo bawat minuto kung gaano kita kamahal. Gagawin ko ‘to hanggang sa pumuti na ang mga buhok natin, kahit kulubot na ang balat mo, kahit hindi ka na makatayo gawa ng arthritis mo, kahit pustiso na lang ang ngipin mo... Kahit ganon, mahal pa rin kita, mamahalin pa rin kita. Alam mo namang kasing halaga ng paghinga ang pagsabi ko sayo na mahal kita eh. OA man o corny man guys, pero ganito ata talaga pag in love. Mahal na mahal na mahal kita Kathryn... Wala mang forever, gagawin nating forever ang pagmamahal ko sayo, ang pagmamahalan natin, till death do us part.” Tapos hinalikan nya ako sa noo. Mahal na mahal ko ‘tong taong ‘to, na kahit ang ganda ng make-up ko, hindi ko na-control at naiyak ako. Mahal na mahal ko siya... Mahal na mahal.

“Dj... Unggoy ko. Mahal na mahal din kita. Hindi man ako ang magiging perpekto mong asawa, sisiguraduhin kong ako lang ang magiging asawa mo.” Tumawa yung crowd. “Ang dami na nating nadaanang bagyo, unos, muntik na atang pagguho ng mundo naranasan natin. Pero... Ewan ko. Miracle na lang na tayo pa rin ang magkahawak kamay ngayon. Hindi ito ang ending natin... Ito pa lang ang simula. Wala na akong masasabi pa kasi marami pa tayong tatahakin para sa ating forever, diba? Hindi ko naman hanggad ang happy ending... Kasi paano yun magiging happy kung may ending din naman pala? I prefer continuous story... Walang katapusang storya na nagkwekwento ng pagmamahalan nating dalawa. Continuous kitang mamahalin... Hanggang sa pagtanda. Pag nagkaroon man tayo ng mga great great great grandchildren, gusto ko malaman nila ang storya nating dalawa. Gusto ko mainspire sila sa storya natin. Na kahit gustong gusto na nating sumuko... Nalaban pa rin tayo. Yun ang tunay na pagmamahal. At hanggang sa huli, Dj, ipaglalaban kita, mamahalin kita hanggang sa huli kong paghinga.”

Hindi ito ang tapos ng storya namin... Ito pa lang ang simula ng happy ever after namin. Ang dami na naming pagsubok na nadaanan sa buong buhay naming magkasama. Ang dami na naming napagdaanan. Pero lahat ng yon ay nalampasan namin. Alam kong pag nagsimula itong bagong buhay namin bilang mag-asawa, ay marami pa kaming pagdadaanan. Pero may tiwala ako na kaya rin namin ‘to. Kami pa? Ganito kabaliw ang magmahal... Hanggang sa muli.

Fin

---------------------------

Kaye's note: 

GOOD NEWS: TAPOS NA!!!!!! OMG

BETTER NEWS: MAPUPUBLISH NA 'TONG STORY PATI YUNG THIS CRAZY LOVE!!!

MADRAMANG ENDING PARA SAKIN.

Ang tagal ko na rin sa Wattpad, mag 4 years na (1 1/2 years ata akong hiatus). Sobrang dami kong natutunan dito sa site na 'to. Ang dami kong naging kaibigan, ang dami kong hinangaan, marami akong napasaya, at ako rin mismo ay sumaya. Maraming salamat sa inyong patuloy na sumusubaybay sa mga istorya ko. Mga nagpasaya, nagpakilig sakin ay kayo. Sana ganun din ako sainyo. Maraming salamat sa lahat ng nag aabang ng updates kahit palaging sobrang tagal kasi nablablanko ako palagi at sobrang busy ko. Sorry kung ganun.

Maraming salamat sa mga supporters. Maraming salamat sa taong nagrecommend sakin sa isang publishing company. It was really an honor. Pangarap ko to guys! Ang maging published author. Sisipagan ko na ulit, magbabalik na ako kung kaya ko. Maraming salamat Lord. Naging matagal man natupad ang prayer ko, natupad pa rin. Ito na! Ito na po, magiging published author na ako! Sobrang saya ko. <3

THANK YOU POOOOOOOOOOOOOOOOOOOO *CHICHAY'S VOICE*

Still This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now