Chapter 17

11.8K 279 44
                                    

Rules

Pagkatapos naming mag-usap ni Mon ay agad akong bumalik sa lob ng bahay at doon ko naabutan si Adam na nakikipag-usap kay Dad habang karga karga si Xyler.

Nagdalawang isip muna akong lapitan sila, parang hindi ko yata kayang harapin si Adam tsk.

Tahimik lang ako pinapanood silang mag-ama ng biglang tumikhim si Mom na nasa likuran ko na pala.  Hindi ko man lang namamalayan na nakalapit na siya.

"What are you doing here?  Bakit hindi mo sila lapitan. " Nagtatakang sabi ni Mom.

"Ah ang sarap lang kasing panoorin na masaya si Xyler dahil binisita siya ng Daddy niya" Sagot ko.  Sana makalusot.

"Yeah,  that's why I'm telling you, you and Adam really need to talk" Pabulong sabi ni Mom at naunang maglakad papunta kina Dad.

Agad naman akong sumunod sa kanya. Hindin pa ko tuluyang nakalapit sa kanila  nakaramdam na ako ng kaba dahil feeling ko may nakatitig talaga sa'kin.

"Nandito na pala sila. " Masiglang sabi ni Dad.  Napilitan akong mag-angat ng tingin at ang mainit na titig ni Adam ang sumalubong sa akin.

Mabilis akong umiwas,  at ganun din siya.

Kaagad naman niyang nilapitan si Mom para batiin ito. Habang ako naman ay nakatayo lang sa isang tabi at tahimik na idinadasal na sana hindi na magtagal sa bahay si Adam at maisipan niyang umuwi kaagad.

I was glaring at him when he suddenly give me a look,  then smirk.

Mukhang sa mukha niya,  may binabalak siyang gawin at hidi nga ako nagkamali.  Inilang hakbang niya lang ang pagitan namin and without hesitation he give me a peck on my cheeks.

Para akong nabato sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya lalo na at nakatingin sa amin si Mom at Dad.

"Good morning." He said almost a whisper.

"G-good morning." Napilitan kong sagot. Pagkataps nun ay biglang may inabot si Xyler na isang pulang rosas kaya nagtaka ako kung saan niya ito kinuha.

"Wow thank you baby, sino nagbigay nito? " Nakangiting tanong ko,  gusto ko sana siyang ikiss kaso karga karga pa rin siya ni Adam kaya napahaplos na lang ako sa chubby cheeks niya.

Napatingin ito sa Daddy niya at itinuro ito pagkatapos.

So ganun na ang bagong style niya,  idinadaan niya kay Xyler para hindi ako makatanggi,  ibang klase. Akala niya madadaan niya ako sa rosas rosas.

"Ahem..Maiwan muna namin kayo,  we still have some important things to do. " Pagpapaalam ni Mom. For sure it was just her excuse to give us some time to talk.

Nang makaalis sila, bigla natahimik kami pareho kaya para mabawasan naman ang pagkaasiwa ko si Xyler na lang 'yong kinausap ko.

Kinuha ko siya mula kay Adam at pinababa.

"Baby next time na lang natin bisitahin si Yuri at Tita Bhambie,  okay. " Sunod sunod siyang tumango.

"By the way I have something for him." Biglang singit ni Adam.

Napatingin ako sa kanya at ilang sandali ay may kinuha siyang isang malaking paper bag.

A Hot Night with Mr. CEO [AHNWMCEO]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ