Chapter 1

57.5K 782 184
                                    


Welcome Back

Ahmira's POV

Until now hindi pa rin ako makapaniwalang nasa Pilipinas na ulit ako ang pinagkaiba lang kasama ko na 'yong anak ko.

Kakalapag ng eroplanong sinasakyan namin and I could really feel the hot temperature which is absolutely different from the US.

Hinubad ko 'yong jacket ko habang bitbit 'yong maliit na
maleta ganun din si Bryan hang karga niya ang tulog na tulog na si Xyler.

Habang naglalakad hindi ko mapigilang hindi mapangiti tuwing makikita ang mga taong naghihintay sa mga mahal nila. You can really see the happiness and excitement in their eyes, kung sana ganun din ang mararamdaman ni Adam. Pero alam ko namang hindi mangyayari 'yon at tanggap ko na 'yon.

"Ahmira .." Tawag ni Bryan kaya nilingon ko siya.

"Hah? May problema ba? Gusto mo ako naman ang magbuhat sa kanya?" Nag-aalalang tanong ko. Mabilis naman siyang umiling.

"Nah..." Nakangiting sagot niya at ininguso ang nakita niya.

Kaagad kung sinundan ang tinuro niya at doon ko nakita ang isang taong sobra kong na miss. Awtomatiko akong napangiti at mabilis na lumapit sa kanya.

"BHAM!" Malakas na sigaw ko habang papalapit sa kanya.

"Waaaah! Ahmira ikaw ba 'yan? Muntik na kitang hindi makilala ah" I hugged her immediately and she hugged ne back.

"Ikaw talaga! 3 years lang ako dun no!" Tumatawang sabi ko sabay tapik sa braso niya.

"Wow 3 years lang, as in LANG lang? Eh nung umalis ka nasa tummy mo pa lang si Xyler" Napangiti ako sa naging reaksiyon niya. Hayy wala pa ring nagbago sa kanya, she still the best friend I've ever known.

"Okay okay.. 3 years akong nawala pero wala namang nagbago, ako pa rin 'to.. By the way I missed you Bham.." I said and hugged her again.

"I missed you too Ahmira, ang dami mo kayang na miss na events dito.. Hala 'yan na ba si Xyler?" Namimilog ang matang tanong niya nang makita si Bryan karga si Xyler. Masyado pa la akong excited mayakap si Bham at hindi ko namalayang nauna na 'ko sa kanilang dalawa ^_____^

"Hi.." Bati ni Bryan kay Bhambie.

"Hello Bry.. Mas lalo yata tayong pomogi ah" Pagbibiro nito. Napangiti na lang si Bryan sa kakulitan niya.

Kinuha ko muna si Xyler sa kanya dahil baka pagod na siya.

"Eiiii.. ang kyut kyut naman oh. Magkamukha talaga kayo ng ama mo" Nanggigil na sabi ni Bhambie sabay kurot sa pisngi nito. Pareho kaming nagulat nang umiyak ito.

"Mommyyyyy..." Nagulat yata.

"Sorry baby, ang ingay ko ba?" Tanong ni Bhambie. Saglit lang siyang tiningnan ni Xyler at umiling habang tuloy pa rin sa pag-iyak.

"Shhh..tahan na baby, sleep ka na ulit" Mahinang sabi ko at hinagod ang likod niya. Mabuti na lang at humiga siya ulit sa balikat ko at maya maya ay nakatulog din ulit.

"Ahmira sa'min na kayo sumakay para makapag-usap naman tayo..please" She suddenly said with matching puppy eyes.

Binalingan ko si Bryan, may sundo din naman kami kaso sayang naman 'yong oras na makapag-usap kami ni Bham. I really miss her at marami akong gustong itanong sa kanya.

"It's okay.. ako na ang bahalang magsabi sa magsusundo sa'tin" Nakangiting sagot niya.

"Talaga? Okay lang naman kung sumabay ka na lang din, diba Bham?" Nakangiting tumango si Bham.

A Hot Night with Mr. CEO [AHNWMCEO]Where stories live. Discover now