Chapter 4

35.4K 598 94
                                    

So weird

Ahmira's POV

"Oh ano na? Nakapagbihis ka na ba? Papunta na 'ko sa bahay niyo!" Masiglang bungad ni Bhambie ng sagutin ko ang tawag niya. Niyaya niya kasi kong lumabas para daw makapag bonding kaming dalawa at makapagrelax kahit papaano.       

Gusto ko sanang tanggihan dahil walang magbabantay kay Xyler pero nang malaman ito ni Mom, siya mismo ang pumilit sa'kin na sumama kay Bhambie.

"Yeah, pinapatulog ko lang sandali si Xyler" Mahinang sagot ko. Actually nakatulog na siya pero tinabihan ko muna saglit dahil baka magising siya kapag maramdaman niyang wala ako sa tabi niya.

"Okay, hehe ecxcited lang ang lola mo!"  Tumatawang sagot niya. Sira talaga!

"Oh sige na, magmaneho ka ng maayos kung hindi ako ang  lagot kay Zack" Pagbibiro mo sa kanya. Tumawa lang ang loka bago tuluyang tinapos ang tawag.

Sandali akong napatitig kay Xyler at mapait na ngumiti. He really deserve to meet his Dad at ganun din naman si Adam. Pero bakit parang natatakot ako sa pwedeng mangyari? Ilang ulit ko nang pinag-isipan ang bagay na 'to kahit nasa US pa lang ako, akala ko magiging madali lang ang lahat, hindi pala. Hindi ko alam kung paano at kailan ko siya kakausapin, iniisip ko pa lang na makakaharap ko siya sobra na 'kong kinakabahan..

Hinalikan ko muna ang pisngi niya bago dahan-dahang tumayo. Hinanap ko 'yong photo album na naglalaman ng mga litrato ni Xyler simula nang ipinanganak ko siya, balak ko sanang ibigay to kay Adam. It would be unfair for him kung hindi man lang niya matutunghayan ang paglaking anak niya kaya kahit sa pamamagitan lang nito makita niya kung paano ko inalagaan si Xyler.

Napangiti ako ng makita 'yong picture niyang umiiyak, Adam na Adam talaga. Naalala ko dati 'yong picture ni Adam noong bata pa siya, parang ganito din, pinag-awayan pa nga namin 'yon dahil ayaw niyang ibigay sa'kin. Pinagtatawanan ko daw, tsknakakatawa naman talaga ang itsura niya.

Nasa huling pahina na 'ko nang biglang may kumatok.

Mabilis kong binuksan 'yon at nakita ko si Mom na nakatayo sa labas ng kwarto.

"Mom.."

"Are you ready? Hinihintay ka na ni Bhambie sa baba" Nakangiting pahayag niya. Kaagad naman akong tumango at nilingon ang natutulog na si Xyler.

"Don't worry akong bahala sa apo ko. Kailangan mo ding lumabas minsan para naman makapag relax ka at para makapabonding kayong magbestfriend. Hindi mo na magagawa 'yan sa susunod na mga araw dahil magsisimula ka ng magtrabaho" Pagpapatuloy niya nang mapansing nag-aalangan ako dahil kay  Xyler.

Inayos naman niya pagkatapos ang damit ko at sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.

"Wala ka bang tiwala sa'kin, nakaya nga kitang alagaan noong baby ka pa kahit sobrang likot mo ito pa kayang apo ko" Pagbibiro ni Mom, tumawa lang ako at mabilis na humalik sa pisngi niya.

A Hot Night with Mr. CEO [AHNWMCEO]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon