CBH BOOK 2: Chapter 2

Start from the beginning
                                    

"Pero anak, bakit kailangan mo pang mag condo? Ang laki laki ng bahay natin oh."

"Mom, two years akong nasa London, sanay po akong mag isa. And besides I want to be independent." Paliwanang ko.

"Clara, hayaan mo na yang anak mo.. Matanda na yan. Di na kasi tayo kailangan" aysus, itong si Dad nag tatampo pa. Hindi bagay.

Lumapit ako kay Dad at niyakap ko siya.

"Ikaw talaga Dad, nagtatampo ka nanaman. Hahaha. Dadalaw dalaw naman ako eh. Don't worry"

"Hmmm. May magagawa ba kami?. Osige anak, ikaw bahala. Basta kapag may kailangan ka tawagan mo lang kami ng Mom mo ah"

"Yes Daddy. Sige po taas na muna ako sa kwarto ko. I badly need some rest. I love you both" agad na akong tumaas sa kwarto ko para makapag pahinga.

Tulad nga ng sabi ko kila Mom kinabukasan agad na akong lumipat sa condo unit ko. Well inasikaso ko na to two months ago at nakapag down na rin ako.. Kaya wala ng problema sa paglipat ko.

Inayos ko na muna ang mga gamit ko, para maaga akong makapagpahinga at may balak akong bisitahin.

Halos tatlong oras din akong nag ayos, nag linis pa kasi ako, at syempre pastop stop ako dahil ang papahinga ako then I'll continue my job.

Maganda naman tong nabili kong condo unit, may tatlong kwarto. Yung isang kwarto is my working area, kung saan ako mag papaint, yung isa naman pang guest room, at yung isa, kwarto ko. Sakto lang yung living room, comforty naman, kaya walang problema.

After kong mag ayos, naligo na ako kaagad. Balak ko na kasi silang bisitahin eh. Yung coffee shop kung saan ako nag work...

--

So andito na nga ako, medyo kinakabahan ako, what if andito siya? Kaya ko na ba siyang harapin? Pero bahala na. Andito na ako eh.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang si Sally na ang una kong nakita at siya na pala ang bagong manager.

"Rhi-Rhian?" Ngumiti na lang ako sa kanya at agad ko siyang niyakap.

"Sally! Kamusta ka! Namiss kita!" Sabi ko sa kanya. Nakita ko na nasiyahan rin siya sa pagbisita ko.

"Ayos lang ako. Ikaw? Grabe ang tagal mong nawala.. Saan ka ba galing?" Tanong nito sa akin. Siguro sabihin ko na lang sa kanya ang lahat sa susunod.

"Wala nag London lang ako. Ikaw ah. Manager ka na pala ngayon" I said. Ibang iba na kasi si Sally ngayon eh.

"Yes, pinagkatiwala na sa akin to ni Ma'am Glaiza, simula nung... Simula nung nawala ka. Wala na raw kasi siyang mapagkatiwalaan eh" malungkot na sabi niya sa akin. Niyaya muna niya akong umupo.

"So, how is she?" I asked. Iniisip ko sana ok lang siya. Na kahit papaano is masaya siya.

"Ok lang naman ata siya. Actually, bihira na lang siyang pumunta dito. Kapag pupunta siya dito, iccheck lang kami tapos alis na. Hindi na nga siya tumatambay para magkape eh." Sagot ni Sally sa akin.. Marami na pala talaga ang nag bago. Halos araw-araw andito si Glaiza, para tumambay at uminom ng paborito niyang black coffee.

"Ahh. Ganun ba. Uhmmm. May you know. Girlfriend na ba siya?" Kinakabahang tanong ko. Paano nga kung meron? Paano kung wala na akong puwang sa puso niya. Tsaka kung tutuusin, kasalanan ko rin naman.

"Hmmmm. Well, napapabalita na lagi silang magkasama ni Kim Domingo. Well yun naman ang sabi sabi nila. Lagi silang nakikitang lumalabas nitong mga nakaraang araw. Pero wala namang sinabi na, may something sa kanila" wait what? Si Kim Domingo? Yung may ari ng See Resort sa Batangas? Close na sila ngayon? Paano nangyari yun?

Come Back HomeWhere stories live. Discover now