Nagsigawan ang mga lalaki kong kasama sa excitement maliban kay Grey. He is in his usual poker face. Masyado siyang seryoso ngayon at naninibago ako.

"Count your members."

Agad ngang tumayo si Tim para bilangin ang miyembro namin.

"24." Bulong niya.

Nasan ang isa?

Medyo kumalabog ang dibdib ko. Agad kong hinanap si Sandra at buti na lang nadito pa siya.

"Hindi ba binilang natin kanina 25 tayo?" Tanong ng isang miyembro.

"Oo nga, so sino ang nawawala?"

"Si Tesa!" Sigaw ng isang babae sa likuran.

"Tama lang na 24 ang bilang niyo. Para maibalik ang isa niyo pang member ay kailangan ninyong gawin ang isang mission."

Fuck that head, Dean Ferer. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko. Sa tingin ko ay may masama nang nangyari dun sa Tesa nang hindi namin alam.

"You have to answer the hidden question. Nandiyan lang iyan sa quarters niyo. Good luck sa paghahanap. You have 15 minutes or else ay hindi na sa inyo maibabalik ang member niyo."

"Ano bang pake namin kung hindi siya makabalik?" Natatawang tanong ng isang lalaki at sumabay naman sa pagtawa ang iba pa.

Hindi ko alam kung OA lang ba talaga ako. Pero swear, ako lang ata ang natatakot dito.

Biglang pinatay ang lahat ng ilaw sa school kaya nagsigawan ang ibang babae.

"Ano ba naman, ang baboy."

Binuksan ko na lang ang flash ng phone ko saka naghanap sa tabi tabi.

"May nahanap ka na ba?" Tanong sa akin ni Sandra na ngayon ay hawak din ang phone para maging ilaw.

"Wala pa." Sagot ko.

"Saan kaya nila itinago iyon?" Tanong nito at nagpatuloy sa pagahahanap.

Halos nasilip na namin ang lahat ng sulok dito sa Classroom kahit na yung ililalim ng mga upuan pero wala parin kaming nakikita.

"Ang sakit ng tiyan ko." Daing ng isang babae doon sa may sulok habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan. Halos mamilipit na ito sa sakit kaya naman lumapit na ako dito.

"Okay ka lang? Kaya mo pa?" Tanong ko.

Hindi ito nakaimik sa halip ay sumuka ito sa sahig.

"Eeeww." Rinig kong reklamo ni Kim.

Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya ngumiti lang siya na nang-aasar.

"May something doon." Turo ng isang lalaki sa suka ng babae.

"5 minutes"

May color pink na something doon kaya ako na ang naglakas loob na pulutin ito kahit na nakakadiri.

Isa itong basang papel na kulay pink at sa pagbuklat ko ay may nakasulat na tanong.

Fuck! Paanong napapunta ito sa katawan niya?

Agad akong tumakbo palapit dito at kitang kita na hinang-hina at namumutla na siya.

"Tell me, anong kinain mo before this activity?" Tanong ko.
 
Medyo nahihirapan siyang huminga ngunit pinilit niya paring magsalita.

"S-sandwich na bigay ng Head."

Naloko na. Pinlano niya nga talaga ito.

"Ano ba iyang papel na iyan?" Tanong nila.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now