Chapter 26: His Sacrifice

929 26 4
                                    

Hazel's POV

"Kamusta na ang pakiramdaman mo anak?" Tanong sakin ni daddy. Habang nasa tabi ko at hawak hawak ang kamay ko. 

"Ayos na po ako dad." Nakangiting saad ko at tinignan isa isa ang mga kaibigan ko. Bigla namang kumunot ang noo ko ng hindi ko makita sina Carson at Felix pero nandito ang daddy nila. 

Apat na araw na ang nakalipas at naging maayos naman ang operation. Nanghihina padin ako pero alam kong maayos na ang paghinga ko. Maayos na ang puso ko nararamdaman ko yun. Akala ko hindi ko makakaya ang operation pero nagpapasalamat ako kase naging maayos ito. Laking pasasalamat ko talaga sa nagbigay sakin ng pangalawang buhay. Malaki ang utang na loob ko sakanya. 

Hindi padin ako makapaniwalang maayos na ang puso ko. Hindi na din ako mahihirapan magagawa ko na din ang mga matagal ko nang gustong gawin. Nakita ko namang nangilid ang luha ni daddy habang nakatitig sakin. Hinawakan niya ang pisnge ko at napangiti ako nang halikan niya ko sa noo. Lumapit sakin si mia at lalo naman akong napangiti ng yakapin niya ko ng mahigpit. Umiiyak lang siya habang nakayakap sakin. Hinihimas ko naman ang likod niya para mapatahan siya. 

"Mia. Maayos nako wag ka nang umiyak." Nakangiting saad ko sakanya. Kumalas siya sa yakap at umiiyak na tumingin sakin pinunasan niya ang mga luha niya pero patuloy padin itong bumabagsak. 

"Masaya ako para sayo friend." Umiiyak na saad niya nilapitan siya ni Miko at pinapatahan niya ito. Hindi ko naman maiwasang maging emotional dahil lahat sila ay umiiyak. Bakit sila umiiyak lahat? 

Ligtas naman na ako? 

Maayos na ang lagay ko?

Bakit sila umiiyak.? 

"Guys wag na kayong umiiyak. Ayos nako." Saad ko sakanila habang tinitignan ko sila isa isa. Nagulat naman ako ng makita kong umiiyak sila Edward. 

"Mommy sino nga po pala yung heart donor ko?" Tanong ko kay mommy at tinignan siya. Napatigil naman siya sa pag-iyak at napansin kong naging balisa siya at tarantang tarantang tumayo papunta sakin. 

"Anak kailangan mo na sigurong magpahinga. Nanghihina kapa." Sabi ni mommy at inaayos ang higaan ko kahit maayos naman ito. 

"Mommy." Tawag ko sakanya tumingin siya sakin pero agad naman niya itong iniwas. Agad namang kumunot ang noo ko dahil sa ginagawa ni mommy. Tinignan ko sila isa isa lahat sila nakayuko at hindi makatingin sakin ng diretso. "Pwede ko nabang malaman kung sino ang heart donor ko?" Tanong ko sakanila. Gulat naman akong napatingin sa daddy nila carson ng humagulgol ito ng pagiyak agad naman siyang nilapitan ni daddy at hinawakan sa balikat. 

Lahat sila ay hindi tumitingin sakin. Nakayuko lang silang lahat habang umiiyak. Ano bang nangyayare? Tinignan ko si mia at umaasang may makukuha akong sagot sakanya pero iniwas niya lang ang tingin niya. Agad naman akong nakaramdaman ng inis dahil ayaw nilang sabihin ang nangyayare sakin. Tinignan ko din si miko pero yumuko lang ito. Tumingin ulit ako kay mommy na kasalukuyang umiiyak padin hanggang ngayun. 

"A-ano po ba talaga nangyayare?" Takang tanong ko sakanila dahil gulong gulo na ang isip ko sa mga kinikilos nila. Gusto ko lang naman malaman kung sino ang heart donor ko. Pero ayaw nilang sabihin at umiiwas sila sakin. 

"Kilala niyo pa ang heart donor ko?" Tanong ko ulit sakanila. Sabay sabay silang tumingin sakin at tumango. "S-sino?" Tanong ko at tumayo ako sa higaan. Lumapit ako sa harapan nilang lahat dahil lahat sila ay nakaupo sa sofa. "S-sino siya? Pwede ko bang malaman kung sino?" Tanong ko ulit sakanila at tinignan sila isa isa. Agad naman akong napatulala ng mabasa ko ang nasa mga mata nila.

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Where stories live. Discover now