Chapter 22: Forgive

837 22 1
                                    

Hazel's POV

"Eto hazel. Fruits binili ko kainin mo ah. Teka ipagbabalat lang kita." Napangiti naman ako dahil sa mga ginagawa ni Carson. Hindi ko alam kung paano magpapasalamat sakanya dahil lagi siyang nandyan para sakin. Masaya man ako o Malungkot. Sa tuwing naalala ko si felix pinapasaya niya ko,Pinapatawa niya ko nagkukwento siya ng mga nakakatawang bagay para lang hindi ako maging malungkot. Pag wala sila Mommy siya ang nagaalaga sakin. Umaga hanggang gabi. Sinasabi ko sakanyang hindi naman niya responsibilidad na gawin ang bagay natoh! Pero makulit siya pati sila Mia oras oras akong kinakamusta simula nung nalaman nila ang tungkol sa sakit ko. Nandyan lang sila sa tabi ko palagi akong inaasikaso sabi nila wag ko muna daw masyadong isipin si felix pero anong magagawa ko. Palagi siyang pumapasok sa isipan ko. Pilit ko siyang kinakalimutan pero hindi ko talaga magawa. Araw araw iniisip ko kung ano yung ginagawa niya? Kamusta naba siya? Kumain naba siya? Maayos lang ba siya?

Minsan naiinis ako sa sarili ko dahil si Carson ang nasa harapan ko pero si felix ang hinahanap ko. Hindi naging madali ang pagstay ko dito sa Hospital hanggang ngayun humahanap padin sila ng donor para sakin. 

Naalala ko nung pumunta kami ng ibang bansa nun para magpaopera ako pero nabigo kami dahil naubos nadaw yung donor! Kaya hindi ako naoperahan nun. Galit na galit si daddy nun sabi niya gawin daw ang lahat para maoperahan ako pero wala eh! Nabigo lang kami simula nun halos lahat pinagbawal sakin. Wag masyadong tumakbo o magpakapagod. Nabuhay akong parang nakakulong dahil halos hindi ko din magawa ang gingawa ng iba. 

Pero isang araw may taong. Pinakawalan ako sa kulungan at niyaya niya kong sumama sa lugar niya. Sa simpleng lugar na hinding hindi ko makakalimutan. Siya ang dahilan kung bakit napuntahan ko ang ibang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Nakakakain ng pagkain na kahit kelan sa buong buhay ko hindi ko pa nakita o natikman. Masaya ako dahil nakilala ko siya at minahal ko siya ng ganito. Wala akong pinagsisisihan. 

"Hazel here." Nagising naman ako sa realidad ng marinig kong magsalita si carson. Nakangiti siya habang hawak ang prutas na binalatan niya para sakin. Napangiti naman ako at kinuha ito sakanya.  Umupo naman siya sa tabi ko at pinagmasdan lang akong kumain. 

"Thank you carson." Nakita ko naman ang gulat sa mukha niya dahil sa sinabi ko. 

"Para saan?" Takang tanong niya. 

"Dahil nandyan ka. Kahit na tinataboy kita minsan Nandyan kapadin para sakin." Napangiti naman siya sa sinabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. Napatingin naman ako sa kamay naming magkahawak ngayun. 

"Your always welcome hazel. Wala kang dapat na ipagpasalamat dahil gusto ko ang ginagawa ko." Ako naman ang napangiti sa sinabi niya. 

Sana balang araw may makilala siyang babaeng magmamahal sakanya ng buong-buo. Hindi ko kayang pantayan yung pagmamahal na ibinibigay niya sakin. Sana balang araw may makita siyang babaeng mamahalin siya katulad nang pagmamahal na ibinibigay niya. 

Narinig ko namang may kumakatok sa pintuan. Agad namang tumayo si carson para tignan kung sino yun. Napangiti naman ako ng makita ko sila Mia at Miko. 

Pumasok silang dalawa at nakita kong may bitbit silang Pagkain. Napangiti naman ako ng bigla akong yakapin ng mia ng mahigpit. 

"Babe. Baka hindi siya makahinga ng maayos." Saway sakanya ni Miko. Mabilis namang kumalas ng yakap si Mia at ngumuso ito. 

"Sorry friend namiss lang kita." Nakangusong sabi niya napangiti naman ako dahil para siyang bata. 

"Namiss din kita. friend." Nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko. 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن