Chapter 21: Realize

858 24 3
                                    

Felix's POV

"Pano ba yan lix. Aalis nako magiingat ka." Naiiyak na sabi ni Mika dahil aalis na siya. Uuwi na ulit siya sa U.S Napangiwi naman ako iyakin talaga kahit kelan. 

"Wag ka ngang umarte babalik kapanaman eh." Sabi ko sakanya. Agad naman siyang tumingin sakin ng masama at biglang ngumuso. 

"Sayang nga eh. Wala si Mia at hazel hindi tuloy ako makakapagpaalam sakanila bago ako umalis." Sabi niya habang nakanguso. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan ni Hazel. 

"Maaga kaseng umalis si Mia daw sakanila eh. Tinanong ko nga kung saan pupunta hindi daw sinabi." 

Nakatingin naman ako sa malayo ng maalala ko ang mga sinabi sakin ni Mia. Ilang araw na ang lumipas pero sariwa padin lahat ng sinabi niya sakin. Gusto kong kausapin si Hazel Pero natatakot ako na baka sumuko na yata talaga siya sakin. Iniisip ko palang na susuko na siya sakin sumisikip na ang dibdib ko. Hindi ko kaya hazel

"HOY! Li kanina pako nagsasalita. Tapos tutulala kalang diyan problema mo.?" Nakapamewang na tanong niya sakin Habang nakataas ang kilay. Napailing nalang ako.

"Wala. Magiingat kadun tsaka umalis kana nga malalate pako sayo eh." Iritang sabi ko sakanya. Nakita ko namang lumaki ang mata niya sa sinabi ko. Natawa naman ako dahil dun.

"Aalis nalang ako ganyan kapa." Naiinis na sabi niya. "Si Hazel iniisip mo noh!?" Gulat naman akong napatitig ng dahil sa tanong at sinabi niya. Pano niya nalaman yun?

"A-anong sinasabi mo. Hindi ko siya iniisip noh!" Pagsisinungaling ko pero hindi yun umepekto sakanya dahil ngumisi lang siya at nagtaas baba ang kilay niya na para bang nagaasar. Well nangaasar talaga. "Problema mo?" Inis na tanong ko sakanya dahil ayaw niyang tumigil. 

"Sus! ang sabihin mo iniisip mo kung paano mo siya kakausapin." Agad naman ulit akong napatitig sakanya ng sabihin niya yun. Paano niya ulit nalaman yun? Manghuhula batong bestfriend ko?

"H-huh hindi ah bakit ko naman kakausapin yun." Pagsisinungaling ko ulit sakanya. Nagulat naman ako ng biglang sumeryoso ang mukha niya. 

Alam niya nadin ang lahat na nangyare. Kinuwento ko lahat sakanya mula umpisa. Laking gulat niya nga nung sinabi ko sakanya na mahal ako ni Hazel. Pangarap ko lang daw kase dati yun. 

Tama naman siya. Hindi nga ako makapaniwalang mamahalin ako ng isang Hazel Santiago. 

"Ang taas padin ng Pride mo felix." Agad naman akong sumeryoso at tumingin sakanya. Alam kong seryoso na siya. "Alam mo kung ako sayo bababaan ko yang pride ko at tatanggalin ko yang galit sa puso ko." Napatitig naman ako sakanya dahil sa sinabi niya. "Felix wag mong hayaang lamunin ka niyang galit mo. Lahat ng tao nagkakamali felix at lahat ng tao deserve ang Second chance." Sinasabi niya yun habang nakatingin sakin ng seryoso. "At sa posisyon ni Hazel ako na nagsasabi sayo felix. Hazel really deserve a second chance." Seryosong saad niya. 

"I love her." Nakita ko namang napangiti siya sa sinabi ko. 

"I know felix. Mahal mo siya. Mahal ka niya mahal niyo ang isat-isa." Hinawakan niya ang balikat ko at tumingin sakin ng seryoso. "Wag mo na ulit siyang itutulak palayo dahil baka sa kakatulak mo sakanya palayo ay bigla nalang siyang mapagod at mawala." Napatitig naman ako sa sinabi niya. 

"Diko alam kung paano ko siya kakausapin." 

"Natatakot ka? Nahihiya ka?" 

"Oo Malamang." 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora