Chapter 9: His smile

862 34 1
                                    

Felix's POV

"Sige Felix. Una kana pasok nako Bye."  Bigla naman akung kinabahan ng makita ko siyang natatarantang pumasok sa mansyon nila. Magsasalita pa sana ako kaso nagmamadali siyang pumasok. 

Galit ba siya? 

May nagawa at nasabi bako na hindi dapat? 

Pero kanina ko pa napapansin na para siyang balisa. Kanina sa Jeep hindi siya makatingin sakin ng diretso. Nakahawak siya sa dibdib niya at nakapikit siya. May problema kaya siya? 

Baka may emergency lang felix o baka sumama lang ang pakiramdam niya

Mabuti pa umuwi nako dahil baka hinahanap nako nila dad. 

Para naman  akong walang buhay na naglalakad dahil iniisip ko padin si Hazel sana ayos lang siya. 

Pagdating ko ng mansyon ay dali-dali akong pumasok sa loob. Nagulat naman ako ng makita ko si Carson nakahiga sa sofa at hawak ang laptop niya didiretso na sana ako sa taas ng bigla niya kung tinawag. 

"San ka galing?"  Sarkastiko niyang tanong. Tumingin sya sakin at mabilis din iyong binawi at tumingin ulit siya sa ginagawa niya. 

"S-sa Kaklase lang." Kinakabahang sagot ko sakanya. Nakita ko naman siyang napangisi at sinara ang laptop niya. Tumayo siya at tumingin sakin.

"Talaga? Kaklase? Sinong kaklase?" Bakas sa tono niya ang pang-aasar at pang-iinis. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang nagsalita ulit. "Napapansin ko simula nung pinatira ka ni daddy dito nagiging pasarap buhay kana." Bakas sa boses niya ang inis at galit. Gusto ko man sabihin sakanyang hindi ako nagpapasarap lang dito ay hindi ko na ginawa ayokong mas lalo pang lumaki ang gulo at galit niya sakin kaya yumuko nalang ako. "Try mo kayang tumulong sa mga katulong dito ng may silbi ka naman. Hindi yung pagala-gala kalang." At tinignan niya ko ng masama. Umiwas nalang ako ng tingin. 

"Sige Carson tutulong ako sakanila mamaya. Magbibihis lang ako." Tinalikuran ko na siya at nagulat ako ng bigla niyang hinila ang damit ko kaya napaharap ulit ako sakanya. 

"KINAKAUSAP PA KITA AH! TAPOS TATALIKURAN MOKO ABA BASTOS KA AH!." Sigaw niya sakin. Nakita ko namang napapatingin samin ang ibang katulong hindi ko nalang yun pinansin at tinignan ko si carson. 

"Pasensya na akala ko kase wala ka ng sasabihin." Nakayukong sabi ko sakanya 

"Tanga kaba?" diniinan niya ang pagkakahawak sakin. "Matuto kang gumalang naiintindihan mo." 

"O-oo." 

"Si Hazel ba ang pinuntahan mo?" Gulat naman akong napatingin sakanya. Paano niya nalaman? Nakita ko naman siyang napangisi nakita niya siguro ang reaction ko. "So! tama nga kay Hazel nga. Alam mo bang gusto ako ni hazel.?" Nakangiting tanong niya ng ikinainis ko ano bang problema niya? Bakit dinadamay pa niya si Hazel. 

"O-oo alam ko." Alam ko naman talaga na gusto ni hazel si carson noon pa. Masakit kase kapatid ko ang gusto ng babaeng mahal ko. 

"Kung manliligaw kaya ako sakanya may pag-asa ako.?" Bakas sa boses niya ang pang-aasar. 

"Ede! Ligawan mo siya ng malaman mo ang sagot." Mapait na sabi ko ng ikinatawa niya. 

"HAHAHAHA! Im just kidding kahit naman hindi ko siya ligawan mapapasakin siya." Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil baka kung ano pa ang magawa ko sakanya. Baka maubos ang respeto ko sakanya bilang kapatid. "Anyway buti nilalapitan ka ni Hazel masyado siyang perfect para sa isang katulad mo." Napatulala naman ako sa sinabi niya. "Tapos kung manamit ka ang manong! HAHAHA! Hindi talaga tayo magkapatid kase walang wala ka eh. Magkaibang magkaiba tayo." Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya. Oo magkaiba kami pero hindi niya dapat inaapakan ang pagkatao ko. Bigla ko naman narinig ang sinabi sakin ni Hazel noon. Wag kang pumapayag na tinatapakan nila ang pagkatao mo. Bigla naman akong napapikit ng marinig ko ang maaganda niyang boses. "Sikat ako eh ikaw? Hindi diba. Alam mo hindi ka bagay kay Hazel. If i know yaman lang naman ang habol mo sakanya. Katulad ng nanay mo nilandi si papa dahil sa pera." Bigla naman uminit ang ulo ko sa sinabi niya. Laitin niya na ako wag lang si Mama wala siyang alam sa amin at sa pinagdaanan namin.

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Where stories live. Discover now