Chapter 15: Ignored

827 22 1
                                    

Hazel's POV

"Maam may bisita po kayo sa baba." Agad namang kumunot ang noo ko. Anong oras naba?Pagtingin ko sa Wall clock ay 10:00 pm na. Sino naman ang bibisita sakin ng ganitong oras? Agad naman akung tumayo sa higaan at inayos ko ang buhok ko. Dahil nakakahiya naman sa bisita.

Masasabi ko namang masaya ang naging birthday party ko kahit hindi ko siya nakita. Malungkot pero pinilit kung maging masaya para sa mga bisita. at kila Mommy. Nalulungkot lang ako dahil wala siya. Imposible naman kaseng makalimutan niya ang birthday ko dahil siya ang unang nagbigay sakin ng regalo. Napangiti naman ako at tumingin sa bracelet na suot ko. This is the best birthday gift.

Pagbaba ko nagulat ako ng makita kung nakaupo si Carson sa sofa at may nilalarong aso. Agad namang kumunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito gabing gabi na ah? Agad naman siyang napatayo ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko sakanya. Nginitian naman niya ako at inabot sakin ang aso na kanina niyang nilalaro. Napangiti naman ako dahil mahilig ako sa aso.

"Bibigay ko lang sana ang regalo ko sayo." Nakangiting sambit niya. Aso ang regalo niya sakin? Bigla naman akung napangiti ng dilaan ng aso ang kamay ko. Agad ko itong kinuha kay carson at hinalikan sa pisnge. Pano niya nalaman na mahilig ako sa aso.

"Nagustuhan mo ba.?" Bakas sa boses niya ang tuwa kaya napangiti ako at tumango.

"Sobra. Maraming Thank you. promise aalagaan ko siya." Nakangiting sambit ko sakanya. Nakita ko namang napangiti siya ng malapad sa sinabi ko.

"Your welcome." Nakita ko namang naglapag ng juice ang katulong para sa aming dalawa.

"Anong papangalan ko sakanya?" Tanong ko kay carson na kasalukuyang nakatingin samin ngayun nung aso na binigay niya.

"Ikaw. Isip ka sayo naman yan eh." Saad ni carson.

"Boy ba siya o girl?" Tumingin ako kay carson.

"Girl" Ngiting sabi niya. Napatango naman ako at nagisip ng magandang pangalan para sa aso ko. Agad naman akong nakaisip ng magandang pangalan para sakanya.

"Alam ko na!" Nakangiting sambit ko nakita ko namang napangit si Carson. "Max."

"Max?"

"Yes. Max diba ang cool babae sya pero ang cool ng pangalan niya." Nakangiting sambit ko at tinignan si Max. "Hi Max ako ang magiging amo mo." Dinilaan naman ni max ang pisnge ko kaya napangiti ako.

"Hi Max. Im carson ako ang bumili sayo para ibigay ka sa amo mo." Parehas naman kaming natawa ni Carson sa sinabi niya. Tumingin naman ako kay carson sakto namang nakatingin siya sakin kaya nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ako at sinabing..

"Thank you carson." Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Your always welcome." Nakangiting sabi niya.

Pagkatapos naming mag-usap ay nagdesisyon na siyang umuwi dahil late na. Agad ko naman siyang hinatid hanggang labas kasama si Max. Pagdating namin sa gate ay humarap siya sakin.

"Bye hazel. Sana nagustuhan mo yung gift ko sayo." Nakangiting sambit niya.

"Sobra carson." Ngumiti siya at binaling ang tingin kay Max.

"Bye max." At hinalikan niya ito sa ulo. Napangiti naman ako dahil dun. "Una nako hazel." Nakangiting sabi niya ngumiti lang ako sakanya at tumango. Nagulat naman ako ng bigla siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa noo. "Good night."

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora