Chapter 19: Waiting for you

838 20 4
                                    

Hazel's POV

"Friend sa tingin mo san masayang magswimming? Kase diba malapit na ang summer." 

Tahimik lang akong nakatitig sa inorder naming pagkain sa canteen. Hanggang ngayun iniisip ko padin si Mika at Felix. Alam kong  magkaibigan lang sila dahil si Mika na mismo ang nagsabi nun. Hindi ko lang talaga maiwasang mainggit at magselos. Hindi ko alam na siya pala yung Kinukwento sakin ni Mika na kaibigan niya daw. Napabuntong hininga nalang ako. 

"HOY! Friend kanina pako nagsasalita." Nakakarindi ang boses ni mia talaga kahit kelan. Binalingan ko siya ng tingin at tinaasan niya lang ako ng isang kilay. 

"Ano ba yung sinasabi mo?" Dahil hindi ko talaga alam ang sinasabi niya. Kakaisip kay felix

Nakita ko naman siyang napairap at tinignan ako ng masama. 

"Lutang kananaman. Siguradong si felix nanaman ang dahilan." Inis na sabi niya. Agad ko namang iniwas ang tingin ko. Paano niya nalaman?

"Hindi. ah" Pagtanggi ko. 

"Hay! Nako bahala ka nga." Saad niya at biglang tumayo. Agad naman akong napatingin sakanya. "Bwiset na Miko nayun asan nanaman kaya yung loko nayun." Nagpalinga linga siya sa paligid at tumingin sakin. "Bibili lang ako sandali lang." Tumango naman ako sakanya. 

Pano ba mag move-on? Teka wala naman akong balak mag-moveon eh! Napailing nalang ako at umayos ng upo. Agad namang nahagip ng mata ko si Miko at Felix na naguusap sa tapat ng canteen. Bigla namang kumalabog ang puso ko ng tumingin sa direksyon ko si felix. Tinignan ko lang siya. Kung ako ang masusunod gusto ko nalang tumitig sakanya habang buhay. Nakita ko namang iniwas niya ang tingin niya at tumingin kay Miko. 

Nagulat naman ako ng makita kong tinulak ni Miko si felix agad naman akong tumayo sa upuan para puntahan sila. 

"Gago! ka pala eh." Dinig kong sabi ni Miko. Nakita ko namang napaupo si felix. Nagulat ako ng biglang sinapak ni Miko si felix agad agad naman akong gumitna sakanila. Nilayo ko si Miko kay felix ng mailayo ko na siya kay felix ay agad naman akong pumunta kay felix. Lumuhod ako at hinawakan ko ang labi niya na kasalukuyang dumudugo dahil sa suntok ni Miko.

"Are you okey?" Nag-aalalang tanong ko sakanya. Tinignan niya ko at padabog na inalis ang kamay ko sa labi niya. 

"Wag kang makisali dito. Umalis kana." Bakas sa boses niya ang inis at galit. Tumayo siya kaya tumayo nadin ako. Agad ko naman siyang hinawakan sa kamay ng ikinagulat niya. Nakita ko namang nakatingin lang samin ang ibang estudyante.

"Hindi dito lang ako." Sabi ko sakanya. Nakita ko namang tinignan niya ko ng masama. 

Nagulat naman ako ng bigla niya kong tinulak. Dahilan para mapaupo ako sa sahig. Agad namang nangilid ang luha ko dahil sa ginawa niya. Nakita kong nagbulungan ang mga nanunuod samin. Agad naman akong tinulungan ni Miko tumayo. 

Wala akong nararamdaman ngayun kundi sakit. Masakit sobrang sakit. Nagulat ako ng makita ko sa harapan ko si Carson na halatang kanina pa kami pinapanuod. 

Sana ikaw nalang ulit ang mahal ko Carson. Sana ikaw nalang ulit hindi siguro ako masasaktan ng ganito. 

Nakita ko naman ang lungkot at galit sa mukha niya. Tinignan niya sa felix at nagulat ako ng bigla niyang sinugod si felix at pinagsusuntok. Pinilit kong tumayo para puntahan si felix.

"Anong Nang-. Omygod hazel ano nangyare sayo." Nakita ko namang tumakbo si Mia papunta sa direksyon ko. "Bakit ka nakaupo sa sahig?" Nagaalalang tanong niya sakin. Umiling naman ako habang umiiyak at pilit na tumatayo. Nakita ko namang dumating ang mga barkada ni Carson at tinulungan si Miko para awatin sila Carson at felix. 

FALLING FOR YOU (COMPLETED)Where stories live. Discover now