Hindi ko siya matignan sa mata nanginginig ako noong mga panahong hawak niya ang kamay ko.Di nag tagal ako na mismo ang kumalas sa pagkakahawak niya sa aking kamay.

Nagusap si Kaye at Gerry at nagkamustahan.Habang nakikinig ako at pinagmamasdan ang pag galaw ni Gerry muli na naman akong napa-isip , kung totoo man ang sabi ni Ren na bakla siya, Hinding-hindi si Gerry yung tipong magkakagusto sakin.Paano ba naman ako magugustuhan ni Gerry matangkad siya,may magandang pangangatawan,guwapo,maganda ang boses,title holder sa isang male pageant at higit sa lahat marami ng napatunayan sa buhay bukod sa pagkanta dj din siya sa radyo at rumaraket raket ng paghohost sa mga event,isama mo pa dito ang pamatay nitong ngiti at ako sakto lang,sakto lang ang itsura,sakto lang ang height at sakto lang ang utak.

Kinabukasan naalala kong ipinakuha ko kay Kaye ang number ni Gerry at dahil magkapit-bahay lang kami nila Kaye,pinuntahan ko siya para kunin ang number niya na agad namang ibinigay ni Kaye.Nang makuha ko ang number nagmadali akong itext si Gerry.

Tekki-Hi

Gerry-hello who's this?

Tekki- ah yung kagabi yung pinakilala ni kaye.

Gerry-sino yung may braces?

Napahinto ako saglit kasi hindi ko alam kung si Irene ba iyong tinutukoy niya na may braces.Sa aming tatlong magkakaibigan lahat kami ay may braces.Maganda si Irene at hindi mo masisi si Gerry kung tumatak sa isip niya noong gabing iyon si Irene.

Tekki-Oo may braces pero ako iyong lalaki na kasama nila.

Gerry-ah ikaw pala sir,Kamusta reply ni Gerry.

Bigla naman akong nakaramdaman ng takot noong panahong iyon,takot na baka mareject lang ako,kaya naman hindi na akong nag atubili pang mag reply.

Takot na masaktan,takot na baka umasa sa isang bagay na alam ko namang walang kasiguraduhan.

Alas kwatro na ng hapon nang magpasya akong mag bihis para mag work out.Simula bata ako pag takbo na ang kinahiligan kong ehersisyo.May ibang aliw kasi itong dulot sa akin,bukod sa ito ang pamamaraan ko ng detoxification may ibang sayang naiibibigay ang pag dampi ng hangin sa balat ko habang ako'y tumatakbo.Pakiramdam ko buhay na buhay ako.I feel so alive.

Tumakbo ako ng tumakbo at nawala sa isip ko ang oras,gabi na pala.Umuwi ako ng bahay at pagkarating ko,una kong pinuntahan ang cellphone ko para tignan kung may mga mensahe ako.Nakita ko na may mga bagong mga messages si Gerry para sa akin.

Gerry-whui sir,hndi ka na nagreply.

Gerry-Sir?

Ipinagpalagay kong wala akong nabasang mga mensahe at tuluyan ko nang hindi pinansin si Gerry.Siguro nga natatakot talaga ako na baka ma M.U(mag-isang umaasa)

Umakyat ako ng kwarto para magpalit ng damit at nagpatuloy sa pagsusulat.Binuksan ko ang computer at nag type habang umiinom ng kape.

Pakirampadam ko isang daang taon na ang lumipas.

Sa saglit na kasiglahan pang habumbuhay na kalbaryo ng puso.

Katotohanang pilit iwinawaksi ngunit ano nga ba ang halaga ng pagkikipagtunggali sa katotohanang dulot ay realidad.

Nasasaktan,umaasa at nagbibigay luha para sa mga taong patuloy na pinaiikot nito.

Pag-ibig na bunga ng maling simula,dalamhati ang dulo't sa taong patuloy ang pag-asa na sa pagtagal ng panahon ang maling simula ay magiging tama.

Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras na hindi man lang namamalayan na sa mahabang panahon ako ay iyong bihag.

Bihag ng ilusyong inakala ko'y magiging realidad.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Where stories live. Discover now