Chapter One

8 0 0
                                        

Ang lahat ng mga estudyante ay abala sa kani-kanilang mundo. May ilang nagkukwentuhan sa isang tabi. May nag-aasaran sa daan. May meron din namang mga tumatakbong estudyante. Kumbaga ay isang ordinaryong senaryo sa kolehiyo. Lalo na't pag nasa quadrangle ka ng unibersidad. Makikita mo ang iba't ibang grupo ng mga kabataan.

Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay isang senaryong lagi namang nangyayari.

Bakit ito nakaagaw pansin kung gayung lagi namang itong nangyayari?

Dahil kahit laging may ganoong senaryo ay hindi yun ordinaryo, maaring alam na natin ang kalalabasan. Halimbawa na lang sa isang pelikulang pinakagusto natin. Kahit ilang beses mo pa itong panoorin hindi ka pa rin nagsasawa, sabihin na nating alam na natin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari pati na rin ang katapusan nito. Pero bakit nga ba natin ito patuloy pa ring pinapanood?

Nakakarelate tayo? Maaring Oo. Pero maari ring may isang pangyayari doon sa pelikulang iyon ang hindi mo makakalimutan. Palagi mong inaabangan. At ganun rin itong senaryong lagi kong nakikita sa unibersidad. Kahit pa alam ko na ang katapusan, inaabangan ko pa rin ang gagawin niya.









Ni Azalea Jane Cortez.

His Ultimate StalkerWhere stories live. Discover now