Chapter 49

20.7K 302 0
                                    

Veronica's P. O. V

"Liana Lockheart ang totoo kong pangalan?" Nagtataka kong tanong.

"Oo, tama ka Liana Lockheart ang pangalan mo" saad naman ng babae.

"Maaari ko bang malaman kung anong mga pangalan niyo?" Saad ko at tumango naman sila

"Ako si Charmaine Valdez"

"Ako naman po si Fire Sheperd"

"Irish Sheperd po ate"

"Liam Collin"

"At ang gwapo Lian Collin, hindi ko kapatid ang Liam na 'yan ehehehe Joke lang"

"Traves De Chavez"

"Ako naman po si John De Chavez kapatid ko po si kuya Traves, Liana"

Tumango ako.

"Hinanap mo ba kami Zion?" Tanong ko sa kanya.

"Hinanap ko kayo, hinanap ko kayo ng 7 years, sa buong pilipinas, sa ibang bansa. Kulang na lang 'ata suyurid ko ang mundo para mahanap ka" saad niya. Naniniwala naman ako sa kanya dahil kita naman sa mga mata niya ang pangungulila. Tinapik ko siya sa likod.

"Nakita mo na ako diba? Hindi ka ba masaya------" hindi natapos ang pag-sasalita ko ng bigla niyang akong hinalikan sa pisngi ko.

"Waaaaaaaaah! Why did you cover my eyes! I want to see it too! Waaaaah! Let me go" humiwalay si Zion sa pagkaka-halik niya sa aking pisngi at tiningnan ko naman si Timothy,  tinakpan ni Traves at ni Liam ang mata ni Timothy.

Hindi ko alam pero sobrang gaan ng loob ko sa kanila, ano ka ba Veronica? Este Liana! Natural lang 'yan kasi kaibigan mo sila at asawa mo ang lalaking Zion na 'yan.

Medyo awkward kami ni Zion pero okay lang maaari pa naman mag bago iyon diba?

**

"Mommy wake up" naalimpungatan ako dahil sa pag-alog sa akin ng anak ko sa braso ko.

"Why baby ko? Gabi na aa? You can't sleep ba? Do you want me to-----"

"No mommy, please mommy come with me" saad niya kaya tumango naman ako at pinag masdan.

"Bakit ganyan ang suot mo Timothy baby ko?" Tanong ko sa kanya pero ngitian niya lang ako. Naka-suot siya ng tuxedo at may tie pa.

"Here mommy, wear this. I'll wait you sa sala na lang " he said while smilling. Tumango ako at dumiretso na sa banyo.

Inilabas ko ang sinasabi ni Timothy na damit sa paper bag na 'to.

Namangha ako sa nakita ko at nasiyahan. Isang dark purple dress na may pink lace sa laylayan ng dress na above the knee rin.

Hindi naman siya masyadong showy ng kaluluwa pero okay na rin kasi ang ganda. Isinuot ko ito at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Lumabas na ako ng banyo at pumunta sa sala kung saan doon naghihintay si Timothy.

"Ano mommy? Tara na?" Tanong ni Timothy.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"You'll know mommy kapag lumabas na tayo.

Tumango ako, lumabas na kami ng hotel at nakita ko sina, Traves, John, Irish, Charmaine, Lian, Liam at Fire na naghihintay sa amin.

"Ano tara na?" Tanong nila.

Tumango ako at sumakay na sa kotse. Pinaharurot na nila ang kotse.










A/N: I kennaaaaaat 😭😭😭😭😭😭 soooo saaaad!!!

Sweet But Heartless  (Completed)Where stories live. Discover now