Chapter 24

22.6K 415 28
                                    

Na-tripan ko lang mag lagay ng random picture ni Zion. . . Worst. . . Naka topless siya diyan(ღ˘⌣˘ღ)

♚♚♚♚♚

Liana's P. O. V

Agad naming dinala si Fire sa hospital dahil natamaan siya sa tiyan at pina-uwi kaming dalawa ni Charmaine para makapagpahinga at makapag-palit na ng damit.

"Ayos ka lang ba Liana?" Tanong sa akin ni Charmaine.

"Oo naman ayos lang ako Charmaine" saad ko at nginitian siya. Pumunta na ako sa kuwarto ko at nagbihis. Lumabas ako at nadaanan ko ang kuwarto ni Zion. Binuksan ko ito at pumasok at inamoy ko ang kuwarto niya.

Napaka bango, sobrang bango. Nakaka-adik ang amoy ng kuwarto ni Zion.

Napako ang paningin ko sa isang
Folder. Alam kong bawal ang makialam ng gamit lalo na kapag hindi nagpapaalam pero umiral nanman ang curiosity kills ko kaya binuksan ko ito. Napakunot ang noo ko sa nabasa ko.

Luis Jackson- owner of reastaurants and hotels. Rank 5th in Leadership at Black Organization.

Third Buenebentura- Owner of Casinos, Restaurants and Buenebentura's company. Rank 4th in Leadership at Black Organization.

Lucky Derno- Owner of yachts, airlines and Derno's Company, Rank 3rd in Leadership at Black Organization.

Mikaela Rosewood- Owner of Rosewood's Divine Academy, restaurants and malls. Rank 2nd in Leadership at Black Organization.

Unknown- Owner of several Companies, yachts, Bars and Casinos. Rank 1st, the main leader at Black Organization.

Black organization?

Naghalungkat pa ako ng mga papel. Nagulat ako sa nalaman ko. Si Zion ay isang. . . . Mafia Boss. . .

"Liana? Anong--- huh, so alam mo na pala" saad ni Charmaine habang nakangisi ng nakakaloko.
"Mahal mo naman si Zion diba?" Tanong niya.

"Oo"

"Then you're willing to accept Zion kung ano man siya" she said at ngumiti.

Yes, oo tama nga siya kung mahal ko talaga si Zion, tatanggapin ko kung anoman siya. Pero ang pagiging mafia boss? Hindi ko alam. Ang alam ko kasi sa mga mafia boss ay pumapatay ng mga tao at nakakatakot sila.
Maybe I'll disscused this situation to Zion but. . . Not now. Alam kong may problema siya na kinahaharap ngayon.

"Charmaine, please huwag mo munang sabihin kay Zion na alam ko na. Ako mismo ang magsasabi sa kanya pero hindi ngayon, alam kong may problema pa siya at hindi ko hahayaan na makadagdag pa ako" paki-usap ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin ng deretso.
"Makaka-asa ka sa akin Liana" saad niya at niyakap ako at napangiti naman ako.

"Sige mauna ka na Liana sa baba kukuha lang ako ng damit ni Zion"

"Sige" saad niya at lumabas na ng pintuan.

Inayos ko ang mga papel at ibinalik sa envelope.

Pumunta na ako sa isang pinto at binuksan ito.

( ゚▽゚)/

Anong--- ヾ(@゜▽゜@)ノ

Wow. . . Ang mga damit ni Zion napaka organize at ang daming niya mga coats na naka sabit at mga sapatos na naka display. May mga ordinaryong damit din siya at may mga pabango na naka display.

Yung totoo? Walk-in-closet ba ang napuntahan ko o boutique ng mga damit?

Ewan basta kukuha na lang ako ng damit.

Kumuha ako ng V-neck na kulay puti at pantalon. Kumuha rin ako ng mga personal na gamit niya at isinilid sa isang bag. Lumabas na ako at dumiretso sa sala.

Nakita ko si Charmaine na nanonood ng TV.

"Charmaine! May tanong ko!"

"Ano yun?"

"Pwede mauna ka na sa hospital? Alam ko naman papunta doon eh, magluluto lang ako para hindi na kayo bumili doon sa hospital" saad ko at tumango naman siya.

"Mag-ingat ka Liana" tumango ako at ngumiti. Dumiretso na ako sa kusina at nagsimula na ako magluto.

**

Papunta ako ngayon sa hospital, actually nasa loob na ako pero dahil malaki ang hospital malayo ang lobby nila sa entrance gate.

Naglakad ako hanggang sa makarating ako ng lobby at dumiretso na ako sa elevator at pinindot ang palapag na pupuntahan ko.

**

*ting!*

Bumukas na ang pintuan ng elevator at nagsimula na akong lumabas at maglakad.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Hindi ko alam. . .

Nasa harapan na ako ng pintuan ng kuwarto at binuksan ko iyon.

































Halos malaglag ko na ang pagkain at damit na nasa kamay ko dahil sa aking nakita. Nanlaki ang mga mata niya.

"S-Sorry, mali ang napasukan ko" saad ko at isinara ang pintuan.

Tumakbo ako ng mabilis papalabas ng hospital.

Ang sakit, ang sakit-sakit na makita mo na ang taong mahal mo ay may kahalikan na iba. . .






Itutuloy. . .     








A/N: may tanong ako! Papayag pi ba kayo kung lalagyan ko 'to ng SPG scene? Comment lang po kayo. (^v^)

Sweet But Heartless  (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن