Chapter 26

23.1K 418 10
                                    

Liana's P. O. V

Okay na daw si Fire kaya pwede na siyang lumabas ng hospital, kasalukuyan na nasa kuwarto ako ngayon nanonood ng Hello Kitty. Wala akong magawa dahil palagi namang wala si Zion kahit yung mga taong nandirito ay wala. Tumayo ako at pumunta sa walk-in-closet ko at kumanap ng damit, pupuntahan ko na lang ang sementeryo dahil naroon si Tita Teressa. Hindi siya binigyan ng lamay, basta na lang siyang inilibing. Sisiguraduhin ko na makukulong ang taong gumawa kay Tita Teressa no'n.

Kinuha ko ang isang black T-shirt at Black pants. Kumuha rin ako ng Doll shoes at pumasok na ako sa banyo para maligo. Habang naliligo ako ay hindi ko lubos maisip na isang Mafia Boss si Zion, ang alam ko kasi ay sa TV lang iyon nag-e-exist. Kung isang Mafia Boss si Zion, malamang pati na rin ang mga magulang niya ay isa ring Mafia Boss.

My life is been ruined simula noong nakilala ko si Zion at pinakasalan ko siya, ano pa ba ang magagawa ko? Sira na  eh, wala akong magagawa kundi tanggapin na lang na my life is already messed up. . .

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng kinuha kong damit kanina at lumabas na ng kuwarto, habang pababa ako hindi ko maiwasan na hindi mamangha sa laki ng buong mansion na ito. Napaka tahimik rin ng paligid.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa tuluyan na nga akong makalabas ng mansion, naglakad pa ako papunta sa sakayan ng jeep at pumara at sumakay na doon.

"Bayad po, sa ******** cemetery lang po" saad ko at inabot ang bayad sa driver. Tumingin ako sa bintana at tumulala. Nagulat na lang ako ng biglang nag ring ang cellphone ko. Sinagot ko iyon.

"Where are you baby?" I know it's Zion.

"bakit?"

"I said where are you?" saad ni Zion ng marahan pero halata pa rin sa boses niya ang galit.

"I need to take a rest, Promise babalik rin ako" saad ko at tinurn off ko na ang cellphone ko. Sorry Zion, Kailangan ko lang gawin ito para kahit minsan ay makapagpahinga naman ako kahit saglit lang.

Pumara ang jeep sa tapat ng sementeryo at bumaba na ako. Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa puntod ni Tita Teressa, hinawakan ko ito at hindi ko na napigilan ang luha ko dahil patuloy lang ito sa pagbagsak.

"Tita Teressa, Hello p-po, Ako po ito si Liana pamangkin niyo po. Tita sorry po dahil namatay kayo ng maaga at alam ko na may kasalanan ako sa pagkamatay niyo. Tita sorry din po dahil sa kapalpakan ko at sa pag-alis ko noon ng walang paalam, tita sorry po" Napaluhod na lang ako.

"Alam kong hindi niyo po ako tinuring na parang anak pero kayo po ay tinuring ko po kayo na ina ko, kahit palagi niyo akong sinasaktan noon at palaging binubugbog, at kahit kailan ay hindi ko narinig sa bibig niyo na 'Liana mahal kita' 'Liana I love you' ay kahit na ganon ay s-sobrang mahal ko p-po kayo, Tita sorry po tita" Iyak ko,

"Kasalanan ko po tita kung bakit kayo namatay, sorry po" iyak na pahayag ko.

"Sana ako na lang ang namatay at hindi kayo, tutal ko naman ang may kasalanan kung bakit na sa puntod kayo ngayon" Alam ko na namumugto na ang bibig at mata ko sa sobrang pag-iyak ko.

*KLOOOOOOOOG!*

Bigla na lang bumuhos ang ulan. Tumayo ako at itinaas ang kamay ko. Pati ulan ay nakikisabay sa pag-iyak ko. Humagulgol lalo ako ng iyak. Kahit papaano kapag may nakakita sa akin ay hindi nila mapapansin na umiiyak ako.

Nagtaka ako kung bakit wala ng pumapatak na ulan sa akin, napatingin ako sa likod ko at nagulat ako sa nakita ko.
basang-basa si Zion habang sa kamay niya ay may hawak na payong at pinapayungan niya ako.

Sweet But Heartless  (Completed)Where stories live. Discover now