Chapter 12

27.6K 524 17
                                    

Zion's P. O. V

Nagmadali kami na pumunta sa kuwarto ni Liana to give her the antidote.

Pagkapasok namin sa kuwarto ay walang katao-tao kahit si Charmaine ay wala. Where in the hell did they go?!

"Asan na sila?" -John

"Ito naman! Pare-pareho natin di alam, labas muna ako mag tatanong ako sa mga nurse"-Liam

And so he did lumabas siya ng kuwarto para magtanong.

Hinigpitan ko ang paghawak sa antidote. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, natatakot ako kasi baka hindi ko mabigay sa kanya ang antidote, naiinis ako kasi bakit wala sila dito sa kuwarto?!

Why am I feeling this stupid feelings?

"Zion! N-Nasa e-emergency r-room sila" saad ni Liam habang hinihingal.

Agad akong lumabas at tumakbo papunta sa emergency room.

John's P. O. V

*pout*

"Hay! Inlavavu na nga talaga si Zion tingnan mo oh, mas nauna pa kesa sa atin" saad ko sa kanila habang naglalakad papuntang emergency room.

"Malamang, kaya nauna si Zion kasi asawa niya si Liana" -Lian.

"Bebe Liam!" Saad ko habang naka-pout.

"Ano ba John! Bakla ka ba?!" -Liam.

"Hindi" saad ko. Hehehe, gusto ko lang talaga pag-tripan si Liam paminsan-minsan. Siya ang sumunod kay Zion. Mysterious kung baga pero malakas man-trip niyan tingnan niyo mamaya magiging baklang di mapa-ire yang lalaking 'yan.

Napahinto kami sa harapan ng Emergency room papasok na sana kami pero hinarangan kami ng nurse.

"Bawal po muna kayo pumasok" saad ng nurse.

"Bakit naman kami bawal pumasok? Eh kasama naman namin ang nasa loob niyan?" Saad ni Traves.

"Pinagbilin po kasi ni Sir Zion na huwag daw po kayo papasukin, sige ho aalis na muna ako" paalam ng nurse.

Pumunta ako sa may upuan at nakita ko si Charmaine na naka-upo tinabihan ko siya.

"Problema?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman, nag-aalala lang ako kay Liana" -Charmaine.

Napatango-tango na lang ako. Sana nga gumaling na si Liana baka pag-buntungan kami ng galit ni Zion. Masyado akong guwapo para mamatay ng maaga.

Zion's P. O. V

Napahinto ako sa harapan ng emergency room at pumasok ako doon nakita ko si Liana na may aparatos sa may ilong.

"Umalis muna kayo dito" saad ko sa mga doctor na nag-gagamot kay Liana.

"Pero sir Zion--"

"Wala ng pero, pero. Labas!" Saad ko at lumabas sila pero hinila ko ang isang nurse.

"Huwag mong papapasukin ang mga kasama ko dito or else" malamig na saad ko.

"Y-Yes sir" at tuluyan na nga siyang lumabas.

Nilapitan ko si Liana at nakita ko na kulay violet ang kulay ng mukha niya at mukhang hindi makahinga.

Kinuha ko ang syringe sa may table at nilagyan ng antidote at itinurok kay Liana. Unti-unting nagiging normal ang kulay ng mukha niya.

Napahinga ako ng maluwag.

"You're such a loser, annoying bitch. You're so clumsy. . . And no one can replace that title from you. Loser" saad ko sa kanya. At tinanggal ang kaunting hibla ng buhok sa mukha niya. Bigla akong napatingin sa labi niya.

Mariin akong pumikit at tumalikod. Tsk. Ugly.

Lumabas ako ng kuwarto at sumalubong sila sa akin.

"Kamusta si Liana?" -Traves

"Oo nga. Musta na siya?"- Fire

Hindi ako sumagot bagkus ay naglakad ako papalayo. Tsk.

Lian's P. O. V

Tingnan niyo iyan! Kinakausap ng matino eh hindi sumasagot. Sapakin ko siya eh! Pero dahil mahal ko ang buhay ko hindi ko gagawin iyon.

"Hoy Liam! Gutom na ako. Bili mo ako pagkain" saad ko kay Liam ang pangit kong kapatid.

"Tsk. Bumili ka mag-isa!" Saad niya.

Pangit talaga kahit kailan. Sarap tadiyakan eh.

Naglakad ako papunta sa labas ng hospital at nakasalubong ko si Fire.

"Ah ganoon ba?. . . . Sa susunod dapat patayin niyo na siya. . . Oo. . . . Hindi magtatagal bababa rin siya sa pwesto kapag napatay niyo yung babae. . . . Sige" -Fire

"Hoy Apoy!" Gulat ko sa kanya.

"Sino kausap mo?" Tanong ko sa kanya pero namawis siya bigla at namutla.

"Ah y-yun ba? W-Wala iyon. S-Sige aalis muna ako" saad niya at naglakad papa-alis.

Weird. . .

Liana's P. O. V

Nagising ako at nakakita ng puting kisame.

"N-Nasa langit na ba ako?" Saad ko.

"Hindi Liana. Wala ka sa langit" saad ng boses. Napabalikwas naman ako ng upo.

"I-Ibig sabihin n-nasa impyerno ako?" Saad ko. Huhuhu! Ayoko!

"Hahaha. Wala ka sa langit at mas lalong wala ka sa impyerno. Buhay ka Liana" napatingin ako sa nagsasalita.

"Charmaine?"

"Hahaha. Oo Liana ako ito" saad niya at mahigpit ko siyang niyakap.

"Buti naman at magaling ka na Liana" -Charmaine

Tumango na lang ako.

Buti naman at buhay pa ako. Kahit mahal ko si San Pedro ayaw ko muna siya makita.


Haist. . . Kamusta na kaya si Shokoy ano?


Itutuloy. . .


Sweet But Heartless  (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora