Chapter 18

24.5K 440 10
                                    

Liana's P. O. V

Tinitingnan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin.kulay white na Long sleeve ang pangtaas ko, may ribbon din ito na kulay itim with matching black skirt at white above the knee na socks. Nakalugay din ang buhok pero nakasuot ako ng salamin. May grado siya pero kaunti lang.

Kinuha ko ang bag ko at bumaba na sa may sala.

"Good morning Li--WAAAH! ANG CUTE MO LIANA!" Charmaine shouted pero ngumiti na lang ako at umupo na para makakain ng breakfast. Nandito kasama ko sina Lian, Liam, Charmaine, Fire, Traves at John. Wala pa si Shok---"Are you ready?" Speaking of the devil. Lumingon ako para tingnan siya.

Nakasuuot siya ng Long sleeve na kulay puti with neck tie na black at black pants. Napatingin ako sa tiyan niya. Sheyt penge kanin ang sarap ng ulam eh.

I saw Zion smirked habang papunta sa akin.

"Tsk, I know you're drooling" he said.

"Hoy! Hindi 'no!" I shouted pero lalong tumindi ang smirk niya at lalong tumindi ang tibok ang puso ko. What the fuck is wrong with me?! Pa check-up kaya ako 'no?

Nagsimula na kaming kumain.

**

Nasa harapan na kami ng Rosewood's Devine Academy. Malaki siya, pero mas malaki yung mansion ni Shokoy.

Nauna na silang pumasok sa loob, ako lang yung nahuli kasi kinuha ko pa yung bag ko sa compartment, dahil nga mahangin at nakalugay ang buhok ko. Daig pa ng niyolanda ang style ng hair ko. Para tuloy hindi ako naligo dahil sa gulo ng buhok ko.

Nagtanong ako kay manong guard kung nasaan ang rest room nila. Ang sabi niya "Rest Room? Ah doon hija sa may kaliwa, dire-diretso ka lang tapos 'yun na" saad ni Manong Guard at nag thank you ako.

Tiningnan ko yung wrist watch ko at 20 minutes na lang bago magsimula ang klase, bibilisan ko na lang.

Nakarating ako sa rest room at tumingin ako sa salamin at napangiwi ako sa nakita ko. Iba-iba kasi ang direksiyon ng buhok ko may pa-south, North, West, ay! Basta iba-iba. Sinuklay ko ang buhok ko at lumabas na ng rest room at dumiretso na sa may hallway para makita ko yung room number namin.

Well hindi ako nahirapan. Nakita ko agad, Room no.8 second Floor.

Habang naglalakad ako sasabihin ko kung anong itsura ng academy na ito. May mga building dito pero karamihan ay puro tig-se-second floor lang ang makikita pero dito sa papasukan ko ay iba. Limang palapag siya. 1st to 3rd Floor ay mga Grade 9 students at 4th to 5th ay mga Grade 10.

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng room number na hinahanap ko.

Kumatok ako bago pumasok.

Waaaaaah! Kaklase ko pala sila! Ang swerte ko naman hindi ako ma-o-O. P dito sa room.

Uupo sana ako sa tabi ni Charmaine pero nakita ko na binanat ng babae ang paa niya para tisurin ako. Tss. Not gonna happen. Imbis na iwasan ko ay tinapakan ko kaya sumigaw siya at tiningnan niya ako ng masama. I stared her coldly.

Tsk, I know how to deal with the bitches. Sa dami ba namang ganyan na ugali noong bago pa ako maka-graduate sino ba naman ang hindi masasanay aber?

"Woah, grabe ka Liana! Ang lupit mo!" Bulong sa akin ni Charmaine at ni John pero napangiti na lang ako dahil sa sinabi niya.

Tinitingnan pa rin ako ng masama ng babae. Tss, bumalik sa kanya ang karma.

Napatingin ako kay Shokoy este kay Zion pero naka-ub-ob lang siya sa lamesa. Siguro hindi pa niya pinapakita ang mukha niya kasi walang nangungulit na babae sa kanya. Pero kapag nangyari 'yon? Hehehehe, bahala siya sa buhay niya ●ω●

Pumasok na ang prof namin at nagsimula na magdiscuss.

"Ok today, we have a new Tranferee/Classmates please come here infront and introduce yourself" saad ni panot este ni prof.

Unang pumunta si Fire.

"My name is Fire Sheperd, it's nice to meet you" Fire said at nag bow. Nagtilian ang mga babae. Sino ba naman ang hindi? Well gwapo naman si Fire, hindi malayong merong magka-gusto sa kanya.

Next yung mag-kapatid.

"Hi! My name is Lian Collin and this is my big brother Liam Collin I hope we get along" sabay ngiti ni Lian at katulad nang nangyari kanina ay nagtilian sila.

Next is Traves.

"H-Hi my name is Traves Dela Cruz, Nice to meet you" saad niya. Well alam niyo yung bagong ginawa nila? Nagtilian. . . Ulit.

Sunod si Charmaine.

"Hi, my name is Charmaine Valdez" maikling saad niya. Hindi tumili yung mga girls na parang manok na nalalagutan ng hininga. Well boys naman ang sumigaw yeah, sumigaw hindi tumili. Kasi hindi naman sila babae, oo na alam ko, corny yung joke ko.

Sumunod si John.

Ngumiti siya at lumabas ang dimples niya.

"Hi my name is John Francisco, please be good to me" saad niya at nag bow.

Sabay-sabay na sumigaw ang mga babae. Ako na yung sunod.

Pumunta ako sa harapan at nag inhale, exhale.

"Hi! Ako nga po pala si Liana Lockheart! Nice to meet you!" Saad ko.

"Ang ganda niya"

"Oh my gosh, mukha namang mabait"

"Pakasal tayo miss"

Ayan yung mga naririnig ko. Kahit naman naka salamin ako lutang pa rin yung kagandahan ko. Hehehehehe, jowk. (^v^)

Nex na magpapakilala si Zion. Naka-ub-ob pa rin siya sa lamesa niya. Lumapit si Charmaine kay Zion at. . . . .

"HOOOY! MAY KASAMANG IBANG LALAKI YUNG AS---" hindi natapos ang pagsasalita ni Charmaine nang biglang bumangon ito at tiningnan niya ng masama si Charmaine. Cute teka sinabi ko bang cute?!

ERASE. ERASE. ERASE.

Pumunta si Zion sa harapan.

"Tsk, Zion Reid" saad niya. Natahimik ang lahat ng nasa loob maya-maya.

"Oh my Goooossh! Ang pogi niya!"

"Pakasal tayo Zion!"

"Best pakipulot panty ko nalaglag!"

"I Love Yuuuuuu!"

Tiningnan ko ng masama yung mga babae at nag walk-out.










A/N:

Waaaaaah! Tapos na kami mag entrance exam pero. . . Hindi pa tapos yung clerance tengene! (っ˘̩╭╮˘̩)っ


Sweet But Heartless  (Completed)Where stories live. Discover now