"Tingin ko, may gusto ka na talaga sakanya pero dimo lang maamin sa sarili mo. It's time to make things clear. Alamin mo. What do you really feel towards her?" biglang singit ni Red sakanila na kasalukuyang naka-indian seat sa gitna ng sofa-bed.
"Matulog na nga lang ulit kayo. Pinapagulo nyo ko lalo ehh. May 40 minutes pa kayo. Sulitin nyo na." binato naman ni Jake sila Shawn. Patuloy naman ang pang aasar nila kay Jake.
Sa kabilang banda, mahimbing parin ang tulog ni Kathyrine sa hita ni Harold. Si Harold naman, nakangiti habang pinagmamasdan si Kathyrine. Napaka inosente ng itsura nito ngayon. Dimo aakalain na mahilig siyang mambara at kung ano ano pa. Para siyang anghel para sa binata. Hinahaplos niya ang buhok nito at pinaglalaruan pa. Matagal na niyang kilala ang babae. Pasukan palang noon nung una niya itong mapansin. Lagi nya itong napapansin na kasama si Christine-- dati niyang kaklase. Madalas niyang pinagmamasdan si Kathyrine sa malayo. Inaatake siya ng katorpehan kaya naman hindi niya agad nalapitan ang dalaga. Narinig niya rin ang pagkanta nito noong nagpa audition para sa Artist Guild. Lalo siyang nagkagusto dito dahil sa mala-anghel nitong boses.
Unti-unti namang pinipigilan ng binata kung ano man ang nararamdaman niya sa dalaga lalo na't nalaman niyang pinsan nito si Vincent-- ang may ari ng eskwelahang pinag-aaralan niya at ang unang nakabugbugan nya. Nakaaway niya ito dahil lamang sa isang babae. Isang babae na parehas pala nilang gusto. Sa huli, pinili nung babae si Harold pero sinaktan niya lang ito kaya naman biglang nang hamon ng away si Vincent. Bugbog sarado noon si Harold. Last year lang ito nangyari at agad namang natakot si Harold kay Vincent. Wala siyang nagawa kundi lumayo dito. Duwag man siya kung ituring, ang sinasabi nya nalang ay umiiwas lang siya sa gulo.
Pero lahat ng yun nagbago. Nang makita niya ang isang magandang babaeng dumaan noong pasukan matapos ang sembreak, agad niya itong hinarangan. Korny man daw isipin pero na love at first sight siya dito. Akala niya ito ang paraan para makalimutan nya ang kakaibang nararamdaman para kaya Kathyrine pero, nagkamali sya. Nang ipagtangol kasi ni Vincent ang babaeng hinarangan nya, nagkahinala na agad ito na si Kathyrine nga ang babae hanggang sa mapatunayan niya nga ito. Matapos nun, isa lang ang nasa isip ni Harold, Gusto na talaga niya si Kathyrine at gusto narin niya itong ligawan. Nagsimula siya sa pabigay-bigay ng bulaklak at tsokolate sa dalaga. Lumipas ang ilang linggo at lagi niya na itong nilalapitan at kinukulit. Hindi man niya maamin kung ano talaga ang nararamdaman dito, pero masaya na siya na nakukuha ang atensyon nito.
Nabalik siya sa realidad nang marinig nya ang mahinang ungol ng dalaga. Mukhang nananaginip ito kaya natawa siya sa inasta nito. Muli niyang hinaplos ang buhok nito. "Sleep tight Loves." nakangiting sabi niya sa dalaga. Sa simpleng pagtulog lang ng dalaga sa hita nya, sobrang saya na niya. Nakahit pa ilang minuto nalang ang natitira, sinusulit nya lahat ng ito. Itinuturing niyang magandang moment ang isang toh. Isa sa mga magagandang moment niya ay nung unang nagpasalamat sakanya ang dalaga noong binitbit at inihatid nya ito sa kanilang klase. Alam niyang namula siya nang ngitian siya nito. Hindi na iyon mawala sa isipan niya.
Kathyrine's Pov
"Hanep ah, chuma-chancing ka dude." naalimpungatan ako dahil sa may nagsalita. Halata mo sa boses na lalaki ito at inaasar nya ang kung sino man ang kausap nya. Aware na ako sa paligid ko pero pikit parin ang mata ko. Gusto ko pang matulog.
YOU ARE READING
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
TWENTY-THREE
Start from the beginning
