TWENTY-THREE

8 0 0
                                        

-23- Mood?~









Kathyrine's Pov


December 5, 20**

Hayy, balik eskwela nanaman ho tayo. LALIM NUN AH! Anyways, it's monday...Again. And you know what? I hate mondays ( ̄^ ̄)

Isa na sa dahilan na nandun ay ang pagkanta ng National Anthem gaya nalang ng ganito. Di naman sa against ako sa pagkanta namin nito pero... Hutang iner! Juice colored namern! Kailangan talaga sa quadrangle na may tirik na araw kami pumwesto! Nako Kathyrine, kalma kalma. Ilang buwan nalang tayo for grade 8. Onting tiis nalang b3h!

So ayun nga, matapos ang ilang minutong pagkanta ng national anthem at kung anu-ano pang mga hymn na yan. Sa wakas! Jusq! Nakaraos din kami sa tirik na araw na yan! Nang makapasok na kami ng room, ito pa, ito na ang isa pa sa mga kinaiinisan ko every monday.

Dahil sa pagkanta namin kanina sa field na tumagal ng ilang minuto, every monday din na babago ang sched namin at nawawalan ng isang subject. Bale ngayon, wala kami pag-aaralan sa Esp namin. Okay na sana ehh kasi kahit papaano nabawasan ang stress dahil isang subject ang wala.

Pero...PERO NANAMAN...okay na sana ang lahat pero math na kasi ang sunod nun. OO MGA BESH, MATH ANG SUBJECT NAMIN. Ano bang pagpapahirap itez! Kahit naman top 4 ako sa buong grade 8, masakit parin sa utak ang math para sakin noh. Wala namang problema sa math ehh. Okay naman sana yung plus, minus, divide tsaka times nayan. Naging sakit sa ulo lang yan nung naisipan nilang idagdag ang alphabets dun. Hutang iner nanaman!

At eto pa! Di na ba matatapos ang paghihirap ko ngayong araw?! Pagkatapos ng math, araling panlipunan naman?! Jusq! Ito yung subject na bukod sa ang sakit sa ulo e-memorize, nakakaantok din ito pag aralan! Bakit ba pag history ang subject laging nakakaantok? Pasalamat nalang kami dahil ang teacher namin dito ay hindi nag kwe-kwento about sa buhay nya. Pero hutang iner ulit! Nakakaantok parin mga b3h ╥﹏╥. Pasalamat nalang ako at natapos na din ang unang pasakit sa araw ko. Inaantok pa nga ako ehh. 10:05 a.m. na at recess namin. Hinila ko agad si Christine papunta sa canteen. Tinawag pa nga ako ni Shawn tsaka Red ehh pero diko sila pinansin. Hmp! Bahala sila. Pagdating namin sa canteen, umupo agad kami sa may bandang gilid kung saan wala masyadong Ridgers ang nadaan at medyo malayo sa mga nagluluto ng kung anu-ano dito. Pagkadating namin, agad akong umupo at yumuko sa table. Antok pa talaga ako. Letse kasi kahapon--


"Wala ka ata sa mood ngayon." puna sakin ni Christine. Narinig ko namang ang isang upuan na malapit lang sakin ay gumalaw. Naisipan na ata nyang umupo (¬_¬).


"Napansin mo rin pala." sarkastiko kong sabi habang naka yuko parin sa lamesa.


"Anyare ba sayo? Meron ka ba?" tanong nya naman. Tumango naman ako at still, nakayuko parin ako. Ipinatong ko na ang ulo ko sa braso ko habang naka-yuko parin sa lamesa tsaka ako pumikit.


"Kaya naman pala. PMS." pang-asar nyang sabi kaya naman agad akong tumingin sakanya ng masama. At nakuha nya pang mang-asar ahh.


"Di lang PMS. Puyat din!" sabi ko with matching hapas sa lamesa. Di naman yun malakas pero dun ko ibinuntong yung inis ko. Si Christine naman binigyan ako ng ano-nakain-mo-look. Ay nako, bahala siya. Basta ako, I badly need some rest. Napapaenglish tuloy ako ng wala sa oras.


Started With A Chat (On Going)Where stories live. Discover now