TWENTY-TWO

8 1 0
                                        

-22-  Happiness~









December 02, 20**

Ito na. Birthday na ni Shawn. Alam nyo bang sa sobrang lakas ni Vin sa papa nya, pinagawa nyang half day ngayon. Tarush noh? Pero ngayon, pansin kong sobrang lungkot ni Shawn. Tanong sya ng tanong ngayon kung alam ba namin kung ano meron ngayon. Nagkukunwari kaming walang alam kaya sobrang lungkot nga. Aww. Kawawang Shawn. Di bale na. May surprise naman mamaya.


Sabay-sabay naman kaming umuwi. Dahil nga limo ang gamit namin, una namin hinatid si Shawn pauwi. Sobrang lungkot nya nung makababa siya ng sasakyan. Ni hindi nya nagawang mag bye samin. Dire-diretso syang pumasok ng bahay nila. Ang hindi nya alam, dumeretso na kami ng Makati kung saan ang pinakamalapit na resort nila Red. Andito na sa limo yung mga pinamili naman nung November 30. Buti nga at di nya napansin yun. May kanya-kanya narin kaming dala na gamit tsaka damit. Dinalhan din namin ng dalawang pares ng damit dahil nga di nya alam na overnight ang gagawin naming surprise. Bumili narin kami ng cake tsaka Fries na may burger. Oo, alam ko ang weird ng handa. Kahit ako na weirduhan. Pero yun pala kasi yung favorite ni Shawn.


Nang makarating na kami sa resort, ako ang una bumaba. Andito palang kami sa parking lot. Kinuha ko yung naman yung dalawang paper bag na may laman nung mga pinamili namin kahapon. Pagkalabas ko nun ng sasakyan, kinuha agad sakin yun ni Jake.


"Oops, akin na yan." sabi pa nya at tuluyan na nyang nakuha yung hawak ko. Dire-diretso naman syang umalis. Napairap nalang ako at kinuha yung cake tsaka burger na may fries pero kinuha din ni Vin saakin.


"Ako na dyan." sabi nya at lumayo din sakin. Napa-irap nalang ulit ako at kinuha yung huling gamit dun sa sasakyan. Yung 1 whole illustration board tsaka yung paper bag na may damit ni Shawn. Akala ko matiwasay kong madadala yun pero inagaw din ni Red.


"Ako magbubuhat nyan." sabi ni Red at tuluyan na talagang naagaw yung hawak ko sabay takbo papunta kila Vin at Jake na tinatawanan lang ako sa itsura ko. "Oh, come on!" sa sobrang asar ko, yung bag ko nalang yung kinuha ko at binitbit.


"Oh, baka naman may aagaw pa ng bag ko dyan ahh. Masasapak ko na kayo." sabi ko at inunahan silang maglakad. Narinig ko pa yung mga tawa nila sa likod ko.


Agad kaming dumeretso sa counter para kunin yung susi ng room na pupuntahan namin. Sumakay naman kami sa parang cab para puntahan yung mga room namin. Habang papunta kami sa room namin, hindi ko maiwasang hindi ma mangha sa lugar na ito. Para syang isang malawak na subdivision pero merong parte dito na puro pools. Nakita kong ang lalaki ng pools nila. Ang cute nga ehh kasi natatakpan sya ng mga halaman. Parang gubat na may tinatagong pool sa loob. Nangmakarating na kami magiging kwarto namin, agad din kaming bumaba doon sa parang cab. Kinuha ko naman ang susi sakanila at agad binuksan yung room.


"Wow. Ang ganda!" sabi ko nang mabuksan namin yung room. Mukha ngang hindi sya room ehh. Mas mukha syang bahay. Saloob, may isang malaking room na may tatlong malalaking higaan pero pag hinila mo yung ilalim, meron pa palang pang isahan na higaan. Bali may anim na kama dito.


May malaking kabinet din sa loob nung kwarto kaya nilagay namin dun yung mga gamit at mga damit namin. May cr din sa loob nung kwarto. May bathtub tsaka shower room din dito. Malaki din yung cr. Akala mo kwarto. Tapos sa sala naman, may flatscreen tv. At wag kayo, may wifi dito. May maliit din na kusina sa dulo. Kumpleto sya ng utensils tsaka meron naring mga panluto. Meron ding ref dito. Pagkabukas ko, andun na yung cake na binili namin. Nilagay na siguro nila doon. Tsaka may dalawang 1.5 na softdrinks saloob. Wala naman kaming dala na ganyan. Siguro, libre yun dun. Tumakbo naman ako sa likod nung room namin. Meron sa labas na parang garden. May mga puno sa gilid gaya nung ibang pools na nakita ko kanina. May malaking pool din sa may left side at may mga matataas na table ang chairs sa tabi. Parang masaya magpa pool party dito. Bumalik ako sa loob ng sala at umupo dun sa malambot na couch. Hayy. Ang ganda talaga dito.


Started With A Chat (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon