Si Kathyrine. Mahimbing ang tulog nya at nakahiga sya sa hita ni Harold na may nakalagay na unan. Si Harold naman, hinahaplos ang buhok ni Kathyrine at parang pinaglalaruan pa habang nakangiti ng abot tengga.
Unconsciously, naikuyom ni Jake ang mga kamay nya habang nakatingin sa dalawang tao nasa di kalayuan. Bigla syang napatingin sa kamay nya na ngayon ay nakakuyom. 'Ano tong nararamdaman ko? Bat ako nagagalit? Pero ang nakakapagtaka...bakit...bakit parang dinudurog ang puso ko pag nakikita ko silang magkasama?' sabi ni Jake sa kanyang isip habang nakatingin parin sa mga kamay nyang nakakuyom. Maya maya pa, tumayo na sya sa kinauupuan nya at umalis na sa lugar na iyon. Ayaw nya nang makita pang muli ang eksenang iyon. Muli siyang bumalik sa private room.
Pagbalik nya sa private room, mahimbing parin ang tulog nung tatlo pero hindi nya ito pinansin. Padabog syang umupo dun sa pang-isahan na sofa. Napahawak sya ng mahigpit sa buhok nya. Sa sobrang inis nya ay naibato nya yung isang unan at aksidenteng natamaan yung isang vase kaya nahulog ito at nakagawa ng malakas na ingay.
"SINONG NANDYAN?! ANO HA LALABAN KA?! FIGHT MEH!!" parang baliw na sabi ni Red habang ginawang kunwaring espada ang mabahang unan na hawak nya nang magising siya sa ingay.
"Jake naman, kung ayaw mo matulog, magpatulog ka nalang." reklamo naman ni Shawn kaya ibinaba na ni Red yung hawak nyang mahabang unan. Napansin naman nila na parang gigil na gigil si Jake kaya nagkatinginan silang tatlo habang nakakunot ang noo.
Inaantok man, tumayo parin si Vin para lapitan si Jake na hinihilamos ang kamay sa mukha sa sobrang inis. "Ano ba nangyari sayo?" ipinatong niya naman ang kanyang kamay sa balikat ni Jake kaya naman napatingin siya rito.
"Nakita ko sila." Jake said in gritted teeth. Gigil na gigil sya sa di malamang dahilan. Nagtatakang tinignan siya ng mga kaibigan at sabay sabay na nagsabi ng "Sino?"
"Si Kathyrine at Harold. Diko alam pero naiinis ako sa nakita ko kanina. Nakahiga sa hita ni Harold si Kathyrine habang natutulog siya. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ako naiinis sakanila? Bat sa tuwing nakikita ko silang magkasama, parang naiingit ako. Diko maintindihan." muling napahilamos ng kanyang mukha gamit ang kanyang kamay si Jake. Hindi na nya talaga naiintindihan ang mga nararamdaman niya.
Bigla naman nagpigil ng tawa ang tatlo nyang kaibigan kaya agad siyang napatingin dito. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?"
"Alam mo Jake..." biglang lapit sakanya ni Shawn. "That's what you call jealousy." agad namang napakunot ng noo si Jake. 'Jealousy? Bat naman ako mag seselos eh wala naman akong gusto sakanya? Wala nga ba?' napailing nalang si Jake sa kung ano man ang naisip nya.
YOU ARE READING
Started With A Chat (On Going)
Teen FictionIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
TWENTY-THREE
Start from the beginning
