Bigla namang umupo si Harold doon. Magrereklamo sana ako pero bigla syang naglabas ng unan out of nowhere. "Madalas akong matulog dati dito kaya meron akong taguan ng unan dito. At dahil babatayan kita para alam mo kung oras na ba ng klase, I'll be your pillow for a while." sabi ni Harold na may ngiti pa sa mga labi nya. Napakunot lang ako ng noo sakanya. Madalas syang matulog dito? Tinapik nya naman ang unan na nilagay nya sa hita nya na parang sinasabi na humiga ako doon. Umupo muna ako sa tabi nya at tinignan sya habang nakakunot parin ang noo ko.
"Sigurado ka?" tinanguan nya lang ako at ngumiti saakin. Muli nyang tinapik yung unan sa lap nya kaya humiga na ako doon. "Matulog ka na loves hangga't may 1 hour and 35 minutes pa. Tutal, magkakaroon ng 1 hour extension ang recess natin dahil sa teachers conference." sabi ni Harold. Napangiti naman ako bigla. Sabi sainyo eh, may tinatagong bait itong lalaking toh. Kahit badboy sya at tinuturing boy version ni Anika, meron parin syang pusong mamon. "Kahit siraulo ka, salamat parin dito ahh." sabi ko at ayun, naipikit ko na ang mata ko at tuluyan nang nakatulog.
Third person's Pov
Magkakasama ngayon ang Ridgeford Kings sa private room. Kagaya nga ni Kathyrine, pare-parehas silang puyat. Paano ba naman, di lang pala sila tumagal ng overnight sa resort nila Red. Halos tatlong araw din silang nag stay sa resort nila Red. Di nila sinabi iyon kay Kathyrine. Mabuti nalang at may dala syang extra na damit kaya ayos lang pero dahil naman dun, nainis si Kathyrine sakanila. 1 am na sila nakauwi kahapon dahil sa sobrang traffic. Biruin nyo yun, umalis sila ng resort ng 5pm. Kung saan-saan pa ang dinaanan nila at sa sobrang traffic, 1 na sila nakauwi.
Kanya-kanya naman silang higa. Inayos na yung upuan kaya naman yung sofa ay naging higaan. Nakahiga sa magkabilang-gilid si Red at Vin habang nasa gitna nila si Shawn. Sanay na silang mag kakatabi matulog. Madalas pala kasi silang mag sleep over dati. Ang nakakapagtaka lang, ang puyat din na si Jake ay hindi manlang makatulog habang nakaupo dun sa pang-isahan na sofa. Tinamaan ata sya ng insomnia.
"Vin, labas lang ako ahh." tapik ni Jake kay Vin. Naiisip nya kasi na kailangan nya ata ng fresh air. "Isarado mo yung pinto ahh." sagot naman ni Vin habang nakapikit padin.
Agad naman siyang tumayo at lumabas ng private room. Habang dumadaan sa hallway, di maiiwasang pagtinginan sya ng mga fangirls nila. Bulong dito, bulong dyan. Laging ganyan ang eksena pag dadaan sila o ang isa man lang sakanila. Di ito pinansin ni Jake at nag dire-diretso lang ng lakad. Pagkababa nya, naisipan nyang pumunta sa quadrangle. Tutal konti lang ang pa gala-galang Ridgers doon dahil nga sa inet.
Pagkalabas nya, huminga agad sya ng malalim. 'Bakit ikaw nanaman ang nasa isip ko? Ano bang meron sayo?' sabi nito sa kanyang isip. Kanina nya pa pala nasaisip si Kathyrine at hindi nya alam kung bakit. Parang pag inisip nyang magkasama si Kathyrine at si Harold, parang ang sakit. Hindi nya na alam kung anong nararamdaman nya. Naguguluhan na sya. Umupo naman sya sa isang bench kung saan malilim. Malayo ang tingin nya sa kawalan. Kung saan saan sya tumitingin hanggang makuha ng attention nya ang dalawang Ridgers sa dikalayuan. Sa unang tingin, aakalain mong mag jowa sila. At dahil nga hindi naman ganun kalayo ang pwesto nung dalawang Ridgers, nakilala nya ito agad.
ESTÁS LEYENDO
Started With A Chat (On Going)
Novela JuvenilIto ay storya ng isang fangirl na may masalimuot na buhay na tanging nagpapasaya nalang sakanya ayy ang panonood at pagspazz sa kpop group na kinababaliwan nya, ang Bts. Sa paghahanap nalang ng update nauubos ang oras nya imbis sa pakikipag away sa...
TWENTY-THREE
Comenzar desde el principio
