"Easihan mo nga lang. Bat ka ba kasi puyat." pagkasabi nya nun, huminga ako ng malalim at bumalik sa pwesto ko kanina na naka-yuko at naka-patong ang ulo sa braso at muli akong pumikit. "Umayos ka ngang babaita ka. Sagutin mo ko uy." at nakuha nya pa akong yugyugin ahh. Ay bahala sya sa buhay nya. Basta ako, ibubuhos ko lahat ng natitirang oras sa tulog ko. Mamaya istress nanaman ako at science na ang next subject. Hay buhay, parang life.


Maya maya pa, sa wakas ay tumigil na din si Christine kakayugyog saakin. Bat ganun? Yung mata ko pikit na dahil sa kaantokan pero aware parin ako sa paligid ko. Huhu ang ingay kasi dito. Di ako magkaroon ng isang peaceful sleep kahit saglit (╥_╥).


Akala ko magiging peaceful ng kahit konti yung pag idlip ko kasi tumahimik si Christine. Pero may dumating na siraulo.


"Oh, bat ganyan si loves?" alam nyo ba? Close na sila Christine! Sino pa ba? Edi si Harold! Yung siraulong asungot sa buhay ko. Ewan ko ba! Lahat ng lumalapit sakin mapa lalaki o babae basta close ko, nagiging close narin ni Christine.


"PMS." rinig kong sabi ni Christine. Kung di lang ako inaantok, sinungalngal ko na bibig nito( ̄へ ̄)


"Ahh...gusto mo ng chocolate loves? Meron ako dito." gusto ko man yung inaalok ni Harold, diko parin matalo ang antok na ramdam ko kaya umiling ako habang nakayuko.


"Nako Harold, wag mo nang pilitin yang babaitang yan. Ayaw kumain kasi puyat daw." halata ko sa boses ni Christine ang pang-aasar. Bahala sya sa buhay nya.


"Why?" tanong ni Harold. "Diko din alam. Ayaw nya sabihin." sagot naman ni Christine.


"Loves, gusto mo...sama ka sakin? May alam ako na lugar na pwede mong tulugan!" biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig mula kay Harold kaya agad akong napaupo ng maayos at kahit gusto nang bumagsak ng mata ko, pilit ko itong nilakihan ang buka sabay sabi ng "TALAGA?! SAAN?! TARA PUNTA TAYO!" sa sobrang tuwa ko, napasigaw pa ako ng malakas. Buti nalang diko nakuha ang lahat ng attensyon mula sa mga ibang Ridgers. Si Harold naman, gulat na gulat sa reaksyon ko habang kita sa peripheral vision ko ang pagpigil ng tawa ni Christine.


"O sya ikaw na bahala kay beshu, Harold. Patulugin mo yan ng mahimbing at baka lalong ma-beastmode ang babaita." matawa-tawang sabi ni Christine. Tinanguan naman siya ni Harold at inaya nya na akong umalis.


Dinala naman ako bigla ni Harold sa quadrangle kung saan kami kumanta kanina. Dinala nya ako sa parte kung saan may puno na may katabing bench. Malilim duon tapos malakas ang simoy ng hangin kaya aantukin ka talaga. Sobrang bihira din kung dumaan ang Ridgers dito kaya siguradong walang makakapansin.


Started With A Chat (On Going)Where stories live. Discover now