"Oy, san ka galing?" tanong ni Jake habang dala-dala yung 1 whole illustration board tsaka markers and baloons.


"Dyan lang. Nilibot ko lang itong buong room natin." sabi ko. Bigla namang dumaan si Red. "Ang ganda dito noh? Isa toh sa pinakamagagandang room dito sa resort namin. May gumagamit kasi dun sa isang room. Sayang, mas maganda panaman sana yun." sabi ni Red at ibinaba nya yung burgers and fries sa may lamesa.


"Tara simulan na natin ayusin toh. Dapat bago mag 5pm, tapos na tayo." sabi ni Vin. Tinignan ko naman ang orasan ko, 1:10 na pala. Agad naman akong nag palobo ng mga baloons dito. Si Jake naman, may ginagawang kung ano dun sa 1 whole illustration board. Sila Vin at Red naman, kinuha na yung mga part stipers ek ek at nag design sa labas pati dito sa loob.









×××××









3:00 p.m.

Natapos na namin ang pag design sa buong room. May mga party strips ek ek dito sa sala, sa may kisame nakadikit, at meron din na nakaikot sa mga maliliit na puno dun sa may likod nitong room. Meron din silang nilagay sa may pinto sa likod para mag mukhang kurtina. Yung ginawa naman ni Jake sa 1 whole. Masasabi kong, sobrang galing ng pagkakagawa. Nakadikit dun yung mga lobo na S, H, A, W, at N para mabuo ang pangalan ni shawn. May iba't ibang design din dun. Syempre, di mawawala yung  'Happy Birthday' sa gitna. Ang nakakatuwa dun, madrawing dun na apat na lalaki at may babae sa gitna at magkakaakbay sila. Sabi ni Jake, that simbolize us. Our frienship. Ang cute ngaa ehh. Tapos yung maraming baloons naman ay ikinalat lang duon sa labas pati dito sa loob.


Inilabas naman nila yung lamesa dito sa loob. Dun daw kasi ilalagay yung cake tsaka yung burger and fries mamaya. Nang matapos na ang lahat, nagbihis na kami ng damit. Imagine, naka school uniform kami kanina pa at ngayon lang kami magpapalit. Nang makapagpalit na lahat, nagtalo na sila kung sino ang tatawag kay Shawn para papuntahin nila dito ng hindi nalalaman na may surprise kami sakanya.


"Akin na nga. Ako na tatawag. Ako nang bahala basta tahimik lang kayo dyan." sabi ko at ayun, tumahimik naman sila. Agad kong dinial yung no. Ni Shawn. Matapos ang tatlong ring, sinagot nya din agad.


"Hello?" sabi dun sa kabilang linya. Ni-loud speaker ko naman para marinig nila ang pag-uusapan namin.


"H-hello Shawn?" pinilit kong magtunog pagod at hingal na hingal para di nya malamang nagbibiro lang ako.


"Hello. Kath? Bat hingal na hingal ka?"


"S-shawn. Tulungan mo ko. M-may humahabol sakin." sabi ko. Nakita kong nagpipigil ng tawa sila Jake dahil sa mga pinaggagagawa ko kaya nag 'shh' sign ako sakanila.


Started With A Chat (On Going)Where stories live. Discover now