41: PATINTERO

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ah, ganun ba?" he mumbled. "Kaya pala may nagreply ng 'who you'. Tinapon mo pala."

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Medyo na-guilty ako dahil sa pagpapakipot ko. Naghihintay pala talaga siya.

Ang kapal ng mukha mo, Mayks!

"Oo, nung umalis kami papuntang Canada." Sagot ko nang hindi nakatingin sa kanya. Nasa madilim na dagat lang ang aking atensyon.

Hindi na siya sumagot. Kinakabahan ako, hindi naman kami ganito noon. Palagi kaming may topic tuwing nag-uusap kami noon. Wala na akong balita sa kanya kaya hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Kamus—"

"I'm sorry."

Natigil ako sa pagsasalita nang marinig siya. Nakatalikod siya mula sa dagat kaya maging ako ay tinalikuran niya. Hindi ko makita ang mukha niya.

"Hindi ko sinadya yung sinabi ko sayo noon. Nabigla lang ako." Dagdag niya habang mababa ang boses. Napanganga ako.

Akala ko iba ka...

Iyon yung sinabi niya sa akin noon kaya nasaktan ako ng lubusan. Anong 'iba' ang sinasabi niya? Ano nga ba ang tingin niya sa akin ngayon?

"Ano ang ibig sabihin nun, Jeff?" bulong ko.

Nagbuntong hininga siya at ginulo ang kanyang buhok. "Hindi ko inakalang a...aamin ka kaagad sa akin. Hindi ko inexpect yun kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nasabi ko sayo yung unang lumabas sa utak ko."

Hindi ako nagsalita. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya.

"Akala ko iba ka... Akala ko kaibigan lang ang turing mo sa akin. Akala ko ako lang yung na-inlove... hanggang nung umamin ka. Akala ko magkaiba tayo ng nararamdaman. Kaya siguro nagalit ka nung sinabi ko yun. Na-misinterpret mo." Tapos tumawa siya ng mahina.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nakatulala lang ako sa kanyang mukha at hindi makapaniwala sa bagong nalaman.

"Hindi ka mahirap mahalin, Kate. Kahit noon pa nung medyo... ugh... cute ka." He chuckled. "Mabait ka, napaka-down-to-earth, at hindi judgmental. Nagustuhan na kita kahit noon pa, at hanggang ngayon. Hindi nagbago ang lahat. Ikaw pa rin si Kate na nakilala ko noon, medyo mataray nga lang."

Nakatitig lang ako sa kanya habang nakangiti siya. Ang sarap sa pandinig ang tawa niya. Napaka-sweet at alluring. Ang gwapo niya pa.

Wala yatang kulang sa kanya. Napaka-athletic, tapos maganda ang katawan. Gwapo pa at mabait. Nasa kanya na yata ang lahat.

Kinagat ko ang aking labi.

"May boyfriend ako, Jeff."

Dahan dahang nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Sabihin man nating biglaan at hindi seryoso ang relasyon namin, hindi ko pa rin kayang magtaksil. Loyal ako kay Jayzee kahit na hindi ako inlove sa kanya. Ayoko ng gulo."

Napabuntong hininga ako nang napansin ko ang bigo niyang tingin. Bakit ba kasi ngayon pa siya umamin na may boyfriend na ako.

"Love... is a big word. Hindi mo ito basta basta malalaman kung nandyan na ba o wala. Ilang araw lang tayong nagsama." Ngumiti ako.

"Tsaka baka hindi 'love' yang nararamdaman mo sa akin Jeff. Alam mong may iba pang meaning yang feelings mo sa akin, may iba't ibang stages and 'fondness'. May crush, meron ding idol. Nandyan din yung adoration at like." Natahimik ako. "Siguro nga awa lang yan eh.

Kumunot ang kanyang noo. "Awa?"

"Baka naaawa ka lang sa akin kasi alam mo ang hirap ng pinagdaanan ko." Mahina kong sabi at ngumiti ng mapakla.

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon