Chapter 24. [Ignore]

Magsimula sa umpisa
                                    

Natatakot pa ako lumabas. Baka hinihintay ako ni young master. Huwaaa! Ayoko pang makita siya 'no.

Dismissal time. Nauna na akong lumabas.

Wow ah. Bakit ganun? Walang young master na nagpakita sakin?

"Kaycee!" napatingin ako sa gilid ko. Akala ko si Blake, yun pala...

Si Chris.

Di ko alam kung bakit ako nalungkot bigla.

"Hi." sabi ko sa kanya nung nakalapit na siya sakin.

"Uuwi ka na? Hatid na kita."

"Wag na!" pero huli na, nakuha niya na yung books ko.

"Okay lang. Pagbigyan mo na ako."

"Sige... thanks ha?" ngumiti siya.

"Wala yun."

Naglakad na kami ng sabay palabas ng gate. Ng makita ko si young master. Kausap niya si Jeremy at Xander.

Nakita kami ni Jeremy at sumigaw siya. "Hoy Chris!" pinapalapit niya kami.

Lumapit naman kami at nag-hi. Inulan ng tukso si Chris dahil ihahatid daw ako sa bahay.

Pero ang atensyon ko lang, na kay Blake. Ang tahimik niya eh.

"Hi Blake." sabi ko.

Hindi ako tinignan ni Blake. Umalis na lang siya kaagad.

Hala... nagalit siya sa pag-iwas ko sa kanya kanina?

Hindi ko napigilan na malungkot at maguluhan.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Xander.

"Hindi ko alam pre. Kanina naman ayos yan." sagot ni Jeremy.

"Sige, alis na kami ni Kaycee." nagpaalam na kami ni Chris sa kanila.

Nag-bus kami ni Chris pauwi. Nakakatuwa pa rin siya kausap.

Pero naisip ko. Bakit ganun? Anong nangyari kay Blake?

Pag-uwi ko. Nakita ko si Blake. Nakaupo sa sofa. Nanunuod ng TV.

"Young master? May pag-uutos po ba kayo?" hindi siya umimik.

Hala... galit nga!

"Blake, bakit di ka namamansin? Hindi ko naman sinadya yung pag-iwas ko sayo! Naiilang lang kasi ako!" sigaw ko. Ayoko ng ganyan siya.

Tinignan niya ako bigla ng seryoso.

"Akala mo kasi biro lang ang lahat. Wag kang mag-alala. Gusto mong mag-iwasan? Sige. Susundin kita." pagkatapos nun, tumayo siya at pumanhik na sa kwarto niya.

Hala... ano ba 'to!

NAGTAMPO SIYA! HUWAAA! DI NIYA NA AKO PINAPANSIN!

Nakaramdam ako ng lungkot bigla. T^T

-------------

AWTS! Hahaha! 10 minutes ko lang 'to tinype kaya naman halatang binilisan ko diba? Hayaan niyo na, babawi ako sa next update! Bye Blaycee and Chriscee fans! =))

The Young Master's Maid (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon