Kabanata 7

40.9K 1.2K 115
                                    

Kabanata 7: Not Aware

Nagising akong parang binibiyak ang ulo ko huhuhu!

"Wake up sleepy head."

Pagdilat ko ng mga mata ko ay bumungad sa'kin si Master na nakadekwatro sa mahabang sofa at nakahalumbabang nakatingin sa'kin. Na-realize kong nasa sofa pala ako nakahiga.

"Aww! Ba't ang sakit ng ulo ko, Master? Staka parang-" napatakbo ako sa kusina ng bumaliktad ang sikmura ko.

Nang mahimasmasan na 'ko ay bumalik ako kung nasaan si Master. Umiiling itong nakatingin sa'kin pero bumaba ang tingin ko sa isang bote ng alak sa mesa.

"Nakainom ba 'ko kagabi?" gulat na tanong 'ko.

"You... don't remember?"

"Aist! 'Pag nakakainom ako 'di ko maalala lahat ng pinaggagawa ko..."

"That's... bad."

"Huh?"

"Here..." inabot niya sa'kin yung iniinom niyang coffee na kinuha ko naman at hinigop. Yummy~

Napangiti si Master ng inumin ko yung kape niya.

"Saan lakad mo, Master?" tanong ko ng mapansin na naka-formal attire ito. Ang gwapo talaga ni Master ang swerte ko dahil lagi ko siyang nasisilayan hihihi.

"I'm going to my father's place."

"Aaah~"

"I will introduce him to you soon..." nakangiting sabi niya na kinalaki ng mga mata ko.

"Hehehe seryoso ka, Master?"

Tanging ngisi lang ang binigay ni Master sa'kin. Si Master hindi ko malaman ang takbo ng utak, minsan gusto 'kong tanungin 'yon sa kanya kaya lang kinakabahan ako sa 'di ko malamang kadahilanan.

Biglang tumunog ang cellphone ni Master kaya agad niya itong sinagot.

Tinapat ni Master ang cellphone niya sa kanyang tenga.

"Father, she's not feeling well..." sabi ni Master sa kausap niya pero ba't nakatingin siya sa'kin? Lumalala na ang pagka-assuming ko. 'Di na 'to healthy!

"Ofcourse I'll bring her there soon. Yes, bye."

Napatingala ako kay Master ng nakapamulsa itong tumayo. Nakangiti pa rin siya, at feeling ko may kakaiba sa ngiti niya para bang masyado siyang masaya at nakakahawa ang ngiti niya.

"'Wag ka munang pumasok..."

"Hehehe opo."

Nagulat ako ng halikan ni Master ang noo ko. Nanlaki pa ang mga mata ko at bumilis muli ang pintig ng puso ko. Shet! Eve, 'wag ka ngang ganyan.

"'Wag kang magpapapasok ng kahit sino... naiintindihan mo?" nakangiting wika ni Master at wala sa sariling napatango ako.

"Good... I'll see you later."

Naiwan akong tulala. Napahawak ako sa noo ko at nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti. Gosh! Waaah!

~*~

My Master and I [Read On Dreame app]Where stories live. Discover now