**

Nagising ako sa sikat ng araw na dumadapo sa aking mukha.

Inimulat ko ang aking mukha at walang Zion na tumambad sa aking mukha. May nakita ako na note sa gilid ng kama, kinuha ko 'yon at binasa.

Dear Baby Ko,

               I'm sorry kung wala ako sa tabi mo ngayon. May mahalagang meeting kasi ako, kasama ko naman ang mga boys. Hindi bale kasama mo naman sina Irish at Charmaine. . . Take care always baby ko, I Love You, Saranghae, Daisuki.

                                 From your Handsome Husband,
Zion "gwapo" Shawn A. Reid

N

apangiti naman ako. Bwisit talaga. ( ̄- ̄).

Pumunta ako sa sala at biglang sumakit ang tiyan ko.

Irish's P. O. V

Lumabas ako ng kuwarto dahil na-uuhaw ako. By the wayyyyy! My name is Irish Jane Sheperd! Nakababatang kapatid ni Fire. I am 16 years old.

Bumaba ako ng hagdanan at nakita ko si Ate Liana na nakahiga sa sahig at namimilipit.
Tumakbo ako papunta sa kanya.

"A-Ate! Anong nangyayari sa'yo?!" Nanginginig na tanong ko.

"A-A-Ang s-sakit ng t-t-tiyan ko. . " she said.

"ATE CHARMAINEEEEEE! TULONG!!!"

Third Person's P. O. V

Narinig ni Charmaine ang sigaw ni Irish kaya dali-dali siyang bumaba papunta sa sala.

Nakita niya si Liana na namimilipit at hawak-hawak ang tiyan niya.

"Oh my gosh! W-What happened?!" Nag-aalalang tanong ni Charmaine. Nakita ni Charmaine na maraming dugo sa hita ni Liana na nanggagaling sa pagkababae ni Liana.

"D-Dinudugo ka Liana!" Charmaine exclamed.

"We need to bring her to the hospital!" Saad naman ni Irish at Tumango naman si Charmaine.

Tinulungan nilang tumayo si Liana at inalalayan papuntang garahe, sumakay sila sa kotse at pinaharurot papuntang hospital.

**

"She needs some rest. Dinugo siya dahil sa stress. Buti na lang at nadala niyo agad siya dito sa hospital kung hindi, baka napahamak na ang anak niya" saad ng doctor. Kumunot naman ang noo ni Charmaine.

"Anak?" Takang tanong ni Charmaine sa doctor.

"You didn't know? She's 2 months pregnant" sabi ng doctor at umalis na.

"Hmmmm" napatingin si Charmaine kay Liana at lumapit dito.

"Liana?"

Liana's P. O. V

Napamulat ako ng mata nang may tumawag sa akin.

Tumingin ako sa paligid hanggang sa napadako ang mga mata ko sa mukha ni Charmaine at mukha ni Irish.

"N-Nasaan ako?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa hospital ka Liana"

"B-Bakit ako nandito?" Tanong ni ko.

"Sumakit kasi ang tiyan mo at dinudugo ka kaya dinala ka namin dito sa hospital" saad ni Chairmaine.

"Buti nga eh dinala ka namin dito, kung hindi baka napano na ang baby mo" saad ni Irish na nagpakunot sa noo ko.

"Baby?" Tanong ko.

"Oo Liana, baby. Baby dahil buntis ka" saad ni Charmaine.

Biglang tumulo ang luha ko. Kahit hindi pa rin nag-si-sink in sa utak ko ang narinig ko.

"T-Talaga?" Tumango naman sila.
"Alam na ba ni Zion ito?" Tanong ko at umiling lang sila.

"Huwag niyo muna sabihin kay Zion. Gusto ko siyang surpresahin" saad ko at ngumiti naman sila.

**

Pinayagan na ako ng doctor na lumabas. Nagluto ako ng pagkain para kay Zion.

Hinatid ako ni Charmaine sa loob ng company at nag-paalam na siya.

Pumunta ako sa office ni Zion.

Bubuksan ko sana ang pintuan niya pero naka-bukas ito ng kaunti kaya sumilip ako.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Clarissa na kayakap si Zion.

"Alam na ba ni Liana na kaya mo siya pinakasalan ay para hindi ka matanggal sa pwesto mo bilang isang mafia boss? Huh Zion?" Saad ni Clarissa at hinalikan niya si Zion. Tinakpan ko naman ang bibig ko at tumakbo papalayo sa company. Itinapon ko rin ang pagkain na dala ko.

So hindi pala talaga ako mahal ni Zion. Pinaasa niya lang pala ako na mahal niya ako at ako naman si tanga na naniwala na mahal niya ako. Sobrang sakit sa pakiramdam. Sobra-sobra.

Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Tumawid ako sa kalsada at nakita ko sa pheriperal vision ko na may humaharurot na sasakyan kaya napatingin ako doon at biglang. . .

*BEEEEEEEP!*

*BLAAAAAAAAAAAAAAG!*

Tumama ang ulo ko sa matigas na bagay at everything went blank.




ITUTULOY. . .

Sweet But Heartless  (Completed)Where stories live. Discover now