Forty Three

745 22 0
                                    

Forty Three

"Okay kana ba ija?" kaagad akong napaupo sa kinahihigaan ko dahil sa tanong saakin ni Tita Mindi, ang mother ni Yna. Tumango ako.

"Ano pong nangyare tita?" tanong ko sakanya

"Nahimatay ka bigla sa coffee shop, kaya nagmadali kaagad ako na dalhin ka rito. Darating na rin ang Tito Lou mo." aniya. Napatango ako sa sinabi niya.

Binigyan niya ako ng tubig at tinanggap ko rin naman iyon.

"Okay kana ba talaga? Ang sabi ng doctor lumalala na daw ang puso mo." napahinto ako sa paginom at nginitian siya. Alam ko kasing maiiyak na naman siya. Nawalan na sila ng anak at parang tunay na anak na rin ang turing nila saakin dahil sa nasa akin ang puso ng anak nilang si Yna.

"Huwag po kayong magalala Tita, wala po ito" masiglang sambit ko sakanya.

"Pero Sharla-" Hindi na nagawang tapusin ni Tita ang sasabihin niya dahil sa biglaang pagbukas ng pinto. Pumasok doon ang nagaalalang si Tito Lou.

Ngumiti ako ng makita ko siya ngunit hindi niya napansin iyon at itinuon kaaagad niya ang atensyon niya saaking mga kamay. "Nakung bata ka, may masakit ba sayo?" nagaalang tanong niya.

Napangiti ako. Simula ng mawala ang family ko sila ang tumayong pangalawang magulang ko, siguro kaya hindi ko rin masyadong naramdaman na magisa ako dahil bukod sa community, nandito pa sila sa tabi ko.

"Okay lang po talaga ako, nakikita niyo naman po malakas na malakas pa ako." biglang napangiti sila sa biro ko. Tumabi si Tita sa tabi ni tito habang pareho nilang hinahaplos ang kamay ko.

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, subukan ulit natin Sharla." seryosong utas ni Tito saakin.

Seryoso ko siyang tiningnan... "Tito, matagal nang naglaro sa isip ko ang mga katagang iyan. Paano kung gagaling pa ako? Subukan ko kaya?" napapikit ako at tumingin ulit sakanila "Pero kapag naiisip  ko iyon, parang sinasabi ko din sa sarili ko na gusto kong mamatay sa apat na sulok ng silid na ito. Ayoko nun Tito. Ayoko ng paasahin ang sarili ko na gagaling pa ako, kung will na ni God na kunin ako, as much as possible sana naman hindi dito." biglang pumatak ang luhang nagbabadya sa mata ko.

Maagap na pinunasan iyon ni Tita at niyakap ako... "O siya kung iyan talaga ang gusto mo, ikaw na ang bahala basta lagi mong tatandaan na nandito lang kami sa tabi mo. Kapag nahihrapan ka tawagan mo lang kami, puntahan mo kami sa bahay" Napatango-tango ako. Natigil ang pagiiyakan namin ng biglang pumasok ang Doctor.

"Ma'am ire-ready na po ba namin ang confinement paper ni Ms. Sharla?" tanong nung Doctor kila Tita.

"Nope, hindi po kami magpapa-confine" tumingin si Tito saakin "Diba?" ngumiti at tumango ako.

"Pero-" ani noong Doctor. Inalalayan akong makatayo nila Tito at tsaka tinawag ang doctor at pinatanggal ang mga dextrose at kung ano-ano pang nakadikit saakin.

~*~

"Dito kana ba namin iiwan?" hininto nila Tito ang sasakyan sa tapat ng condominium ni Raiden. Tumango ako at tinanggal ang seatbelt

"Opo" hinalikan ko muna sila isa-isa sa pisngi bago ako tuluyang lumabas ng kotse.

Halos hating gabi na ng makapasok ako sa unit ni Raiden. Kapansin-pansin ang kalat sa Sala. May naapakan pa akong tin can. Pinailaw ko ang ilaw at bumungad kaagad saakin ang lasing na lasing na si Raiden na ngayon ay nakahilata sa sahig, naamoy korin ang alak sa katawan niya.

Tinapik tapik ko ang pisngi niya para magising siya ngunit walang epekto. Iniligpit ko muna ang kalat at tsaka ako bumalik sakanya.

Tinapik ko ulit ang pisngi niya at sa pagkakataong ito ay gumalaw na siya at dumilat na ng mata. Nang magtagpo ang mga mata namin ay agaran niya kaagad akong niyakap.

"O thank God, youre here. Thank God" paulit ulit na sambit niya habang hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya. "I thought you left me again, please dont leave me again. please Sharla" hindi ako makapagsalita sa mga sinasabi niya. Ramdan ko na rin ang paghaguhol ng kanyang pagiyak.

Bigla akong natahimik sa inaakto niya. Dahan dahan siyang humarap saaknin at hinaplos ang mukha ko. Alam kong lasing na lasing siya kaya niya sinasabi ang mga bagay na ito pero hindi ko mapigilan ang puso ko. Hindi ko mapigilan ang mga titig niya, naipikit ko ang mata ko dahil pakiramdam ko isang panaginip lang ang lahat ngunit naramdaman ko na lang na naglapat na ang labi naming dalawa. Gusto kong idilat ang mga mata ko at itulak siya pero ayaw ng puso ko. Hindi ko alam pero hinayaan ko siya na angkinin ang labi ko, ngunit kasabay ng paghuhurmitado ng puso ko ay ang walang tigil na pagpatak ng aking luha.

'Mali ito Raiden, masasaktan kita'

Lumayo ako sa kanya at naghabol ng paghinga. Tumingin ulit ako sakanya.

"Raiden, ihahatid na kita sa kwarto mo" pangbasag ko ng katahimikan.

"Why?" nakita ko ang pagtulo ng luha niya.

"Ano ba Raiden"

Tumayo ako ngunit maagap niya akong hinila paupo ulit.

"Raiden ano ba, lasing ka na ihahatid na kita sa kwarto mo." hindi siya nagsalita at blanko lamang ang expression na nakatingin saakin habang walang tigil ang luha sa pagtulo.

"Why Sharla? Am I not good enough?"

"Ano bang mga sinasabi mo?"

"Noong una, binasted mo ako at umalis ng walang paalam and now you even left me again without saying a word. Did you know kung ano ang mga tumatakbo sa isip ko kanina habang hinahanap kita? Am i really not worthy Sharla"

Hindi ako nakapagsalita sa sinasabi niya. Walang lumabas na kahit anong salita sa bibig ko. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Naramdaman ko ang paggalaw niya, tumayo siya at bigong naglakad patungong kwarto. Pinagmasdan ko lang siya at ang daming mga tanong na pumapasok sa isip ko.

Bago pa siya tuluyang makapasok sa kanyang kwarto ay nagawa ko siyang pigilan.

"I'm really sorry Raiden, sorry kung palagi nalang kitang nasasaktan. Im sorry kung nahihirapan ka ng dahil saakin"

Ipinikit ko ang mata ko at sa pagdilat nito ay nagtama ang mga mga naming dalawa.

"Can I Love you back?" yan ang tanging lumabas sa dibdib ko. Humakbang ulit siya papalapit saakin at agarang inangkin ang labi ko.

Wala akong mahanap na salita sa ginagawa niya, tanging naghuhurmitadong puso lamang ang nararamdaman ko.

Hindi katulad kanina, mas  mapanukso ang halik niya saakin ngayon na wariy bang sabik na sabik itong halikan ako.

Humiwalay ako sa halik niya.

"Raiden, lasing ka, matulog kana" sambit ko ngunit ayaw niyang makinig, sinunggaban na naman niya ng halik ang labi ko at isinandal ako sa pader.

Mapanukso ang mga halik niya kaya ano mang oras alam kong bibigay na ako. Pero tama ba ito?

Ang halik niyang nakasentro lang sa labi ko kanina ay ngayon ay bumababa na sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto ko siyang itulak para hindi niya matuloy ang binabalak niya pero nanghihina ang buo kong katawan, ayokong ihinto niya ang ginagawa niya. Iba ang ibinibigay na sensasyon ang  bawat paghaplos niya sa buo kong katawan.

Napapikit ako at tinanggal lahat ng mga tanong sa isip ko, kahit ilang minuto o sandali lang Please God hayaan mo muna akong mabuhay kasama ang lalaking ito, hayaan mo po muna akong maging masaya kahit ilang araw at buwan lang.

I know Im being selfish but please kahit ngayon lang, hayaan mo po muna akong maging makasarili sa pagmamahal na kaya niyang ibigay saakin. Please God.

Vote, Comment

Finding YouWhere stories live. Discover now