Twenty Six

987 25 7
                                    


Twenty Six

"Pupunta ba si Raiden?" tanong ni Rio sa kakarating lang na si Jasper habag tinatanggal ang neck-tie nito.

"I don't know"

"How about Jel?" tanong niya ulit habang nakatingin sa entrance ng Five Star Hotel na pagaganapan ng Reunion ng batch nila.

"Sabi niya pupunta daw siya, kasama si Nadine." Sagot nito.

Napatango na lamang si Rio sa sagot nito at nagdesisyon na silang pumasok sa loob. Sa entrance pa lang ay nakangiti na kaagad ang mga batch mate nila noong highschool noong makita sila. Si Rio na itinanggal ang coat niya at naka-blue na long sleeves dahil galling pa ito sa trabaho. Si Jasper naman ay pansamantalang walang neck-tie dahil itinanggal niya ito kanina. They're still handsome as they are.

"Hi Rio-Jasper" bati sa kanila ng bawat babaeng nadadaanan nila. Isang ngiti lamang ang ibinalik nila at tsaka nakita ang table na exclusive lamang para sakanila.

Pagod na umupo rito si Jasper at mabilis na itinungga ang tubig na nakalatag sa mesa.

"Sabi ko na nga ba, dapat talaga hindi ko na inubos ang oras ko para magpunta rito" inis na litanya ni Jasper, habang nakangiti naman si Rio habang nakikitang naiinis na ito.

"Look who's taking, kalian ka pa humindi sa mga ganitong bagay ha! Jas"

"We've already grown up, Rio. What makes you think na ganun pa din ako"

Napakibit balikat si Rio at tsaka inalis ang tingin kay Jasper.

"Kaya lang naman ako pumunta dito is because nabalitaan kong pupunta daw si Sharla" sambit ni Jasper. Mabilis na nabaling ang tingin ni Rio dahil sa sinabi nito.

"So alam mo rin pala?" napatango si Jasper.

"Sino nagsabi sayo?" dugtong na tanong ni Rio.

"I heard from Cheska." Sandaling natigilan si Rio at nagbigay ng ibang emosyon. Matapos nun ay hindi na ulit nagtanong si Rio. Nagpalinga-linga na lamang sila sa paligid at hinihintay sila Jel na makarating. May lumapit na isang babae sa tabi ni Jasper. Pinadaanan lang ito ng tingin ni Rio at tsaka umorder ng maiinom.

"I thought you didn't come." Sambit noong babae habang inilalapag sa mesa ang dala niyang inumin.

"We also thought that!" pilyong sambit ni Jasper.

"Then what makes you change your mind?" mapangakit na tanong noong babae habang tuluyan na niyang inilalapit ang katawan niya kay Jasper.

"We'll I sense that there is a girl tonight that will make me fall for her" napangiti ng kakaiba ang babae at tsaka mapilantik na kinuha ang inumin at ininum.

Narinig ni Rio ang sinabi ni Jasper sa babae at tsaka ito inibahan ng tingin.

'Jerk' sambit ng isip ni Rio at tsaka nagsalin ng alak sa basong kakabigay pa lamang ng waiter.

Makalipas ng ilang minuto ay tuluyan ng nawala sa sarili si Jasper at nakikipaghalikan na doon sa babae-knowing na nasa harap niya si Rio. Kanina pa gustong umalis ni Rio ngunit napatigil siya ng makatanggap siya ng text galing kay Jel.

"We saw Cheska in the lobby" text nito. Ilang beses niyang prinocess ang gagawin niya sa oras na magtapat sila nito. Ngunit hindi niya parin alam kung papaano niya ito haharapin. Makalipas ng ilang taong pagtatago niya para maiwasan ito. Ano na lang ang sasabihin niya sa oras na magtapat ulit sila.

Napabaling ang tingin niya kay Jasper na patuloy parin sa pakikipaglampungan. Tumabi siya rito at bumulong.

"That's enough Jas, Jel is already in the lobby. Pagtatawanan ka nun kapag nakita kang ganyan. And..." Mabilis nitong ipinakita sakanya ang text nito.

Finding YouWhere stories live. Discover now