Eleven

1K 32 0
                                    

Eleven

"Ano ang plano natin, saan tayo?" rinig kong sambit ni Rio habang bumabalik na kaming lahat sa campus.

"Canteen, medyo nagutom na ako!" sabi ni Jasper at ininguso rin niya si Raiden na may bitbit ng Lunch Box, bute nalang at ibanalot ni Mama iyon sa magandang lalagyan.

Ngunit ng papunta na sila sa canteen ay siya namang pag-iba ng direksyon ni Raiden.

"Raiden saan ka pupunta?" tanong nila.

"Music Room."

"I thought you will be joining us..."

"I don't eat in canteen."

"Ay ou nga pala... Ganito na lang bibili na lang muna kami ng food at pupunta narin kami doon." Tumingin din saakin si Rio. Ikaw din Sharla sumama kana kay Raiden. Kaya mabilis akong umiling sa sinabi niya dahil wala naman akong balak sumama sakanila.

"Hindi na ako makakasama, pupunta na ako ng audi-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla akong hilain ni Raiden sa bag ko.

"Teka lang-!"

"What?" irritable niyang sambit

"Hindi nga ako sasama sainyo, makikinig ako sa seminar."

"No you're not going there, do you even see what they are planning to make you suffer? Just come with us"

"Pero-"

"No buts..." matapos nun ay naglakad narin palayo sila Rio para sa pagkain na bibilhin nila...

"Ou na sige na, pakibitawan nalang ang pagkakahawak sa bag ko at sasama na ako sayo."

"Ok!" at nagsimula na nga siyang maglakad papunta sa Music Room, halos wala na akong makitang mga estudyante sa paligid siguro ay may kanya-kanyang klase na ang ibang level.

Tahimik lamang akong nakasunod sakanya, para tuloy akong asong gala na sumusunod sa kanya. Psh! Pero mas gugustuhin ko pa na nasa likod niya dahil mamaya ay kung ano pa ang isipin ng mga estudyanteng makakakita saamin. Ako na naman ang isiping masama.

Walang emosyon niyang binuksan ang music room na walang katao-tao, nagdiretso siya sa gilid samantalang naiwan lamang ako sa may pinto habang namamangha sa kabuuan nito. Kompleto sa gamit ang loob nito, may malaki ring Piano na nagpakislap ng mata ko.

Dati ko pa gustong-gustong magkaroon ng ganyan kagandang Piano, iyong tipong ginagamit lamang sa tuwing may concert ang sikat na pianist ngunit alam kong hindi naman ito kayang bilhin ng pamilya ko kaya nako-kontento na lamang ako sa isang maliit na piano na iniregalo pa saakin ni Papa noong 10 years old pa lamang ako.

Nakita ko ang pag-upo ni Raiden sa isang sulok habang humanap naman ako ng mapu-pwestuhan ko. Nakita kong binuksan na ni Raiden ang pagkaing hawak niya at nagbabalak na kainin na ito ngunit bago pa niya ito tuluyang kainin ay pinigilan ko muna siya sa ginagawa niya.

"Teka lang..." pigil ko.

"What?"

"Hindi mo ba hihintayin ang mga kaibigan mo, bago mo kainin iyan?" tanong ko sakanya.

"No."

"Pero-" hindi ko na siya napigilan at inumpisahan na nga niyang kainin ang lunch niya. Kung ako siguro naging kaibigan nito ay baka nagtampo na ako sa hindi niya paghihintay saakin. Pero bute nalang at hindi kami magkaibigan...

Hindi kalaunan ay dumating narin naman ang tatlo, maingay sila ng pumasok sa loob kaya naagaw kaagad nila ang pansin ko.

"Are you done Raiden?" tanong ni Rio sakanya.

Finding YouWhere stories live. Discover now