Thirty Seven

857 30 7
                                    

Thirty Seven

Napabuntong hininga ako habang nakahawak sa Telepono dito sa may bar area ng condo ni Raiden. Isang lingo na akong nanatili dito pero hindi ko na kinakaya ang lahat. Mahirap, sobrang hirap. Namumuo ang luha sa mata ko.

"Hello" kaagad na tumulo ang luha ko ng marinig ko ang boses niya.

"Hi." Masiglang bati ko sa kabilang linya. Nahahalata ko ang panghihina ng boses niya. Ngunit isinawalang bahala ko lamang iyon.

"How are you? Ok ka lang ba diyan?" mas lalong nagunahan ang luha sa mata ko dahil sa tanong niya. Mabilis ko itong pinunasan upang hindi niya mahalata sa boses.

"Of course."

"Then bakit pakiramdam ko umiiyak ka?" nahuli na niya ako.

"Hindi ah!" pag-iiwas ko.

"I know Sharla, boses mo palang I know there's something wrong."

"Wala nga ito."

"See lumabas na mismo sa bibig mo. Anong problema? Inaaway ka ba ni Raiden?"

Umiling iling ako. "Hindi."

"Gusto mo na siya?" tanong niya na nagpatulo pa lalo sa luha ko. Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. "Binalaan na kita hindi ba? Don't fall love with him pero hindi ka na naman nakinig saakin."

Hindi ako nakapagsalita. "So papaano ang gagawin ko? Kailangan ko na ba gumising sa panaginip ko?"

"No hindi I am yours Harrold at walang makakakuha noon."

"Hindi Sharla, ako lang naman ang nagsasabi na akin ka. I know already Sharla, he's that boy, the boy that always in your heart for the longest time."

"Pero Harrold I like you, gusto kita."

"Shhh. I know but the word like is not enough Sharla, maraming ibig sabihin ang salitang like and I also know that I belong to friend like."

"Ano ba yang sinasabi mo."

"Alam mo ba kung bakit hindi na kita pinigilan noong nalaman kong sasama ka sakanya sa Manila?" sandali siyang napatingin at napasinghot. Umiiyak na pala siya. "Dahil alam kong siya ang makakapag bago sayo Sharla, alam kong mabibigyan ka niya ng pag-asa. Katulad ng ginawa mo saakin noong oras na dumating ka. You gave me life Sharla, you give me hope and look forward for tomorrow."

"Harrold!" tawag ko sakanya sa kabilang linya.

"It's already enough Sharla and I think my life will be end tomorrow" bigla na ako nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin Harrold?"

"Katulad nga ng pinangako ko sayo, I will tell you if I feel like I'm going." Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko. Maghahating gabi na at alam kong tulog na si Raiden sa kwarto niya. Pero anong gagawin ko?

"Hello Harrold" naguunahan na ang luha ko dahil wala ng nagsasalita sa kabilang linya. Kinakabog na ng sobra ang dibdib ko. Hindi ito pwede, kailangan nasa tabi niya ako.

"Harrold. Harrold." Napapatalon na ako sa kaba dahil naririnig ko na nagkakagulo sa loob ng silid.

"Hello." Boses ni Monique ang nasa kabilang linya.

"Hello Monique. Asan si Harrold?" tanong ko sakanya. Katahimikan ang naging sagot niya sa tanong ko.

"Monique nasaan si Harrold?" paguulit ko, ngunit ramdam ko na sakanya ang paghikbi niya.

"Im sorry Sharla." Hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Anong I'm sorry? Tinatanong kita kung nasaan si Harrold, kausap ko lang siya kanina" Naguunahang na naman sa pagpatak ang luha sa mata ko. Hindi. Ayoko pa, hindi pa kami tapos magusap.

Finding YouWhere stories live. Discover now