Forty Four

755 19 0
                                    

Forty Four

Masaya akong nakangiti habang pinagmamasdan siya.Hanggang kailan ko kaya mararamdaman ang ganitong saya.

'Raiden pwede bang mabuhay pa ako ng matagal? I just want to spend my life with you kahit sandali lang. Hinaplos ko ang mukha niya, nagulat pa ako sa biglaan niyang pagdilat. Ngumiti siya at binigyan ako ng malambing na ngiti. Hinawi niya rin ang buhok kong naliligaw saaking pisngi.

"Sharla" malambing na tawag niya sa pangalan ko.

"Hmmm"

"Sharla" napangiti ako dahil sa pauli-ulit niyang pagtawag sa pangalan ko.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa pisngi ko at itinago ko iyon sa pagyakap ko ng mahigpit sakanya. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi niya saaking noo.

"I'm happy Sharla" bigkas niya. Ang kaninang nagbabadya sa mata ko ay tuluyan ng bumagsak. Magiging masaya kaparin ba Raiden kapag malaman mo ng konting oras nalang ang natitira saakin? Makikita ko pa kaya ang mga ngiti mo?

Nahuli niya akong umiiyak at agaran iyong pinunasan. "Stop crying, I will never leave you. Magiging masaya tayo" wala nang tigil ang luha ko sa pagiyak at dahil pakiramdam ko anumang oras hahagulhol na ako, tumayo na ako at nag-cr.

Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin at halata na ang pamamaga nito, naghilamos ako roon at lumabas na ng banyo ngunit wala na roon si Raiden. Naabutan ko siya sa kusina na gumagawa ng sandwich at nilalagay sa table ng makita niya ako ay agaran niya akong pinaupo sa upuan at pinagsilbihan. Pinagmasdan ko lang ang ginagawa niya ng matapos siya ay masaya itong naupo sa harapan ko.

"You can now eat it my princess" gusto kong masuka sa sinabi niya sa halip ay nahampas ko na lamang siya.

"Why? Corny?" tanong niya. Napatango din naman ako ngunit isang ngiti lamang ang ibinigay niya at sinaluhan ako sa pagkain.

"Saan ka ngayon?" tanong ko sakanya.

"Office, may meeting ako ng 10am" napatango ako at kumain ulit.

"Ikaw?" tanong niya saakin.

"Nao-organize ko na ang mga list ng sponsor na kailangan ko rito, I guess uuwi na ako sa community" wala sa loob na sambit ko.

Naramdaman ko ang pagitigil niya sa pagkain at seryosong tiningnan ako. "Aalis kana?" pangungumpirma niya.

"Ou." sagot ko.

"Why?"

"Tapos na ang dapat kong gawin dito, I guess I need to go back"

"Paano ako?"

Napangiti ako sa sinabi niya... "You can visit me there anytime you want" Tinitigan ko siya sa mata at halata ang lungkot sa mata niya...

"I can't live here alone Sharla"

Napangiti ako sa sinabi niya... "You can, nabuhay ka nga ng ilang taon dito, ilang weeks palang naman ako nandito kaya kaya mo yan"

"I can't Sharla"

"Raiden, you have a company and family here and I also have a family and community there. If you want you can visit me there every weekend or I can visit you here" Nakayuko lang siya sa sinabi ko at sumuko na rin.

Tumingin siya saakin. "Kailan ka aalis?"

"Maybe after we have a date" at kininditan ko siya. Medyo sumigla ang mood niya sa sinabi ko.

Maya-maya ay nag-ring ang phone niya...

(Flashback)

Napabalikwas ako sa hinihigaan ko at mabilis na tinawagan si Miss Tina...

Finding YouOnde histórias criam vida. Descubra agora