Forty One

822 21 0
                                    

Forty One

Sharla POV

Mabilis akong napabalikwas sa hinihigaan ko. Kaagad na napadilat ang mata ko ng maalala ko ulit kung nasaan ako. Dahan dahan akong napatingin sa kanan ko ngunit wala ng bakas ni Raiden doon, chineck ko pa ang damit ko kung nakasuot pa ba at nakahinga ako ng maluwag ng meron pa naman.

Nagtungo kaagad ako sa Living Room at bumungad kaagad saakin ang naka-apron na si Raiden. Napalunok ako sa itsura niya at natawa na rin, mukhang may piniprito siya ngunit hindi niya man lang maidilat ang mata niya.

"Ano ba ginagawa mo?" sambit ko sakanya.

"Nagluluto, hindi mo man lang sinabi saakin na ganito pala kahirap" pagmamaktol niya.

Kinuha ko sakanya ag sandok at tsaka ibinaliktad ang piniprito niya. "Ang tali-talino mong tao, di mo man lang alam paano magluto. Psh!" tiningnan ko siya ng kakaiba. "Dapat kasi ginising mo nalang ako para ako nalang ang nagluto" sabi ko at itinuon ang atensyon sa niluluto.

"Paano naman kita gigisingin kung tulog mantika ka, nagsasalita kapa nga" nakangiti niyang sambit. Napakunot noo ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Ako nagsasalita? Imposible"

"Then Don't believe me." Pagsusuko niya at tsaka napaupo at nakaharap saakin.

"Ano naman ang sinabi ko?" tanong ko.

Pansin ko ang titig niya saakin. Ngunit isinawalang bahala ko iyon at itinuon na lamang ang atensyon sa niluluto. Tumayo siya at pumunta sa likod ko, nagtaka pa ako sa tinuran niya ngunit isinuot niya lang pala ang apron na gamit niya sa katawan ko. Hindi ako makahinga sa sobrang lapit niya saakin.

"A-ang lapit mo." Tanging bigkas ko at tsaka napalunok sa tinuran niya.

Isang mapangakit na ngiti ang ibinigay niya at tsaka hinalikan ang pisngi ko. Kaagad nanlaki ang mata ko.

"You just said to me earlier that "I love you"" aniya at tsaka bumalik ulit sa pwesto niya. T-teka sinabi ko iyon.

Tinitigan ko siya ng kakaiba. "I don't believe you" sambit ko.

"Then don't basta ako papaniwalaan ko ang narinig ko. Kahit pala sa panaginip ako parin ang iniisip mo. You just answer my question last night" sambit niya na nagpanganga saakin.

"That's not valid Raiden."

"Para sayo but it is valid for me, I will act as your husband no not husband as your boyfriend pala." Sambit niya at tsaka kinindatan ako. Tumayo siya sa pagkakaupo niya.

"Call me if youre done magpe-prepare lang ako for work. Take care Babe" huling sambit niya at tsaka nagmartsa pabalik sa kwarto niya.

Naiwan akong nakanganga sa tinuran niya ni hindi ko man lang nagawang maitikom ang bibig ko at pinapapawisan pa ako ng napakalamig.

Sinabi ko ba talaga iyon? Nag I love you ba talaga ako sakanya kagabi? Bakit parang mas ako pa ang lasing at hindi maka-alala?

~*~

Maayos kaming nakarating sa office, sobrang ganda ng mood ni Raiden dahil pati guard at mga taong nakakasalubong niya ay binabate niya samantalang ako ay clueless padin.

Ano ba sinabi ko ba talaga yun?

Pagod akong ibinagsak ang sarili ko sa upuan kung saan ako nakapwesto habang binibigyan naman ako ng kakaibang tingin ni Ms. Tina ang kanyang secretary.

"Kakapasok mo palang after ng ilang araw, mukha kana kaagad pagod?" aniya.

"Wala po ito Ms. Tina"

Finding YouWhere stories live. Discover now