Ang weird niya.

"Actually wala talaga akong destination, then nakita kita kaya sasama na lang ako sayo." Dugtong pa nito at tinawanan ang sarili.

Namagitan sa amin ang panandaliang katahimikan hanggang sa matanaw na namin ang stock room.

Medyo malayo ito mula sa class room ko kaya inabot kami ng mga ilang minuto bago makarating dito.

Ilang hakbang na lang at nasa stock room na kami nang bigla niya akong hinawi papunta sa kaniyang likuran.

"A-anong nangyayari?" Takang tanong ko dahil kita sa kaniyang expression na tila ba may inaasahan siyang darating.

Mula sa gilid ng stock room ay lumabas ang tatlong nakablack hood. Pula rin ang kanilang mga mata kaya nakakatakot silang tingnan.

So tama nga ang hinala ko. May mga kasamahan pa ang naka-black hood na lalaking nakasagupa ko noon.

"Stay at my back." Bulong nito sa akin.

Hindi mo mababakas ang takot at kaba sa kaniya kaya feeling ko ay somewhat related din siya sa taong nakamaskara at sa kanila.

Itinaas niya ang kaniyang palda at makikita sa kaniyang hita ang lalagyan ng isang punyal. Kinuha niya ito at tinangan.

"Want to play?" Nakangising tanong niya.

Mas lalo pang bumigat ang aurang pumapaligid sa kaniya. Para siyang isang professional agent na sanay makipaglaban kahit kanino.

Sumugod na nga ang isang kalaban kaya sinalubong niya ito ng isang sipa ngunit nailagan lang niya ito. Sa pag-ilag nito ay agad ipinulupot ni Nicole ang kanyang binti sa leeg ng kalaban at nagpadala sa pwersa upang umupo sa may batok nito.

Inalis niya ang tie ng kaniyang uniform at ipinulupot sa leeg nito sabay hinila ng buong pwersa upang hindi ito makahinga.

Kitang kita ko na natutuwa siya sa ginagawa niya. Ikinatutuwa niya ang pananakit at ...pagpatay.

Hindi na makahinga ang kalaban kaya sumugod na ang isa pa ngunit sinipa niya lang ito saka natumba. Iniangat na ni Nicole ang kaniyang punyal at agad itinarak sa leeg ng kaniyang sinasakyan kaya natumba ito. Tumalon naman si Nicole patungo sa isa pa at sinampal ito ng malakas saka sinipa sa private part nito.

Nakatayo ang pangalawang lalaking sumugod at mabilis na lumapit sa akin.

Sa paglapit nito ay nakakita ako ng isang bakal na tubo kaya agad ko itong pinulot at inihampas sa ulo niya.

Pumutok ang kaniyang ulo sa lakas ng aking pagkakahampas kaya natumba na ito.

Napatumba na ni Nicole ang kaniyang kaharap kaya agad na niyang itinaas ang kaniyang punyal at tinadtad ito ng saksak sa buong katawan.

Nagkaroon na ng malay ang lalaking hinampas ko ng tubo saka humawak sa aking paa.

Muli kong pinalo ang kaniyang kamay upang mapabitaw sa aking paa at napasigaw sa sakit nito.

Lumapit na sa amin si Nicole at iniabot sa akin ang punyal na hawak.

"Anong gagawin ko diyan?" Takang tanong ko habang hindi parin tinatanggap ang nakalahad na punyal.

"Finish him."

Ako? Papatay? Ayoko!

"Hindi ko kaya, ayoko, ikaw na lang." Nag-aalinlangang sagot ko.

Binigyan niya lang ako ng isang creepy smile saka itinaas ang punyal at sinaksak sa ulo ng nakadapang lalaki.

"Takot ka pumatay?" Natatawang tanong nito at pinunasan ang mga bahid ng dugo sa kaniyang mukha.

Natigilan lang ako sa kinatatayuan ko.

"You can't survive if you can't hold a knife." Muli siyang tumawa na tila ba minamaliit ako.

Hindi ako murdurer. Kahit pa anong sama ng isang tao hinding hindi ko magagawang pumatay, even Kim, kahit na pinagbantaan ko siya noon ay hindi ko parin iyon magagawa.

" They are all after you." Bulong niya sa akin at tuluyan nang naglakad palayo.

They are all after you?

Iyan ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko.

Akala ko ba yung nakaputing maskara lang ang may kailangan sa akin and now pati yung mga blackhooded guys?

Ano namang kailangan nila sa akin?

"You encountered them didn't you" Seryosong bungad sa akin ni Grey.

"Kilala mo ba sila?" Seryoso ko ding tanong na ikinatahimik niya.

Naglalakad na kami ngayon pa-uwi at nandito na kami sa loob isang eskinita.

"Anong kailangan nila sa kin?" Dagdag ko pa.

"Hindi ko pa pwedeng sabihin." Sagot niya.

Ayan na naman siya. Nagsisimula na ulit akong mainis sa kaniya.

"Bakit ba? Bigyan mo ako ng sapat na rason kung bakit hindi ko pwedeng malaman."

Medyo tumaas na rin ang boses ko marahil na rin ata sa dami ng bumabagabag sa isipan ko.

"Dahil hindi ka pa handa. Hindi mo pa sila kayang harapin."

"Paano ako magiging handa kung hindi ko alam kung bakit ko kailangang mag-ingat?"

"It's because of your fate!" Sigaw niya.

Halata kong frustrated na siya.

Hindi ko lang kasi makuha ang point kung bakit kailangan niyang itago iyon sa akin.

"Anong meron sa fate ko?" Medyo kumalma na rin ako.

Death Grey's POV

"Anong meron sa fate ko?" Tanong niya.

Hindi niya pwedeng malaman ang lahat dahil mapapahamak siya.

My mission is to change her fate.

Once na nalaman niya ang buong katotohanan ay magkakanda gulo gulo na ang lahat.

She will be awakened. Ang babaeng matagal nang natutulog ay magigising na siyang ikapapahamak niya... maging ng sangkatauhan.

Malaki ang responsibilidad ko, maging ang sayo. Dahil sa iyo nakasalalay ang kapalaran ng lahat, ang kapalaran ng kawawang mundong iyong ginagalawan.

When Kamatayan Falls in Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now