Yung hindi ko lang kasama si Alyssa, parang mawawalan na ako ng bait, paano pa kaya kung mawala siya ng tuluyan sa akin.

"Kaya-" bumangon ito at tumayo. "Bumangon kana dahil walang maitutulong ang pag-iyak mo. Ayaw mo bang bawiin ang princess charming mo?" Nakangisi niyang sabi bago lumabas ng silid.

Napabalikwas naman ako pagkarinig ko nun. Tama siya. Kaysa sa pag-iyak dapat nagsanay na lang ako. Tama! Ililigtas ko ang mahal ko.

Buong lakas akong lumapit sa mesang nilagyan nila ng dugo. Ilang araw na rin akong hindi uminom pero ni minsan hindi ko naramdaman ang pagkauhaw, ngayon lang. At mabuti na lang wala akong nasaktan na sino man.

Sa sobrang uhaw ko ay naubos ko ang ilang bag ng dugo na nandito. Meron ding dugo ni Sky pero may isang klase ng dugo akong hinahanap. Dugo ng mahal ko.

Nalulungkot parin ako pero kailangan kong magpakatatag.

Pagkatapos ko uminom at pumasok na ako ng banyo. Hindi naman importante sa akin kung malamig o mainit ang tubig kaya tinapat ko na agad ng katawan ko pag katapos maghubad.

Sa bawat pagbagsak ng tubig sa hubad kong katawan. Naalala ko lahat ng masaya naming pagsasama ni Alyssa kahit sandali mang panahon na yun. Hanggang noong gabi.

Isang perpektong gabi na sinira nila. Isang masayang gabi pero sinira nila. Isang gabi na kasama ko ang mahal ko, pero sinira lang nila. Sinira nila!

"Babe!" Naibulong ko sa isip ko.

"Ba-babe." May biglang sumagot na halos magpatalon sa akin. Bakit ko nga ba hindi na isip to? Ang tanga ko talaga, edi sana nakausap ko siya.

"Babe," at kasabay ang pagtulo ng luha ko. "Kamusta ka? Sinaktan kaba nila?" Nag-aalala kong tanong.

"Okey lang naman ako kahit nanghihina." Bakas din ang panghihina niya base sa boses niya. "Ngayon lang din ako nagising kaya hindi mo ako nakausap. Hindi ko alam kung ilang araw na." Dugtong niya pa.

"Sorry, babe. I'm sorry." Sabi ko na umiiyak na naman. Hindi ko maisip kung ano na ang kalagayan niya ngayon.

"Wag mo akong alalahanin, basta alam kong ligtas ka." Sabi niya at parang nanghihina pa siya lalo. "I-i lo-love you b-babe." At doon wala na naman akong naramdaman. 

Paulit-ulit ko siyang tinawag pero hindi na naman siya sumasagot. Para akong mababaliw, para lang ako pinatikim sa isang putahe at pinasabik.

Nakapagpasya na ako. Babawiin namin si Alyssa.

Kaya naman nagmadali na akong naligo at nag-ayos ng sarili ko. Hindi naman ako nagtagal kasi mas mahalaga ang oras ngayon. Más mahalaga si Alyssa.

Palabas na sana ako ng lwarto ng biglang tumunog ang cellphone ko. Nilapitan ko ito at nanginig ang kalamnan ko sa galit ng makita kung sino ang tumatawag.

Kiefer calling.......

Ang walang hiyang lalaking kumuha sa mahal ko.

Pinahinahon ko muna ang sarili ko bago sumagot.

"Hello." Matigas pero simple kung sabi kahit gustong-gusto ko na siyang sigawan.

"Hi love. Na miss kita." Magiliw pa nitong sabi.  Para akong masusuka ng marinig ang boses niya. Ang dating gustong-gusto kong marinig na boses. Ngayon ay gusto ko ng ibaon sa lupa ang may-ari ng boses.

"Ano ang kailangan mo?" Sabi ko na lang.

"Hindi mo ba ako namiss love? Kasi ako na miss kita. Yung mainit mong yakap. Ang-"

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon