chap. 21

1.9K 73 22
                                    


MIKA

Nandito na ako ngayon sa labas.

Isa itong dating elementary school pero nilipat na sa mas malapit kasi medyo bundok na kasi. At ilang dekada narin ba tong building? Hindi pa ata ako pinapanganak, nakatayo na to.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Basta sure akong papasukin nila ako ng ligtas doon. Ako ang kailangan niya.

Mula sa kinaruruunan ko, kita ko ang ibang bampirang nakabantay sa buong building. Bampira lang silang lahat kaya madali lang ito.

Hating gabi na, tumakas lang din ako sa bahay. 11:30 ako nanggaling sa bahay.

Wala si lolo at pamilya ni Alyssa kasi umuwi. Pati ang kambal ay wala rin at ang prinsesa na dumating kanina pero umalis lang din naman.

Naiwan ay ang player at ang magbabantay lang. Yung mga assistant coach, teacher at ibang estudyante na iba't ibang nilalang ay nagpaiwan lang din. Nahirapan pa ako noong una na tumakas, pero naalala ko ang daan sa basement, at yun na nga ang ginamit ko para makalabas.

Hindi naman ako nahirapan. Hindi na rin ako gumamit ng sasakyan at tinakbo na lang ang pupuntahan ko. At nandito na nga ako.

Alam ko malalakas ang nandito pero hindi ako nakaramdam ng takot. Mas natakot pa ata ako kay Maxz kanina ng tinuturuan niya ako.

Lumabas na rin ako sa pinagtataguan ko ng pumatak ang alas-dose ng hating gabi. Nakita ako ng ibang bampira pero tiningnana niya lang ako.

Nakablack jeans ako pero yung alam ko na makagalaw parin ako,  pinaresan ko ito ng isang shirt at jacket na may hood at rubber shoes.

May napuslit din akong armas ni Aly. Yung galing kay Sky na parang pendant lang pero nagiging armas? Yun ang dala ko. Palagay ko may mga baril naman sila, kunin ko na lang sa kalaban kung kakailanganin.

Naglakad na ako papasok sa gate, nagtinginan ang ilang bampira at mas naging prepare. Akala ata nila may kasama ako. Alam ko, suicide tong ginagawa ko. Pero wala eh, walang ibang paraan.

May nagbabantay sa gate at siya nagbukas at nagpapasok sa akin. Naglakad ako papasok habang ito ay sumusunod sa akin.

Siguro kung ang dating Mika pa ako, ang lakas at bilis na ng tibok ng puso ko. Kinakabahan din ako pero pinipigilan kong mahalata nila.

Naglakad pa kami hanggang narating namin ang dulo na pinakamalaking silid na nandoon. Ito ata ang gym ng school dati.

Pumasok na kami pagbukas ng pintuan na sinirado na din naman agad. Hindi ako lumingon at diritsong nakatingin sa taong nasa gitna.

Nilibot ko pa ang paningin ko para makita pa kung sino pa ang kasama namin.

At doon ko nakita ang ama ni Kiefer na kahit minsan ay hindi ako nagustuhan. Isa siya sa mga tao o bampira na malaki ang pagnanasa sa kapangyarihan.

Alam ko mabait si Kiefer, pero hindi ko alam kung bakit naging ganito siya ngayon.

"Mabuti at dumating ka na." Sabi ni Kiefer. Kaya napalingon din ako sa kanya.

Katabi niya si Alyssa na nakaupo sa isang upuan habang nasa likod niya si Kiefer.  Alam ko nagbago na ang kulay ng mata ko at nagiging pula na ito.

At dahil yun sa patalim na nasa leeg ni Alyssa. Nagagalit ako dahil sa kapangahasan niya.

"Pakawalan mo na siya." Matigas kong sabi sa kanya. Hindi ako nagpapakita ng emosyon sa mukha pero alam ko ang mata ko naman ay nagsasabi na galit ko.

"Pero, nagbago na isip ko love eh. Kayong dalawa na gusto namin. Ayaw mo yun, magkasama parin kayo." Nakangisi niyang sabi habang sinugatan ng maliit ang leeg ni Alyssa at dinilaan niya ang dugo mula doon. Kita kong natutuwa ang ama niya sa pinanggagawa niya. "Sayang naman, ang sarap niya eh. Tapos, amin na rin ang isang grupo ng hunter, diba ama?" Sabi nito na kinatango naman ng ama niya.

Cold-blooded Hunter (gxg) MikaSa -complete-Where stories live. Discover now