Tumingin siya saakin ng masama at nginiwian ako.

"What?" Tanong ko.

Ilang segundo na kaming nagtititigan dito pero hindi parin siya sumasagot.

"Wala! Natulala lang ako sa kapangitan mo." Umiwas ng tingin saakin si kuya kaya mas lalo akong naasar.

Panget daw ako.

"Geez..." Bulong ko at napasandal nalang ako sa upuan.

Tahimik lang yung byahe namin papunta sa school.

Pagkadating namin, hindi ko naiwasan na kabahan. Ang daming tao sa labas. Karamihan sakanila ay yung mga laging nang-aasar saakin.

Bumaba na si kuya ng kotse pero andito ako tulala. Natauhan nalang ako nung pinagbuksan ako ni kuya ng pintuan palabas ng kotse niya

"May balak ka ba bang lumabas?" Tanong ni kuya Andrew pero hawak pa rin niya yun pintuan at nakaupo palang ako dito.

Pagkatapak ko sa lupa, mas lalo akong kinabahan.

"Wag kang kabahan." Sita ulit saakin ni kuya.

Lumabas na ako ng kotse niya at napatingin ako sa paligid. Halatang gulat yung mga estudyante.

May biglang lumapit saamin ni kuya Andrew na tatlong matataray na babae.

"Don't tell me, pinagpalit mo na ako!?" Tugon nung isang babae. Wait, girlfriend 'to ni kuya ah?

Inakbayan ako ni kuya na mas-ikinagulat ko. Halatang gulat din yung girlfriend ni kuya at halatang inis na inis silang tatlo.

Ano ba 'tong pinaggagagawa ni kuya? Ang weird kumilos ni kuya! Akbayan ba naman niya ako na para bang girlfriend niya?

Tinuro ako nunghintuturo ni kuya ngumisi siya sa tatlong babae.

"Ito? Girlfriend ko? Babe. Kapatid ko 'to!" Sigaw ni kuya sabay kumawala sa pag-akbay saakin tapos dumikit naman dun sa mataray na girlfriend niya.

Mukhang nakahinga ako ng maulwag dun ah.

"ANNA!?!?" Sabay sabay silang tatlo na sumigaw ng pangalan ko. Seryoso? Kahit sila di ako nakilala?

"Eh diba pangit siya?"

"Huh? Magic."

"Galing galing!"

Napatingin yung mga tao sa paligid namin.

Maya't maya may lumapit saakin na lalaki. Mukhang manyak at manloloko.

"Hi sexy! Baguhan ka lang ba?" Napakamanyak na tanong niya. Ito yung isang nanloko saakin nuon. Yung lalaking pumatid saakin kaya ako natumba kay Liam.

Nag-igting ang panga ni kuya Drew.

Lumapit si kuya dun sa lalaki na manyak tapos tinulak siya palayo saakin. Over protective talaga si kuya.

"Hoy! Wag na wag mong lalapitan si Anna!" Sigaw ni kuya dun sa manyak na lalaki. Tinginan na yung mga tao sa paligid namin.

"At bakit? Boyfriend ka ba niya?" Maangas na tanong nung lalaki na manyak.

Hindi natauhan si kuya. Sinuntok niya yung lalaki kaya napatumba ito sa sahig. Nagulat ako sa inasal ni kuya. Nakakatakot.

"Anna. Pumasok ka na sa room niyo. Late ka na." Utos ni Kuya. Sumunod nalang ako sakanya. Ayoko nang mapanood yung nangyayari dun.

___

Bawat paghakbang ko sa hallway, madaming nakatingin saakin kaya hindi ko maiwasan na kabahan. Nakakapanibago lang kasi.

[COMPLETED] Lucky I'm Inlove With My Bestfriend On viuen les histories. Descobreix ara