40: NASASAKTAN AKO

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi niya ako pinansin at nanatili ang tingin kay Jeff.

"I was just about to say that the deadline of your favor will be today. Wala nang bukas kung hindi mo magagawa yung gusto mong gawin ngayon. Magda-dalawang buwan na mula nung kinausap mo ako kaya wala ka nang extension." Aniya at hinila ako paalis sa harap niya.

Nalaglag ang panga ni Jeff nang hindi siya makasagot sa kung ano man ang gustong iparating ni Jazz.

"Anong fabor ba?" tanong ko habang kumakain kami ng barbeque.

"You'll see later."

Ang layo ng sagot ah.

Bakit ba ang daming pa-misteryo sa mga tao ngayon? May pathrill thrill pa silang nalalaman. Tsk. Mas lalo lang akong mauusisa.

Maingay sa lugar kung nasaan kami kahit na open cottage to. Malamig ang hangin at madilim ang dagat kaya gustong gusto ko ang nakikita ko ngayon. Kung hindi sana sa mga nagkakantahan kong kasama ay napakapeaceful siguro ng lugar.

Magkatabing nakaupo si Aljo at Rhea habang nagkukwentuhan ng kung anong nakakatawa dahil pareho silang may ngiti sa labi.

Si Jayzee, Lorren, at ang isa pang member ng XSC ay nag-uusap rin, kumaway lang si Jayzee nang makita ako.

Si Neil ay tahimik lang na kumakain habang nasa harap ang tingin, kay Jeff siya nakatingin na masayang nakikipag-asaran kay Ryce at Markhel.

Si Suzy ay katabi sa kanan si Neil at sa kaliwa niya ay si Grethel.

May sariling mundo rin si Stacey at ang bestfriend niyang si Cheska na mukhang malungkot. Kumunot ang noo ko nang maalala ko ang kinuwento ni Kelly tungkol sa nakaraan ni Cheska at Hanz.

Nabuntis siya ha?

Hinanap ng mata ko si Hanz pero nakayuko lang siya sa isang tabi at hindi ko makita ang mukha niya. Hindi naman siya pinansin ng iba kasi nasa pinakagilid siya ng cottage.

"Hanz is here but Kelly is not." Bulong ko kay Jazz.

"So hindi sila nagkabati." Bumuntong hininga siya. "Akala ko magkasama na sila ngayon."

"Kilala mo naman si Kelly. Ma-pride." Sabi ko at tumayo para sana lapitan si Hanz nang makita ko ang lalaking pumasok. "Kuya," tawag ko sa kanya.

"Oh, Mayk." Sumulyap siya kay Jazz na nasa likod ko. "Bakit?"

"Nasaan si Kelly?" tanong ko. Umiling siya.

"Give her some time. She's still confuse." Aniya at naglakad papunta sa bakanteng upuan na malapit sa amin. Umupo nalang ulit ako sa dati kong pwesto.

"Is she still crying?" tanong ni Jazz nang hindi nakatingin kay kuya.

"Sort of." Nagkibit siya ng balikat. "Hindi niya ba sinabi sa inyo ang nangyari?"

Umiling kaming dalawa, maging si Jazz ay nakatingin na sa kanya na para bang interesado. "Bakit, alam mo?"

Tumingin si kuya sa kawalan. "Sabi niya ay nakita niyang nakipag-usap si Hanz kay Cheska sa dilim."

Nanlaki ang mga mata ni Jazz habang suminghap ako. "A-Ano? Niloloko niya si Kel—"

"No. Nagkamali lang siya ng unawa." Umiling si kuya. Sumulyap kaming tatlo kay Cheska na mukhang walang lakas habang nanonood sa kumakantang si Bubbles.

"So hindi si Cheska ang kausap niya?" ani Jazz na medyo naguguluhan.

"I think siya nga ang kausap niya, but I don't know the whole story dahil hindi ko nakakausap ng matino si Hanz. Hindi naman siya nakainom pero daig niya pa ang lasing sa pagwawala." Dagdag niya. Si Hanz ngayon ang tinignan naming tatlo. "Why don't you ask him instead?"

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon