I'm late. Nakapagsumbong na si Julia sakanya.

"Hindi ko maintindihan dahil wala naman syang ginagawa at bigla mo nalang syang sinampal! Bakit kasi nangingialam ka?! Ha?! Bakit?!" - sigaw nya sakin

"Prince enough!" - pigil ni Nathan sakanya pero Hindi sya pinansin ni Prince

"Masyado ka kasing pakialamera! Ano ba kita para mangialam ka! Sampid ka lang naman sa buhay ko! Masaya ka siguro ngayon! Dahil nasaktan mo na sya! Now tell me, bakit mo ginawa yun?! Sabihin mo!" - sigaw nya sakin kaya hindi ko na napigilan at sumigaw na din ako

"Bakit pa?! Ha?! Bakit pa?! Kapag ba sinabi ko sayo, makikinig ka?! Kapag ba sinabi ko sayo, maniniwala ka?! Hindi naman diba! Kapag ba sinabi ko sayo, babawiin mo lahat ng sinabi mo! Kapag ba sinabi ko sayo, kakampihan mo ko! Diba Hindi naman! Sino ba naman kasi ako para kampihan mo diba! Sampid lang naman ako sa buhay mo! Sampid lang naman ako sayo! Hindi ko naman ginawa yun para sa wala eh! Sa tingin mo ba, sasaktan ko sya ng basta basta? Ganun ba yung tingin mo sakin? Nanakit ng walang dahilan! I slapped her because I saw her kissing some other guy! Ginawa ko yun dahil totoong niloloko ka nya! Don't say that I'm happy because you don't know what I feel! Nasasaktan ako dahil may kasama ka ng iba. Nasasaktan ako dahil may gusto kang iba. Nasasaktan ako dahil may mahal kang iba. Nasasaktan ako dahil masaya ka sa iba. Nasasaktan ako dahil mahal kita! Ngayon, kung ayaw mong maniwala sa mga sinasabi ko, bahala ka sa buhay mo. Wala na akong pakialam kung maniwala ka o Hindi dahil ang mahalaga, nasabi ko yung totoo. Masyado kang unfair, Prince. Sinaktan mo ang taong matagal ng nasasaktan. Sinaktan mo ang taong tunay na nagmamahal sayo. Your being unfair." - sabi ko at umalis na bago pa tuluyang pumatak ang luha ko.

Nathan's POV:

Lumapit kaming tatlo nila Ethan kay Prince samatalang sinundan naman nila Max si Princess.

"Dude, ano? Ano ng balak mo?" - tanong ni Ethan kaya napabuntong hininga lang si Prince

"Hindi ko alam" - sabi nya

"Alam namin na magulo ang isip mo ngayon" - sabi ni Louie

"Tara. Punta na muna tayo sa classroom. Baka malate pa tayo" - aya ni Ethan kaya tumango kami at pumunta na sa classroom

Maxine's POV:

Sinundan namin si Princess nung umalis sya. Nandito kami ngayon sa garden dahil dito namin sya inabutan.

"It will be okay, Princess. Magiging ayos din lahat sa pagitan nyo ni Prince. It will be okay. I assure you." - sabi ni Abi habang tinatapik sa likod si Princess

She's crying.

"Mali ba akong sya ang nagustuhan ko? Mali ba ako na sya ang minahal ko?" - tanong ni Princess samin

"You're the one who could answer that" - sabi ni Adrianna

"Mali nga ba?" - dagdag ni Abi

"Hindi ko alam" - naguguluhang sabi ni Princess

Napabuntong hininga nalang si Adrianna

"Isipin mo nalang yan sa ibang oras. Sa ngayon, kailangan muna nating pumunta sa classroom dahil baka malate tayo sa susunod nating subject" - sabi ni Adrianna kaya pumunta na kami sa classroom

Umupo na kami sa mga upuan namin pero si Princess ay nanatiling nakatayo sa pinto. Nandito na din pala yung limang boys. Lumapit bigla si Princess sa isa naming kaklase at kinausap ito. Maya maya lang ay tumayo bigla yung kausap ni Princess atsaka kinuha yung gamit nya at umupo sa tabi ni Prince. Ahh..... Nagpalit pala sila ng upuan. Tinignan ko si Prince at nakitang nagulat sya pero Hindi nagtagal ay napalitan ito ng blank expression. I turn my gaze on Princess and saw her looking straightly at the board.

Nung uwian na ay agad nagligpit ng gamit si Princess at walang pasabing umalis sa classroom. Naiwan kaming siyam dito at walang kumikibo hanggang sa magsalita si Prince

"I hurt her so much, right?" - sabi nya

"Yes. And I'm so dissapointed to you because of all people, ikaw pang kaibigan nya ang nanakit sakanya. Ay wait. Hindi mo pala sya kaibigan. Kasi sampid lang naman sya sayo, diba?" - cold na sabi ko

"Fix this, Prince" - sabi ko pa at kinuha na ang gamit ko at umalis na

THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYSWhere stories live. Discover now