C32 - Acquaintance Party (part one)

6K 280 6
                                    

Maxine's POV:

5:00 pm na ng mapag desisyunan namin na maghanda para sa party mamayang 7:00.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay agad akong nagpunta sa banyo at naligo................

After 45 minutes ay natapos na din ako kaya pumunta na ako sa walk in closet ko para magbihis. Isinuot ko ang dress na binili namin nung isang araw. Nagmake up ako ng sarili ko at cinurle ko naman ang buhok ko. Nilagay ko sa clutch ko ang wallet at cellphone ko. Nang maayos ko na ang lahat ay lumabas na ako kwarto ko. Kasabay ng pagbukas ko ng pinto ay ang pagbukas din ng pinto ng kwarto ng mga kaibigan ko.

We look so perfect on our cocktail dresses.

I'm wearing a black cocktail dress while Adrianna is wearing a blue cocktail dress. Abi and Lexie are both wearing a red cocktail dress but they differ in design. And lastly, Princess is wearing a black and white cocktail dress.

Pumunta na kami sa mga kotse namin at nag drive papunta sa hotel. Pinark namin ang sasakyan namin at agad na bumaba. Pumasok na kami sa loob pero bago yun ay isinuot muna namin ang mga mask namin. Maganda ang pagkakabuo ng hotel ngayon. Umupo kami sa table na nakalaan sa aming student council. Nakita namin dun yung limang lalaki kasama ang girlfriend ni Prince na si Julia. Agad akong napatingin kay Princess pero wala ni isang emosyon akong nakita sakanya. Umupo ako sa tabi ni Nathan. Si Adrianna ay umupo sa tabi nu Ethan. Si Abi ay umupo sa tabi ni Louie. Si Lexie ay tumabi Kay Ken. At si Princess naman ay umupo sa kanang bahagi ko. May isang bakanteng upuan ang nasa tabi ni Princess. At yung upuan na yun ang nagdidistansya Kay Prince at Princess.

"Princess, are you okay?" - tanong ko Kay Princess na deretso lang ang tingin sa paligid.

"Yes. I'm okay" - nakangiting sagot nya pero alam Kong peke lang yun

Tiningnan ko si Prince at nakita ko syang masayang nakikipag usap Kay Julia. Bigla namang may lumapit na lalaki dito at kinausap si Princess

"Miss? Pwede bang umupo dito?" - tanong ng lalaki sabay turo sa bakanteng upuang kagabi ni Princess

Napatingin naman sakanya si Princess at agad namang nanlaki ang mata nya ng makita nya ang lalaki

"Omyghad!! Carl? Ikaw ba yan?" - gulat  tanong ni Princess

"The one and only" - nakangiting sabi ni Carl daw

"Waaaaaah!!!! I miss you Carl!" - sabi ni Princess at niyakap ng mahigpit yung lalaki

Hindi nagtagal ay humiwalay na din sya at ngumiti ng matamis.

"Kelan ka pa nakabalik?" - tanong ni Princess.

"Kahapon lang" - sagot nung lalaki

"Ikaw ba ang nagpalagay nito dito?" - tanong ni Princess sabay turo dun sa upuan

Nahihiya namang tumango ang lalaki bilang sagot.

"Ehem. Baka gusto mong ipakilala yang kausap mo samin?" - singit ko sa usapan nila kaya napatingin sila sakin

THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon