C25 - Avoiding Nathan

6.5K 275 3
                                    

Maxine's POV:
Ugh! Ang sakit ng ulo ko! Teka! Uminom nga pala ako kagabi! Tsk! Bakit ba kasi ako uminom?! Baka may mga nasabi na naman ako na kung ano ano. Aish! Makaligo na nga lang! Pumunta na ako sa banyo at naligo na.

Pagkatapos Kong maligo ay nagbihis na ako ng school uniform ko. Inayos ko na yung buhok at mukha ko bago bumaba na. Pumunta ako sa kitchen at nakita ko yung apat na kumakain na. Napatingin sila sakin ng maramdaman nila ang presensya ko.
Umupo nalang ako at kumain nalang din.

"Max?" - tawag sakin ni Princess

"Hmm?" - pansin ko sakanya pero Hindi na ako nag abala pang tumingin sakanya

"Totoo ba yung sinabi mo kahapon?" - tanong ni Lexie

"Bakit? Ano bang sinabi ko?" - tanong ko pabalik

"Sinabi mo na nagseselos ka Kay Cassandra dahil kinausap nya si Nathan kahapon. Sinabi mo na iinform namin sya na sayo lang si Nathan. Sinabi mo din na gusto mo sya" - sabi ni Adrianna

"Tsk! Yun lang pa--------" - Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng mapagtanto ko ang sinabi ni Adrianna

"WHAT?! SINABI KO YUN?!" - gulat na tanong ko

"Ah eh. Oo" - sabi ni Princess

"Argh! Shit! What have I done?" - sabi ko

"Totoo ba yun?" - tanong ni Abi

"Of course not!" - sabi ko

Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakita kong 6:25 na.

"Finish your food. We're going to school" - sabi ko

Inubos na nila yung pagkain nila at pagkatapos nun ay umalis na kami sa bahay at pumunta na sa school. Pinark namin ang kotse namin at pumasok na sa loob ng SU. Naglalakad lang kami papunta sa classroom ng makasalubong namin si Nathan. Argh! Sana Hindi ko nalang sya makita! Nakakahiya yung sinabi ko kahapon! Anong gagawin ko?! Isip..... Isip...... Isip...... Aha! Iiwasan ko nalang sya. Oo tama. Iiwasan ko nalang sya.

"Good morning!" - masiglang bati ni Louie

Nakita ko naman na nakatingin sakin si Nathan kaya nagpaalam muna ako sakanila

"Punta na ako sa gym" - paalam ko sakanila at umalis na

Narinig ko pa ang pagtawag nila sakin ngunit Hindi ko na sila pinansin pa. Ang gusto ko lang ay umiwas Kay Nathan dahil nakakahiya yung sinabi ko kahapon. Bakit ko pa kasi sinabi yun eh!

Nang makarating ako sa gym ay nakita Kong magsisimula na ang laban ng volleyball. Pumunta na ako dun at nakita ko si Cassandra na nakangisi ng makita nya ako. Hindi ko na sya pinansin at pumwestl na dahil nagsimula na ang laro.

THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYSWhere stories live. Discover now