C31 - New Girlfriend

6.7K 318 14
                                    

Princess's POV:

Kring!!! Kring!!! Kring!!!

Boogsh!!!

Bwisit na alarm clock yan! Sinira yung maganda Kong tulog! Malapit na eh! Makikilala ko na si Mr. Right eh! Aish! Makaligo na nga lang!

Pumunta na ako sa banyo at naligo......

After 1 hour

Ay natapos na akong maligo kaya pumunta na ako sa walk in closet ko. Nagsuot ako ng maong shorts, v neck shirt at sandals. Nagblower ako ng buhok atsaka sinuklay ito. Naglagay lang ako ng powder at lip gloss sa mukha ko and then boom! Isa na akong dyosa! Ay mali. Matagal na pala akong dyosa. Hehehe. Lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba na. Nakita ko sila Maxine at Abi sa sala kaya isang masiglang speech ang ginawa ko.

"Goodmorning Maxine! Goodmorning Abigail! Nandito na ang pinakamagandang babae sa balat ng Earth kaya humanda kayo dahil maghahasik sya ng kagandahan!" - masigla at masayang sabi ko

"Ganda ng gising mo ah! Anyare ba?" - sabi ni Max

"Wala. Gusto ko lang magpa good vibes!" - sabi ko

"Osige na. Magbreakfast ka na dun. Wala pa sila Adrianna at Lexie dahil tulog pa kaya ikaw nalang mag isang kumain. Tapos na kasi kaming dalawa ni Max eh" - sabi ni Abi

"Okie!" - sabi ko at nagpunta na ng kusina

Kumain na ako ng kumain para may energy ako. Matapos Kong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone at wallet ko. Bumaba na ulit ako at nagpunta sa sala.

"Alis muna ako saglit ah" - paalam ko sakanilang dalawa

"San punta mo?" - tanong ni Abi

"Dyan lang sa may park" - sagot ko kaya napatango sya at umalis na ako

Wala pang masyadong tao sa park ng makarating ako. Umupo ako sa isa sa mga bench dito at tiningnan ang paligid. Napapikit nalang ako ng umihip ang malakas na hangin. Hays..... Ang sarap talaga dito. Maganda, tahimik at payapa. Tsk! Hindi pala maganda! Nakakita kasi ako ng alien. Alam nyo ba kung sino yun? Edi sino pa edi si Prince Kyle Alonzo! Nakakasira ng view yung mukha nyang mukhang alien! Pwe!

Napatingin sya dito at ng makita nya ako ay napangiti sya at lumapit sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" - tanong nya

"Nag aaral" - sarcastic na sagot ko sakanya

Tiningnan naman nya ako ng masama ngunit inirapan ko lang sya.

THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYSWhere stories live. Discover now