C30 - Baking Day

6K 301 5
                                    

Maxine's POV

"Adrianna Mace Padilla!!!!! Bumalik ka dito!!!!" - sigaw ni Princess habang hinahabol ang tumatakbong si Adrianna

"Waaaaaah!!! Sorry na kasi!!" - sigaw pabalik ni Adrianna

Alam nyo ba kung bakit sila nagkakaganyan? Eh kasi kinuha ni Adrianna yung isang box ng chocolates ni Princess. Alam nyo naman yang babaeng yan, sobrang hilig sa chocolates.

"Maxine!!!!!!! Abigail!!! Lexie!!!Help me!!!!!" - sigaw naman samin ni Adrianna

Wala pa dito yung boys dahil may pupuntahan daw muna sila. Nandito kami ngayon sa bahay at nagpapahinga. Sobrang napagod kasi kami nung mga nakaraang apat na araw dahil sa paghahanda para sa acquaintance party.

"Sorry na kasi!!!! Papalitan ko nalang ng 3 box!!!" - sigaw ulit ni Adrianna kaya tumigil si Princess sa paghabol sakanya at ngumiti ng matamis.

"Yehey! Thank you!" - sabi nya at umupo na ulit sa tabi ni Abi

Tsk! Hindi parin talaga nagbabago toh! Kapag kasi may kinuha ka sakanya, Hindi ka nya papatawarin hangga't Hindi mo papalitan yung kinuha mo.

Tumayo nalang ako at akmang pupunta na sa kusina ng biglang magtanong si Lexie

"Saan ka pupunta?" - tanong nya

"Kusina" - tipid na sagot ko

"Anong gagawin mo dun?" - tanong naman ni Abi

"Magbabake" - sagot ko at nagpunta na sa kusina

Narinig ko pa silang humiyaw pero Hindi ko na iyon pinansin pa. Naramdaman ko namang sumunod sila sakin kaya inilabas ko na ang nga ingredients at nagsimula ng paghalu haluin ito.

Nathan's POV:
Napasapo nalang ako sa mukha ko para pigilin ko ang inis na kanina ko pa pinipigilan. Nandito kasi kami ngayong lima sa bahay nila Ate Kisha at kanina nya pa ako kinukulit tungkol Kay Max. Nalaman nya kasi na may gusto ako sakanya. Ay mali! Hindi lang pala sya. Lahat sila. Tsk! At alam nyo ba kung sino ang nagsabi nun? Edi sino pa edi yung dalawang bwisit! Sila Louie at Prince! Tsk!

"Huy Baby Nathan! Totoo ba?" - pangungulit pa ni Ate sakin

Inis akong napatingin sakanya atsaka nagsalita

"Ate. Wag mo na akong tawaging baby. Kasi Hindi na ako sanggol" - inis na sabi ko

"Waaaah! Oo nga! Hindi na kita pwedeng tawaging baby kasi may iba ng tatawag sayo nun! Huhuhu! Migo!!! Migo!!! Huhuhu! Halika dito!!" - sabi ni Ate Kisha

Tsk! Parang bata! Agad namang lumapit si Kuya Migo at niyakap naman ito ni Ate.

"Tumahan ka na nga dyan, Ate. You look like a stubborn kid" - sabi ko at tiningnan naman nya ako ng masama

"Ewan ko sayo! Ano?! Sagutin mo yung tanong ko! Gusto mo ba si Lacey?!" - tanong ulit ni Ate

Lacey. Yun yung tawag ni Ate Kay Max. Tsk! Ang baduy ni Ate! Sobra!

"Umamin ka na kasi, bro!" - biglang sabi ni Louie

"Anong ako! Ikaw muna!" - sabi ko

"Anong ako muna?" - takang tanong nya

"Aminin mo muna na may gusto ka Kay Abi!" - sabi ko na ikinagulat nilang lahat

"Paano mo nalaman?" - gulat na tanong nya

"I have my own way" - sabi ko

"Huhuhuhu!"

Mas nagulat kami ng marinig namin ang iyak ni Ate Lenie.

THE FIVE BADGIRLS MEETS THE FIVE BADBOYSWhere stories live. Discover now