Ambisyosa Ten

1.4K 106 24
                                    

•Vanessa•

PAGKATAPOS kong maglagay ng sanitary napkin, hinubad ko ang coat ng aming uniform at tinali ito sa aking bewang. Ginawa ko itong pantakip sa basa ng aking palda. Dahil kinusot ko ito kanina upang hindi kumapit yung mantsa. Nagbilang muna ako ng isa hanggang tatlo bago lumabas sa CR ng SSC Office. Ramdam ko ang pinaghalong kaba at hiya sa aking puso.

Shutangina bells naman kasi. Sa dinami rami ng pwede kung makalimutan ang araw pa talaga ng regla ko. Yan tuloy pati si Mr. President na meet sya.

Speaking of him, malaki ang pasasalamat ko sa kan'ya. Pagkatapos ko kasing magtanong kung meron syang extra, ay mabilis n'yang kinuha ang kanyang cellphone at may tinawagan doon. Ilang minuto ang lumipas, ay may pumasok na babae sa office nila na may dalang paper bag at sa loob nun ay ang mahiwagang damit ni bestfriend. Pero bago ibigay sakin yun nang babae, tiningnan nya muna ako nang masama at nagpa-ikot pa ng kan'yang mata.

Inggit siguro si ate, dahil mas maganda ako kesa sa kan'ya.

Paglabas, meron ng ibang miyembro ng SSC officers ang nandoon. Napatingin sila sa aking direksyon at lahat sila ay nagulat dahil sa presensya ko. Bahagya akong yumuko, upang iiwas ang aking mukha, dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Hindi naman siguro maganda kung ipagtatapat ko ang nangyari, diba?

"Hi, humiram muna ako ng cr nyo dahil natagusan ako, buti na lang nasabihan ako ng Presidente natin. Sobrang bait nya talaga at maaalahanin."

FYI! Ayoko ng mapahiya ulit.

Mabuti na nga lang, dahil walang nagtangkang magtanong kung ang ang ginagawa ko sa office nila. Napatingin ako sa table ni Mr. President, pero wala na sya roon.

Kahit ang suplado ng isang yun at hindi marunong ngumiti may malasakit rin pala.

Mabilis kong binuksan ang aking bag at kinuha roon ang isang tupperware. Pinatong ko iyon sa ibabaw ng kanyang mesa. Puminit ako ng sticky note na pag ma-may ari ko at sinulatan iyon.

Pinadalhan kasi ako ni mama ng tatlong lunch box na may lamang pagkain. Yung isa ay ibibigay ko kay Sky, yung isa naman ay kay Sketch: bilang pasasalamat sa paghatid nya sa akin kagabi. At yung isa naman sana ay para sakin. Pero dahil may utang ako kay Mr. President sa kanya ko na lang ibibigay yung parte ko.

Nang matapos, dinikit ko iyon sa ibabaw ng takip tsaka lumabas na rin ng SSC Office. Nagtungo ako sa hagdanan ng aming building at nagsimulang umakyat. Nang makarating ako sa 3rd floor nagpahinga muna ako saglit bago nagpatuloy.

Next time, magpapaturo na talaga ako kay Skylah kung paano sumakay ng elevator. Pagdating ko sa 5th floor, may ilang classroom pa akong nadaanan bago ko narating ang classroom namin. Pagbukas ko ng pinto agad kong nakita si Sky na nakaupo sa ibabaw ng kanyang mesa habang nakikipag usap sa iba naming kaklase.

"Hi Van."

"Hi." Tinaas ko ang kanang kamay para sabayan ang aking pagbati. Napalingon sa aking direksyon ang mga babaeng kausap nya upang batiin rin ako.

"So? kumusta ang SSC cleaning?"

"Ayon finally natapos ko rin." Habol ang hininga kong sagot sa kanya.

Whoo! Paano ba naman? Pagod na nga ako sa paglinis, napagod pa ako sa pag-akyat.

Mabilis na napadako ang aking paningin sa bakanteng upuang nasa aking tabi. Hays! Sana lang talaga mabait yung magiging seat mate ko. Yung pwedeng makopyahan, syempre with persmission galing sa kanya at higit sa lahat ay yung pwede maki-chikahan kapag boring yung lesson na tinuturo. Binasa ko ang dalawang letra na nakasulat sa mesa.

Vanessa AmbisyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon