Ambisyosa Nine

1.3K 100 24
                                    

•Vanessa•

Maaga akong nagising dahil may kailangan pa akong gagawin sa school at dapat hindi iyon maging dahilan para ma late ako sa first period. Ngayong araw ako maglilinis sa office ng Student Council, ito na rin ang huling parusa ko dahil sa nagawa ko kahapon.

Nadatnan ko pa nga si mama na nagluluto palang ng afritada: isa sa putahe na ibebenta nya ngayong araw. Hinalikan ko lamang sya sa kanyang pisngi at sumandok ng isang kutsarang valenciana bilang almusal.

Pagpasok ko sa gate, may iilang estudyante na akong nakikita sa paligid. Pero halos lahat ay mga Senior High School students. Tinungo ko ang daan kung saan ang office ng SSC. Hindi na ako nagulat ng bumukas ang pinto nang pihitin ko ang seradura. Alam ko kasing binuksan na ito ng nakatokang guard.

Sumilip muna ako sa bintana at nakita kong wala pang ni-isang SSC Officer.  Pagpasok ako sa loob at doon lang nagkaroon tao. Ngunit hindi miyembro ng Student Council. Dahil, ako yun.

Char! Matatawag pa ba akong tao? Eh, sa gandang ko ito nag mu-mukha akong engkanto: Isang Dyosa. Hayy ewan! Back to business na nga.

Ang ngiti sa aking labi ay mabilis na napalitan nang ngiwi dahil sa sobrang kalat ng office nila. Mga papel na nasa sahig, mga librong natumba sa shelf at mga supot ng chips at kendi sa ibabaw ng mesa. Hindi ba sila nilalamok o nilalangaw dito? Gan'yan ba sila ka busy? O sadyang tamad lang talaga.

Pero ang nakapagtataka lang, ay dahil halos lahat ng mesa ay makalat. Maliban sa isa na nakapwesto sa pinaka-unahan. Parang hindi ito nagagamit na dahil sa malinis ang ibabaw nito. Ang mga papel ay nakapatong patong nang maigi at ang mga ballpen ay nakahilera ayon sa kanilang laki.

Tiningnan ko ang pangalan na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

Krypton Paint Mexicon
(SSC PRESIDENT)

Hindi ko alam pero mabilis akong napatawa dahil sa pangalan niya. Seryoso? “Paint” talaga? Anong trip ng magulang nya? Dapat ginawa na lang itong "Boysen" yung sikat na brand ng pinta.

Krypton Boysen Y. Mexicon.

OHA! BONGGA! Siguro, hindi nila ginamit dahil baka maakusahan sila ng plagiarism. Uso pa naman yan ngayon.

Oh! Ang matamaan, ilag lang.

Tiningnan ko ang orasan na nasa dingding, 6:30 pa lang ng umaga. Meron pa akong isang oras para maglinis. Nilapag ko muna ang jansport made in divisoria kong bag at tinali ang buhok ko na para bang si Ariana Grande at inumpisahan ng linisin ang binagyong offcice ng SSC.

Inuna kong pinulot ang mga basurang nakakalat sa sahig at halos lahat yun ay papel. Sunod kong kinuha ang mga cellophane ng chips at kendi na nasa ibabaw ng pabilog na mesa. Siguro ito yung mesa nila kung saan sila nag me-meeting. Mabilis ko namang pinaghiwalay ang nabubulok at di-nabubulok na mga basura bago pinasok sa garbage bag.

Matapos kong magpulot ay sinimulan ko ng walisan ang sahig at pinapadaanan ng feather duster ang bintana at ibabaw ng mesa. Pero syempre, mas nakakagaang maglinis kung sasabayan mo ito nang pagkanta.  Mabilis kong binitawan ang hawak na walis tambo upang makapag-focus sa gagawin.

"Baribimbaraboom boom boom. You goin like that, that that that, that, that that that, that! Yeah!!"

Mabilis akong umakyat sa isang mono block at ginawang microphone ang hawak kong feather duster

"Look at you now, look at me, ah. Look at you now, look at me, ah. Look at you now, look at me. How you like that."

Bigay todo ako sa pagkanta at pagsayaw. Syempre, mahigit isang taon ang hinintay ko para sa comeback ng Blackpink. Kaya dapat lang na bigyang hustisya ang sayaw nila.

Vanessa AmbisyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon