Ambisyosa Eight

1.4K 99 9
                                    

•Vanessa•


"Ma, eto pala yung benta ko sa polvoron kanina." at inabot sa kanya ang dalawang libo. Nang makita ang halaga ng pera ay  agad nanlaki ang kan'yang mga mata.

"Dalawang libo? Eh, 50 pcs lang yun ah. Kaya dapat 500 pesos lang yung benta mo."

Hay naku, Mother bells! kung alam nyo lang ang pakulo at drama na ginawa ni Sky kanina.

“Eh sa mayayaman yung mga estudyente doon, ma. Kaya halos lahat ang sabi 'keep the change'.” Natatawa kong sagot. Pero mukhang hindi pa rin ata naproseso ng utak ni mama ang sinabi ko, patuloy pa ring nagpalipat lipat ang kan'yang tingin sa akin at sa dalawang libong na nasa kan'yang palad. 

Hindi ko na hinintay na muli s'yang magsalita dahil mabilis kong hinalikan ang kan'yang pisngi at lumabas ng kusina para pumunta sa sala. Pagkarating ko roon nakita ko agad ang isang nilalang na nakahiga sa maliit naming sofa.

"Hey, baby." Nang marinig nya ang aking boses ay mabilis s'yang bumangon at may ngiti sa labing nagta-ta-talon.

"You're back."

"Hello, prinsesa ko." nang makalapit, ay mabilis ko s'yang binuhat at hinalikan ang dalawa n'yang mata.

Yes, may anak na ako sa pagkadalaga. Pero isa lamang yan na malaking joke. Virgin pa ako mga, tea. Never been touch.

She's Princess Amber my 9 year old little sister she’s already in Grade 3. Well she's just my half sister magka-iba kasi kami ng tatay. 19 years old si mama nung pinanganak nya ako at ang aking ama ay di ko na nakilala. Ang kwento nya kasi sa akin. Noong ipagtatapat nya na sana na buntis sya, ay yun naman daw ang araw na hindi na nagpakita si papa.

Anim na taon naman ako, noong nabuntis ulit si mama at yun na si Princess. Yung lalaking nakabuntis kay mama ay hindi ko kilala, ni minsan nga hindi ko pa yun nakikita eh. Pero isa lang ang alam ko, nakikipag kita pa rin si mama sa ama ni Princess. At ang dahilan? Hindi ko alam.

"Ate wag mo akong tawaging Princess. Tawagin mo akong Amber para magkapatid kami ni Sophia." ang tinutukoy nyang Sophia ay yung si "Sophia the First" na Disney Princess.

"Ay ambisyosa ka naman sis. Okay po, baby Amber."

"Mana mana lang yan, ate. Tara po nood tayo ng Sophia." inaya nya akong umupo sa sofa at sya naman ay humiga sa mga binti ko. Wala sa sarili naman akonv napatawa dahil sa naging sagot nya.

May pinagmanahan nga. Parehing amsbisyoa pero maganda. Hahaha! Sinamahan ko s'yang manuod habang sinusuklay ang dark brown nitong buhok.

Bigla kong naitigil ang pagsusuklay nang maalala ko ang dark brown din na buhok nung aroganteng presidente namin.

Shutangina! Sana lang talaga ay hindi na muling mag krus ang mga landas namin. Feeling ko, kapag nand'yan sya ay may kalakip na kamasalang mangyayari sa akin.

Pero in fairness, ha. First day of school palang. May mga keks na akong nakita. Tama nga ang sabi nila, na maraming gwapo ang nag-aaral sa private school. Yun nga lang, manyak at suplado ang nakilala ko.

"Mga anak kain na." natigil lang ako sa pag-iisip nang sumigaw si mama mula sa kusina. Mabilis akong tumayo at hinawakan ang kamay ng aking kapatid.

"Tara na."

Masaya kaming kumain na tatlo, ako si mama at si Amber. Ibinida na naman kasi ng kapatid ko ang mga achievemens nya sa school. Dahil kanina raw, sya yung nag lead sa pagkanta ng National Anthem sa kanilang flag ceremony na ginagawa sa kanilang mga classroom. Doon rin nag-aaral si Amber sa school na pinag-aralan namin ni Skylah nung elementarya. Wala naman kaming ginawa ni mama kundi ang pumalakpak sa mga kwento ni Amber.

Matapos naming kumain, ay ako na ang nagpresinta na maghugas ng pinagkainan. Sina mama at Amber naman ay umakyat na sa taas para matulog.

Kaya naiwan akong mag-isa sa baba. Mabilis pero sinisigurado kong malinis ang paghuhugas ko ng pinggan. Pagkatapos, ay pumunt ako sa sala upang sarahan ang bintana, bunutin ang mga appliances na nakasabit pa sa plug at dinoble check kung naka-lock na ba ang pintuan. Nang masigurado kong ayos na ang lahat, doon na ako nagpasyang umakyat.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata. Ngunit, naagaw ng aking pansin ang isang liwanag na nagmumula sa aking cabinet. Hindi ko ito naisara nang maayos kaya masyado itong agaw pansin.

HAAYY BUHAY NGA NAMAN.

Mabibigat ang aking mga paa na tinungo ang cabinet.

“Pag ikaw na bagay ka, ay hindi importante pero nagpapapansin ka sa magandang si Vanessa. Itatapon talaga kita sa labas.” naiinis kong bulong sa sarili. Buong pwersa ko itong binuksan at sumalubing sa akin kung saan nanggagaling ang liwanag. Galing ito sa isang kahon na walang takip. Dahil sa inis may kalakasan ko itong hinablot, na naging dahilan upang tumalsik ang laman sa sahig. Nagkalat sa aking paanan ang iilang bagay na nasa loob kanina ng kahon at kabilang doon ang isang bracelet na pinagmumulan ng liwanag

Nagpakawala muna ako nang malalim na hininga bago umupo sa sahig. Kinuha ko ito at pinagmasdan nang mabuti.

Gawa ang bracelet sa kulay asul na beads, pero ang dahilan kung bakit ito lumiliwanag ay dahil sa nag-iisang crystal na hugis puso ang disenyo. Isa itong glow in the dark.

Ang inis na naramdaman ko kanina ay biglang napalitan ng lungkot. Alam kong ako ang nag ma-may ari ng bracelet at alam ko rin kung saan to nanggaling. Ibinaba ko ito sa aking hita at doon naman napunta ang aking atensyon sa dilaw na kahon na nakatumba. Nang makita ko ang laman nito na nagkalat sa sahig, ay wala sa sarili akong napangiti.

Mga papel iyon na naglalaman ng iba't ibang drawing. Drawing ng isang heart na parang bilog, aso na parang baboy, gagamba na parang kuto at isang drawing na may dalawang bata. Isang babae at isang lalaki. Nakaguhit ang kanilang mga katawan sa pamamgitan ng stick figure, nasa loob sila ng isang malaking puso na napapalibutan ng mga maliliit na butuin. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong naging malungkot.

Siguro, naaawa ako sa aking sarili. Dahil simula pagkabata hindi talaga ako biniyayayaan ng talento sa pag drawing. Walang pinagbago. Hahaha! Bwesit!!

Isa isa kong niligpit ang mga papel pabalik sa kahon. Nang may isang litrato ang nalaglag mula sa pagkakaipit sa isang bond paper.

Mabilis ko itong dinampot at tinignan nang mabuti.

Litrato ito ng dalawang bata.

Nakatayo sila sa ilalim ng malaking puno ng narra. Ang batang babae ay nakangiti nang malapad. Samantala, ang kasama nitong lalaki ay nakaakbay sa kanya. Pero hindi ito nakatingin sa camera, dahil ang mga mata nito ay nasa batang babae.

Binalot ako ng pagtataka. Dahil nakita kong soot ng batang babae ang bracelet na nakita ko kanina at doon ko napagtanto na ako pala yun. Pinagmasdan kong mabuti ang batang lalaki na nasa aking tabi. May ganoon rin syang bracelet na katulad sa akin, yun nga lang ay kulay dilaw ang soot bya.

Pero ang hindi ko maintindihan. Sino itong batang lalaki na kasama ko sa litrato? Bakit hindi ko matandaan ang mukha nya? At ang mas malala pa ay dahil hindi ko sya kilala.

ᚒ✾◈✿◈✾ᚒ

Vanessa AmbisyosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon