Comparison 5//

Magsimula sa umpisa
                                    

“oh! Don’t shout Lulu. Hindi ako bingi. Gusto ko lang naman na gawin mo ang iuutos ko sayo ngayon. Madali lang siya don’t worry. Kung hindi mo gagawin, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa girlfriend mo. HAHAHAH!” sabi niya sakin. Pero takte!!! Alam kong masama yang ipauutos niya sakin.

Malamang alagad ng kasamaan yang babaeng yan eh!

“anong ipag-uutos mo haa??? Alam mo hindi ka na nakakatuwa! Akala ko ba hindi mo na ako guguluhin??? Wala kang kwenta!!” hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko..

“oh c’mon. relax Lulu. Ansakit mo naman magsalita. Ouch!!” pag-iinarte ng bwisit na babaeng to.

“MAGPANGGAP KANG BOYFRIEND KO IN JUST ONE MONTH at kung hindi ka papayag, sisirain ko ang buhay ni Paula your loves. Naintindihan mo?? Magpapanggap lang naman eh, pero dahil one month yun, malamang magkakagusto ka na rin sakin nun. Kaya ang maganda pa, i-break mo na yang girlfriend mo. Or kung ayaw mo, let’s say, nagtu-two time ka. Mas okey yun! HAHAHAHHA !!”

“tumigil ka!!! Wag mong idamay sa mga kalokohan mu si Paula. Mahal ko siya. Wag siya please?! Ako na lang pahirapan mo. Wag mo siyang idadamay dito.” Pagmamakaawa ko sa kanya.

“hindi ka ba nakikinig? Ang sabi ko, magtwo time ka. Ang importante lang, girlfriend mo rin ako. Alam mo namang matagal na kitang gusto diba?HAHAHAHA”

“please wag sa ganung paraan. Wag ngayon! Maawa ka. Gagawin ko ang gusto mo pero ayokong saktan si Pau. Mahal ko siya! Wag ngayon, nagmamakaawa ako sayo!” hindi ko namalayan, may pumatak na palang luha galing sa aking mga mata.

“oh sige, wag ngayon? Pero bukas! Bukas ay girlfriend mo na ako. Wala nang reklamo! Dahil kapag nagreklamo ka pa, alam mo na ang mangyayari Lulu. HAHAHAH!”

Tuluyan na siyang umalis.

At ako? Natulala ako sa nangyari. Paano ito?

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Magsasabi ako ng totoo kay Pau. Ayokong magalit siya sakin. Mahal ko siya kaya ayaw ko siyang saktan.

Shet ka talaga Jessie!! Bakit kailangan mu pang dumating sa buhay ko??

Bakit ngayon pa kung kelan masaya na ako sa taong mahal ko?

Hindi pa ba sapat na halos patayin mu na ako noon dahil sa mga pinaggagawa mo sakin??

Bakit hindi ka pa namatay!!

Taena talaga!!!

--end of flashback—

(Pau’s POV)

Calling Luis <3….

Bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko?

Ilang araw na akong walang balita kay Luis.

Hindi siya nagtetext o tumatawag sakin.

Hindi ko alam kung bakit.

“PJ anak, kaen na!” tawag sakin ni mama. Kasalukuyan akong nasa kwarto ko. Sabado ngayon eh.

1 new message

From: Luis <3

Babe, magkita tayo ngayon please? Marami akong gustong sabihin at ipaliwanag sayo. Sa park tayo magkita. Around 4pm. Maghihintay ako babe. I love you and I super miss you!

------

Hindi ko alam pero parang masama ang kutob ko sa text niyang iyon.

Marami daw siyang sasabihin at ipapaliwanag? Oo kelangan niya talagang magpaliwang kaya kelangan ko talagang magpunta mamaya.

10 Comparisons of LOVE (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon